JUSTIN'S POV Kasalakuyan akong nasa opisina ng unibersidad. Maaga kasi akong nagising kanina kaya napagdesisyunan kong pumasok na lang ng maaga. Habang mag-isa ako sa silid, hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi isipin si Jennie. Dalawang araw na kasi ang nakakalipas simula ng huli kaming mag-usap, pagtapos kasi ng nangyari noong linggo ay parang pareho naming iniiwasan ang isa't-isa. Natigil ako sa aking pag-iisip ng makarinig ako ng katok mula sa pinto. [Tok tok ] " Come in " ani ko Nang bumukas ang pinto ay agad na niluwa nito si Miss Ivy at ang isang babae na sa wari ko'y kasing edaran ko lang din. " Hello Mr. Vale " sambit ni Miss Ivy " This is Miss Grace, bago nating professor sa P.E " dagdag nito " Hi, nice to meet you Mr. Vale " nakangiting sambit nito habang

