JUSTIN'S POV Kanina pa nagsimula ang exams, habang ako ay kanina pa ring nakatingin lang kay Jennie. Hindi na kasi maalis sa aking isipan ang naging asta ng dalaga kanina sa hallway. Para bang bigla akong nakaramdam ng kagalakan sa aking puso habang inis nitong ginaya ang mga pananalita ng mga estudyanteng nakausap ko. Mas lalo pa kong natutuwa kapag nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin sa tuwing nag-aangat ito ng tingin at agad na nagtatama ang aming mga mata. Parang bang ang sarap kurutin ng mga pisngi nito. " What's so funny Mr. Vale ? " tanong ni Nica na nakaupo sa harapan, agad naman akong napabalik sa aking wisyo Napatikhim ako tsaka nagsalita " Nothin', I was just reminded by something else " pilit na ngiting paliwanag ko sa kanya Hindi na din kasi ako masiy

