JUSTIN'S POV Maaga akong pumasok ng unibersidad ngayong araw, napag-meeting-an na din kasi naming mga guro kung sino-sino ang magbabantay sa bawat silid oras na mag-umpisa na ang prelim examination. Shuffle kasi lagi ang sistema sa Golden Crest tuwing examination period. May mga estudyante na naiiba ang block sa tuwing may exam ngunit meron din namang hindi nalilipat at nananatili pa rin sa kanilang orihinal na block. Habang naglalakad ako sa hallway, pinagmamasdan ko ng maiigi ang bawat pangalang nakalagay sa bawat gilid ng mga pintuan ng silid. Hindi ko rin kasi alam kung nasa iisang silid lang kami ni Jennie mamaya, since ang mga estudyante na mismo ang naglalagay ng kanilang pangalan sa isang box pagtapos ng exam sa bawat subject, bilang kanilang attendance. Nang makarating ako sa

