ILYM 5: Athan

1316 Words
MALAKAS na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid matapos patamaan ni Don Manolov DiNero ang latang nakatayo ilang metro sa kanya. "Boss, hindi pa rin natatagpuan ni Davil ang batang babae," balita ni Jonathan rito. "Wala kayong silbi! Pinatrabaho ko iyon kay Davil." Yumanig ang tinig nito sa open ground, talsikan ang laway. "Umaasa akong mabubura na siya sa mundo." Kumasa ng baril si Manolov. "Dekada na ang lumipas, wala pa ring matinong update!" Nahindik na halos lumuwa ang mga mata ni Jonathan nang tumapat sa kanya ang baril na kinasa nito kanina lang. "Nasaan si Davil? You don’t want me to repeat myself." Maging ang nanlilisik nitong mata ay animo balang gustong tumagos sa kanya. "D-Don..." Nawalan ng kulay ang mukha ni Jonathan habang nanlalaki ang mga matang nakikipagtitigan sa dulo ng baril. Isang kalabit lang ni Don Manolov, putok ang bao ng ulo niya. "Ito ang sabihin mo sa magaling mong amo. Kung hindi niya aayusin ang trabaho, huwag niyang hintaying ako ang kumilos at pati siya ay idamay ko." Nanginginig ang labi at buong katawan niya sa itinuran ni Don Manolov. Kahit kailan ay hindi kayang ngumiti ng matanda. Kahit pa siya ang kanang kamay ni Davil, ilang pitik lang nito ng kamay, kayang-kaya siyang ipaligpit pati na ang alaga niya. "Sinasabi ko naman sa iyo, Papa." Naglalakad palapit si Draco na ibinaba ang baril na nakatapat sa kanya. "If you give that work to me, she's probably in her grave now." Save by the bell! Iniyuko ni Jonathan pang lalo ang ulo, pakiramdam na literal na siyang babaon sa hukay. Lumabas yatang bigla ang puso niya sa takot. He can't imagine he'll die just because he's covering a suggestion he shouldn't have said from the start. Kung kayang magligpit ni Don Manolov, mas lalo si Draco. Ito ang sungay ng pamilya DiNero. Mabanggit lang ang pangalan nito sa daan o kwentuhan, altimanong may kalalagyan ka na. He's first in line of work after Don Manolov. No mercy. Pure evil. Kaya nitong gawin ang trabaho. Pulido. Paldo. Walang gusot. Good job. While Davil ay ang tinutukoy nilang pangil. He can assassinate anyone, but Jonathan won't know what has gotten into his boss's mind nowadays. "I know Davil will do his job. I trust him. Pero kaunti pa at mapapatunayan na niya sa akin ang kakayahan niya." Gumalaw ang panga ni Draco, laughing like a psycho. Pero halatang gusto lang mang-inis. "Are you really sure he's worth every penny and life in this world?" Nadampot ni Don Manolov ang bastong sumusuporta sa hindi pantay na lakad nito. Kumamot ito sa bumbunang kumikinis at napapanot na. "Give me better news, Draco. I want good news right now. Ano na ang balita sa kabilang kampo?" Sinenyasan siya nito, at agad niyang iniumang sa bibig ng matanda ang pahabang stick at sinindihan. "Seventy percent of the shares from the bars and other establishments are already held captive. Pumayag na sila at nakipagkasundo sa atin instead of the other group, which is our enemy." "Have you heard any news about the missing child in Del Toro's clan?" "Kumuha sila ng batang babae, a newly recruited heir to the clan for all of their business." "What is the name?" "Ianthe Del Toro." "Hmm. Interesting. Alamin mo kung ano ang balak nila at tiyakin mong lahat ng transactions natin ay maayos at pulido. Lalo na ang money laundering." Iyon ang main work ng Black Society group clan ni Don Manolov. Pumapangalawa ang pagpatong ng tax or shares sa mga bar. Pag-aari nila ang kalupaan sa distrito siete. At ngayon ay idinagdag na nila sa listahan ang mga casino at iba pang gambling establishments na nais nilang sila na ang mamahala. "Bakit hindi ka tumakbo sa pulitika, Draco?" Umangat ang ulo ni Draco sa suhestisyon ng ama. Patagong napailing si Jonathan. Halata ang disgusto sa mukha mula sa narinig na pag-uusap ng mag-ama. "Senator. We can fund everything you need. Kailangan nating magtanim ng tao sa senado. Alam mo naman sigurong doon magaling ang kabilang clan." Kumamot sa mangilan-ngilang balbas si Draco. "Great idea. But you know I'm not good para mang-uto at mang-akit ng tao." Bumaba ang boses ni Manolov. "Speaking of mang-akit. I want you to check the adopted. Gawin mo ang lahat upang makuha natin ang atensyon at tiwala niya." Tumaas ang kilay ni Draco. "That's Davil's expertise." "He's shaped with no emotion. I don’t think he can do it." Itinago ni Jonathan ang pag-iling. Walang kaalam-alam ang mga ito na unti-unti nang nagkakaroon ng emosyon ang asset at sandata para sa pamilyang nais nilang masira. "Jonathan!" Napadiretso ng tayo si Jonathan nang marinig ang buong pangalan sa Don. "Find Davil right now. May ipagagawa ako sa kanya." "M-Masusunod, Don Manolov." Lumapit ito sa kanya, saka bumuga ng hinihithit na tabaco. "Sabihin mo sa magaling mong amo, tapos na ang bakasyon niya. Kinakailangan na niyang bumalik sa poder ko. Naiintindihan mo ba?" Saka nito tinapik-tapik ang biglang nangapal niyang pisngi. "O-Oho, Don Manolov." PALAKAD-LAKAD sa labas ng bakuran ng malaking bahay ni Don Manolov si Jonathan. Ilang beses na niyang pinag-ring ang aparato ngunit tila abala sa ibang bagay ang amo niya. "Davil, please... pakisagot na ang tawag ko bago ako mawalan ng hininga. Lalo na kapag natiyempuhan ako ng don na hindi kita makontak. Puta!" Ilang sandali ay may sumagot din sa kabilang linya. "Ahhh... shiitt... Ohhh... don't stop... ahhn... I am..." Itinirik ni Jonathan ang mga mata, mukhang gumagawa na naman ng milagro ang amo niya. Pakiramdam niya ay nakikinig siya ng X-rated movie mula sa mga ungol sa kabilang linya. "f**k! Just make sure your call is worth answering for Athan!" Nailayo ni Jonathan ang phone na tila makabasag-tainga ang pagsigaw sa kabilang linya. Mukhang mas dapat siyang kabahan kay Davil at hindi kay Don Manolov, lalo na ngayong mabibitin yata niya ito. Sa pagkaalala niya ay matagal na ring hindi gumagalaw ng babae ang amo niya. Nawalan na ito ng pakiramdam at parang hindi tinatayuan tuwing nagrereto siya. Palaging tinatanggihan nito, at ang ending siya ang swerteng nakikinabang. "Davil, kailangan ka na ni Don Manolov. Kikitilan niya ako ng buhay kapag hindi ka pa nagpakita," mabilis na sagot niya sa kabilang linya. The man in the line growled in frustration. "Come here. Sunduin mo na siya." Kumunot ang noo ni Jonathan. Ibig bang sabihin niyon ay kasal na ang dalawa? Nag-iwan ng salita si Davil sa kanya. Hindi aalis ng isla ang alaga niya hanggat hindi pumipirma ng marriage contract. Kahit pa ilang beses siyang nagpigil dahil nais ng alaga niyang makapagtapos ng pag-aaral. Saglit na natahimik ang kabilang linya hanggang bumalik ang boses ni Davil. "Forward the contract after her graduation as I promised." Napaangat ni Davil ang sulok ng labi ni Jonathan para ngumiti. May isang salita nga talaga ang boss niyang iyon. Kahit pa mamula ang buwan, hinding-hindi niya ipagpapalit ang loyalty para kay Davil. Itinuturing na rin niya itong parang kapatid. Ngayon ay hindi na lang pala isa ang pagsisilbihan niya. My instant sister-in-law na agad siya. He expected it anyway. The thing he did not expect is her signature. "Masusunod, Davil." Agad siyang kumilos, dinukot ang susi ng kotse sa pantalon, mabilis na tumapat sa sasakyan, saka pinaandar iyon patungo sa pantalan kung saan iniwan niya ang motorboat. Nasa tainga pa rin niya ang aparato, saka ni-loudspeaker. "Instead of a motorboat, bring the yacht." Bahagyang napahinto si Jonathan sa narinig. First time na gusto nitong mag-yate. "I changed my mind. Baka may sumunod pa sa iyo kung iyong yacht. Just bring the motorboat. I will give you the key for your new house. Change everything. I know my father already tasked his beloved son secretly." "Masusunod, Davil. Ibaba ko na. Malapit na ako sa pantalan." Napaisip-isip si Jonathan. Sa kasutilan ng alaga niya, pasaway at akala mo ay palaging may ipinaglalaban, paano kaya napapayag ni Davil ang dalaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD