JUSTIN'S POV Hinanap ka-agad ng aking mata si Jennie ng makapasok ako sa loob ng kanilang block section. Naka schedule kasi akong magturo sa kanilang block kaya nandito ako ngayon. Napakunot ako ng noo ng mapansin kong wala pa ito, maging si josh ay wala din, kaya napatingin agad ako sa pinto ng silid ng marinig ko ang pagbukas nito. Sabay na pumasok ang dalawa, ngunit nakatuon lang ang atensiyon ko kay Jennie na kasalukuyang naka yuko ng kaunti habang naglalakad papunta sa kanyang pwesto. Nakaramdam ako ng pagkalito ng mapansing namumugto ang mga mata nito, parang gusto ko siyang tanungin kung bakit ganon na lamang kamugto ang kanyang mga mata. Palihim akong tumitingin sa gawi niya habang nagtuturo sa klase, hanggang sa matapos ang klase ay nakayuko pa rin ito at hindi man lang nag-aa

