JUSTIN'S POV Maaga akong nagising ngayong araw, ngayon kasi kami nakatakdang lumabas ni Jennie. Kaya naman kagabi pa lang ay inaayos ko na ang aking mga gagamitin pati na rin ang iba pang mga gamit na kailangan namin para sa aming nature trip. Pagtapos ko magluto ng aming breakfast ay agad na kong nagtungo sa kwarto ni Athena para gisingin ito. Buti na lamang ay pumayag ang aming tiyo at tiya na doon muna makituloy si Athena sa kanila. Nagpapasalamat pa nga ang mga ito dahil madalas na raw na dumadalaw sa kanila si Athena at dahil don ay hindi na nagiging malungkot ang kanilang araw. " Athena, wake up " ani ko ng makapunta sa tapat ng pinto ng silid nito " I'll open this door if you didn't open it at the count of three " " One " ani ko " Two " pagpapatuloy ko sa bilang, ngunit

