Disclaimer: This chapter contains R18+ content intended for mature audiences only. Reader discretion is strongly advised, and those who are uncomfortable with explicit themes are encouraged to skip this chapter.
JUSTIN'S POV
[ Loud Music Playing in the Background ]
Mag-iisang oras na mula ng pumunta ako sa " Cave " isang bar malapit sa La Carmella, kung san ako kasalukuyang nakatira. Napag pasiyahan ko kasing magliwaliw muna dahil simula na naman ng panibagong school year kinabukasan. Balak ko na sanang umuwi na makalipas ang tatlumpong minuto ngunit habang nililibot ko ang aking paningin sa bawat sulok ng club, napansin ko ang isang babaeng malagkit na nakatingin sa aking direksyon. Mariin ko rin siyang tinitigan, hinihintay ko kung ano ang susunod niyang gagawin. Kaya naman nakaramdam ako ng excitement ng mapansin kong lumalakad na siya papunta sa aking direksyon at ng tuluyan na siyang makalapit mula sa kinauupuan ko agad kong naaninag ang kabuuan ng kanyang mukha, masasabi kong nasa average din siya ng mga babaeng nakasiping ko dati.
" Mind if I sit beside you ? " mapang-akit na tanong niya.
Dahil sa ipekto din ng alak kaya nakaramdam ako ng urge para suklian ang mapang-akit na motibo ng babae. Agad kong tinapik ang aking kamay sa upuan, indikasiyon para umupo siya sa tabi ko.
" I'm Shaira, and you are ? " sambit niya habang nakalapit ang kanyang bibig sa kaliwa kong tenga dahil sa lakas ng musika sa loob ng club. Agad kong hinawi ang hibla ng kanyang buhok papunta sa likod ng kanyang tenga habang dahan-dahan kong nilalapit ang mukha ko sa kanya.
" Can we just enjoy the presence of each other, walang background check ? " pabirong sambit ko sa kanya.
Nabigla ako ng umpisahan niyang ilapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi at dahan dahang pumaibabaw sa aking mga hita. Nang sa sandaling lumalim ang mapupusok naming mga halik, agad na ding nag lakbay ang aking mga kamay patungo sa kanyang malulusog na mga dibdib. Habang pilit niyang ikinikiskis ang kanyang sarili sa akin, bigla akong napa igtad ng maalala kong nasa loob kami ng bar at maaaring may mga estudyanteng makakita sa aming dalawa. Napansin niya atang napatigil ako sa aking ginagawa kaya't agad siyang nagtanong.
" Bakit, anong problema ? " nagtatakang tanong niya.
" Pasensya ka na pero kailangan ko ng umalis " sambit ko.
Agad naman siyang umalis sa ibabaw ko, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka at ang inis dahil sa biglaan kong pag tigil. Pabor din naman sakin ang pag alis ko ng maaga, bukod kasi sa ayokong may makakitang mga estudyante sa amin, para bang biglang ayako na rin munang makipag talik sa iba.
" Kainis! " galit na sambit niya habang naglalakad papalayo sa akin.
Agad akong umalis at hindi na nagsalita pa.
Kinabukasan maaga akong nagising, ngayon kasi ang simula ng bagong school year. Agad akong nag ayos at nagtungo sa university. Nang makarating ako sa university, napansin ko na agad ang mga estudyanteng namamangha sa ganda ng campus. Hindi ko sila masisisi dahil maging ako ay namangha din sa ganda ng bawat istraktura sa loob ng unibersidad. Pagpunta ko sa office, nagulat ako ng makita ko ang pamilyar na mukha ng isang babae. Bakas din sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya rin akong nakatayo sa tapat ng pintuan. Wala ni isa samin ang nagsalita.
" Do you know each other ? " sambit ng isang babae na nasa aking likuran.
" Oh ...Very well " sagot ni Shaira na halatang may halong pang-aasar.
" By the way I'm Ivy, I'm guessing ikaw si Justin and you are Shaira ? tama ba ? " nakangiting sambit niya saming dalawa.
Tanging tango na lamang ang naging tugon namin dito.
" Well as you can see naman no I'm also a professor and I will be teaching chemistry for this sem " nakangiti niyang sambit sa amin.
" Anyway, do you know your schedule for this sem ? " tanong niya saming dalawa
" Yes " sabay naming sambit ni Shaira.
" That's good, by the way if may concern pa kayo pwedeng pwede kayong magtanong sakin a ... sa tagal ko na dito e kabisado ko na ang buong campus " natatawang sambit niya.
" Salamat " sambit ko ng nakangiti.
" And bago ko pa makalimutan, here's your key para sa kanya-kanya niyong office. " dagdag niya.
Pagtapos ay agad ko ng inilapag ang aking mga gamit sa aking lamesa at agad na ding nagpaalam para umalis. Sobrang awkward para sakin ng ambiance sa loob ng office kanina kaya nagpasiya na lang akong umalis. Wala pang isang oras ng mahanap ko ang room kung saan ako nakatakdang magturo mamaya, agad akong pumasok para makita ang loob ngunit wala pang isang minuto ng marinig kong bumukas ang pintuan ng silid, Iniluwa nito si Shaira.
" Nandito ka lang pala " nakangiti niyang sambit.
" Anong ginagawa mo dito ? " nagtatakang tanong ko.
" So......... isa ka rin palang guro, professor... Vale. " mapang akit na sambit niya habang lumalakad ng papalapit sa akin.
" Kalimutan mo na ang nangyari kagabi, wala na yon para sakin. " nakangising sambit ko sa kanya.
Ramdam ko ang pagkagulat sa ekspresyon ng kanyang mukha, marahil ay hindi niya inaasahang marinig sakin ang ganoong bagay. Agad naman siyang ngumisi.
" Sigurado ka ? ... Ayaw mo bang ituloy na lang natin ? " sambit niya habang pilit na inilalapit ang kanyang sarili sa akin.
" Tumigil ka na Shaira " sambit ko habang tinutulak ko siya ng marahan para tanggalin din ang mga braso niyang nakapatong saking balikat.
" Magkaron ka naman ng kaunting delekadesa Shaira, nasa loob tayo ng university baka nakakalimutan mo " inis na sambit ko sa kanya.
Bago pa man siya makapagsalita ay naglakad na ko papalabas ng silid.
Ng marating ko ang silid na pagdarausan ng orientation, agad kong narinig ang mga bulong-bulungan ng mga estudyante.
" Diba si Jennie Clint yon ? " sabi ng isang estudyante.
" Oo, totoo pala talaga na dito siya mag-aaral ngayong school year " sambit ng isa pang estudyante.
Naputol lang ang kanilang usapan ng maramdaman nila ang presensya ko at biglang parang nahiya sa kanilang kinikilos.
" Ang pogi niya " rinig kong sambit ng isang estudyante.
Napangisi na lang ako at agad na pumasok sa aking isipan kung sino si Jennie Clint..
Makalipas ang ilang minuto, pinatawag ang lahat ng mga guro sa engineering dept. para isa-isang umakyat sa stage at mapakilala sa mga estudyante ng Golden Crest. Nang sa sandaling umakyat ako sa entablado maririnig agad ang mga tilian ng mga estudyante ngunit habang inililibot ko ang aking paningin, napansin ko ang isang estudyanteng babae na matiim na nakatitig lang sa akin, napakunot na lamang ako ng noo dahil sa asta ng dalaga. Ng matapos ang orientation, agad kong inilibot ang aking paningin sa mga estudyanteng isa-isang lumalabas ng silid. Ngunit ng sa sandaling mapatingin ako sa gitnang bahagi ng silid, napansin ko ang dalagang kanina'y naka tingin sa akin, papalabas na silang dalawa ng kasama niyang lalaki. Patuloy ko lang siyang tinititignang lumakad papalayo sa kanyang kinatatayuan ngunit nabigla ako ng bigla siyang lumingon papunta sa aking direksiyon at agad na nagtama ang aming mga mata. Naputol lang ang pagtitig niya ng bigla siyang pwersahang hawakan sa balikat at patalikurin ng kasama niyang lalaki papalabas ng silid. Sa mga sandaling iyon ipinagkibit balikat ko na lamang kung bakit ganon makatitig sakin ang dalaga.
Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa silid kung saan ako nakatakdang magturo ngayong araw. Habang papalapit ako sa silid hindi maalis sa aking isipan ang dalaga, sobra akong naguguluhan kung bakit ganon na lamang siya makatitig sakin. Nang buksan ko ang pinto ng silid bumungad sakin ang mga estudyanteng halatang nagulat sa biglaan kong pagpasok, tila excited ang mga babaeng estudyante ng makita ako. Agad ko namang tiningnan isa-isa ang lahat ng mga estudyanteng nasa loob ng silid, nagulat ako ng makita ko ang dalaga, naka pwesto siya sa dulong bahagi ng silid, sa pinaka taas. Kahit na malayo ang pagitan naming dalawa, alam kong nakatingin din siya sa aking direksiyon. Binaling ko na lamang ang aking atensiyon sa klase, nagsimula akong magtawag ng mga pangalan na nasa listahan, napahinto ako ng nagtaas siya ng kamay ng sandaling tawagin ko ang kanyang pangalan.... Jennie Clint. Siya pala ang pinag-uusapan ng mga estudyanteng nadaanan ko kanina. Hindi pamilyar sakin ang dalaga kaya naman napapaisip ako kung bakit tila ba parang siya ang pinag-uusapan ng lahat. Para bang sobrang nasosorpresa ang karamihan sa presensya niya.
Hanggang sa matapos ang klase ay pansin ko pa din ang mariin na titig ng dalaga. Inisip ko na lang na marahil ay ganon lamang ata talaga siya tumingin sa iba at baka sa ibang mga guro ay ganon din siya. Habang nag-aayos ako ng aking gamit, napansin kong naglalakad siya pababa kasama ang lalaking kasa-kasama niya rin sa orientation kaninang umaga. Ng makalapit sila, nagsalita bigla ang dalaga...
"Bye po, sir. " sambit ng dalaga.
Tanging tango na lamang ang naging tugon ko sa sinabi ng dalaga , pagtapos ay agad din silang lumakad papalabas ng silid. Agad ko ding tinipa sa aking laptop ang pangalang Jennie Clint, nabigla ako ng mabasa kong anak siya ng kilalang may-ari ng Clint Corporation.
'Isang maharlika, paniguradong sunod sa layaw' sa isip-isip ko.