JENNIE'S POV
Mag-iisang oras na rin simula ng maalimpungatan ako kaninang umaga, hindi na muli akong dinalaw pa ng antok para bang excited ang buong katawan ko ngayong araw. Simula kasi ng mga nangyari kagabi ay para bang excited na kong makita palagi si Mr. Vale. Alam ko namang mali ang magkagusto ako sa isang professor, ngunit sa tuwing maiisip kong pareho naman kaming nasa hustong gulang na, agad na nawawala ang guilt na aking nararamdaman. Tsaka alam ko din naman kasing kahit kailan ay hinding-hindi ako magugustuhan ni Mr. Vale.
Napagdesisyunan kong mag-jogging na lang muna paikot sa aming village, may higit tatlong oras pa kasi ako bago tumunog ang sinet kong alarm. Habang paikot ako ng village ay may nakasabay akong matatanda na halatang nagulat ng makita ako sa kabilang gilid ng kalsada. Agad naman silang kumaway sakin kaya kinawayan ko din sila. Nang maka tatlong ikot ako sa village ay nagpasya na kong bumalik sa aming bahay, sakto namang gising na si auntie Claire ng makauwi ako.
" O Jennie, gising ka na pala, kanina ka pa ba sa labas ? "
" Yes po auntie Claire, maaga po kasi akong nagising kanina kaya nagpasya kong mag jogging na lang muna " pagpapaliwanag ko
" You want coffee ?"
" Apple juice and some waffle na lang po "
" Maliligo po muna ko Auntie Claire " dagdag ko
" Hala't sige na baka matuyuan ka pa ng pawis " nag aalalang sambit nito
Nang matapos akong makaligo ay agad naman akong bumaba at nagpunta sa aming library para kumuha ng librong babasahin. Hilig ko kasi ang magbasa habang nag-aalmusal ngunit minsan ay hindi ko na nagagawa dahil na rin sa may mga araw na late na kong nagigising. Natigil ang aking pagbabasa ng sa sandaling makatanggap ako ng mensahe galing sa unknown number, agad ko naman itong binasa.
" Don't bring your own car, let's pick-up the little ones "
- Vale
Awtomatikong napangiti ang aking mga labi ng sandaling mabasa ko ang mensahe galing kay Mr. Vale.
" How did you get my number ? Haha " reply ko sa kanya
Wala pang isang minuto ng mag reply agad siya
[ 3 new messages ]
" That's a secret :) "
" I'm already at school "
" What time is your class ? you can just arrive early and spend time here in my office : ) "
Agad naman akong nag reply
" Be there at 7 ! "
Dali-dali naman akong nag-asikaso matapos kong masend ang aking mensahe kay professor Vale
" Auntie Claire, where is Robert ? Can you please tell him I need someone to drive at school "
" Okay, but what's the rush iha ? " nagtatakang tanong niya
" Nothing I just want to arrive early at school " nakangiti kong sambit sa kanya
" And auntie Claire, tell the drivers and Jade that I'll pick him up later " dagdag ko
" How ? You won't even bring your own car today " nagtatakang tanong niya
" Don't worry I got a friend " sambit ko
" Ikaw talagang bata ka " natatawang sambit niya na may halong pag-aalala
Sakto naman ang pagparada ng aming sasakyan sa harap ng pinto kaya dali-dali na kong sumakay at nag paalam kay auntie Claire. Ng makarating sa university ay agad naman akong nagtungo papunta sa office ni Mr. Vale at dali-daling kumatok
" Come In " sambit niya
ng buksan ko ang pinto ay agad kong nakita ang nakaupong bulto ni Mr. Vale sa mahabang sofa
" Do you always arrive early ? " pagtatanong ko sa kanya
" Not at all, I just woke up much earlier today "
" Really ? me too "
" Then what did you do in those hours ?" sambit niya habang tinatapik ang ibabaw ng sofa, inidikasiyon para umupo ako sa tabi niya
" I jogged " natatawang sambit ko habang dahan-dahang umuupo sa tabi niya
" Ngayon na ba ang simula ng tutoring lesson mo Vale ? " mapang-asar kong tanong sa kanya na agad naman niyang ikinagulat
" Vale !? " natatawang tanong niya
Natahimik ako ng ilang sandali, mariin ko kasing pinag-iisipan kung hindi ba niya nagustuhan ang naging biro ko sa kanya, agad naman niyang napansin ang biglaang pagtahimik ko
" What's wrong Jennie ?" nag-aalalang tanong niya
" Napaisip kasi ako bigla kung okay lang ba sayo na tawagin ko ang iyong pangalan ng wala man lang pag galang "
" Ano ka ba, okay na okay lang sakin pero syempre kapag tayong dalawa lang"
" Kapag may iba tayong kasama, gusto kong tawagin mo ko ng may pag galang. Is that clear ? " sambit niya habang nakatingin sa aking mga mata
Tanging tango na lamang ang naging sagot ko sa kanya
" Call me sa kahit na anong pangalang gustuhin mo ngayon " dagdag niya ng nakangiti
" Vale is a good one " sambit ko at tumango naman siya
" So Vale, tell me what do you want to do at this time ?" natatawang tanong ko sa kanya
" I want you... to pick a movie to watch "
Hindi ko alam kung ako lang ang nakaramdam pero parang nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko ang first three words na lumabas sa kanyang bibig. Ngunit mas pinili kong Ipagsawalang bahala na lamang at umaktong hindi apektado sa kanyang mga sinabi.
" Where's your laptop ?" pagtatanong ko at agad naman niyang tinuro ang kinalalagyan nito gamit ang kanyang bibig. Pag tapos ay agad ko namang inilagay ang kanyang laptop sa ibabaw ng kanyang mini table at umupo sa lapag. Nakaramdam ulit ako ng kaba ng sa sandaling maramdaman ko ang kanyang presensya sa aking likuran. Ang kanyang braso ay tumatama sa aking balikat dahil sa mas mababa ang kinuupuan ko sa kanya, ang kanyang baba ay nakapatong sa aking ulo habang ang kanyang kanang kamay naman ay nakahawak sa mouse dahil siya na mismo ang kasalukuyang naghahanap ng aming mapapanood. Pakiramdam ko ay para niya kong niyayakap mula sa aking likuran. Agad naman akong bumalik sa ulirat ng magsalita siya
" Nanonood ka rin ba ng mga horror movies ? " pagtatanong niya
" Oo naman no, kaso parang mas gusto ko ng romance ngayon " nahihiyang sambit ko sa kanya
" Ah ganun ba, edi romance ang panoorin natin " nakangiti niyang sambit
Ng makapili ay agad naman akong umupo na sa kanyang tabi, nagtama ang aming katawan dahil sa mabilis na paglipat ko ng pwesto, dali-dali naman akong nag ayos ng aking pwesto, tinanggal ko ang aking suot na sapatos at itinaas ang aking mga hita sa sofa na parang naka indian sit, ngunit ng sa sandaling maitaas ko ang aking mga hita ay dahan-dahan ding umangat ang suot-suot kong skirt, napansin naman ito ni Vale kaya agad niyang iniabot sa akin ang isang cushion
" Anong oras nga ulit ang iyong klase ? " pagtatanong nito
" My first class starts at 10 am "
" Then I also have a schedule with you inside and outside the school" dagdag ko pa habang natatawang nakatingin sa kanya
"Meet me after class, dito ka na mag lunch "
" Hindi pwede, I'm with Josh " nag aalangang sambit ko
" Oh that little friend of yours " nakangisi nitong sambit
" Why ? " Nagtataka ko namang tanong
" Nothing " sambit niya habang nakataas ang magkabila nitong kamay na parang sumusuko
Iling na lamang ang tanging naging tugon ko sa kanyang sinabi, agad naman kaming natahimik at bumalik sa panonood. Wala pang isang oras ng makaramdam ako ng antok, kaya't nagpasya kong ipikit muna ang aking mga mata
" You sleepy ? "
"Uhm, I wanna lay down " mapungay na tingin ko sa kanya
Nagising ako matapos ang mahigit isang oras. Nakaramdam ako ng kaba sa sandaling iminulat ko ang aking mga mata, pareho kasi kaming nakahiga at magkatabj sa isang masikip ngunit may kahabaaan na sofa. Ang kaliwang braso niya ang nagsisilbi kong unan habang ang kanang braso naman niya ay nakapatong sa aking balakang upang masuportahan ng kanyang kamay ang aking likuran. Ang aking mga kamay naman ay nakapwesto sa aking dibdib at sa kanyang buhok habang ang aking kaliwang hita ay nakayapos sa kanyang beywang. Ng mapansin kong nagigising na siya ay agad naman akong nagkunwaring tulog. Nakaramdam ako ng mahigpit na yakap mula sa kanya habang marahan niyang hinahawa ang aking buhok papunta sa likod ng aking tenga. Hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Kaya naman agad ko siyang niyakap ng mahigpit habang pilit pa ring umaaktong natutulog, ngunit hindi ako nakagalaw ng sa sandaling mayakap ko siya at tila may naramdaman akong matigas na bagay malapit sa gitnang bahagi ng aking katawan. Agad ding nagtama ang aming mga mata ng magpasya akong magmulat.
" You awake ?" Mahina at mahinhin niyang tanong sakin
Tumango naman ako at nagsalita
" Anong oras na ? "
Agad naman siyang na-alarma dahilan kung bakit bigla siyang rumolyo ng patagilid kaya't kalahati ng aking katawan ay kanyang nadadaganan
"Really sorry, but you have to go now young lady " sambit niya habang tinatapik ang gilid ng aking hita.
"You're 2mins. Late " dagdag niya kaya dali-dali naman akong bumangon
" Sobrang ikli ng skirt mo, ibaba baba mo ng kahit kaunti " sambit niya na agad ko namang ginawa
" Let's continue some other time " sambit ko bago tuluyang makalabas ng silid.