Chapter 6

1791 Words
"Grace,asan na si Dario kanina pa yun umalis ah, anong oras na kailangan ideliver ang mga cake" "Nagmessage pala siya ate na baka malate siya dahil sobrang traffic" "Ano, anong oras na kailangan maideliver na mga ito" "Gusto niyo ate ako na magdeliver niyan" "Eh sino magbabantay ng shop?" "Kayo ate" "Ako na ang magdeliver,akin na yung address para madala ko na gamitin ko na lang yung kotse ko" "Eto po ate,teka malapit lang to ah" "Ha,patingin nga"sabi ko. "Diyan lang sa kabilang kalye ate yung pinakamalking building diyan katapat natin" "Oo nga noh,MTC Group yan yung pangalan ng building na yan" "Oo ate yan yung pangalan niya kasi nga hindi naman kasi harapan yan, kaya dimo makikita ang pangalan, likuran niya ang kaharap sa shop natin" "Oh di naman kasi ako itrisado sa mga mayayaman na mga tao,sige ako na magdadala tutal malapit lang pala" "Okay ate ako na bahala dito,tulungan na kitang ilabas yang mga yan" "Okay na kaya ko na to,bantayan mo na lang ang shop,sige na mauna na ako" hinatid ko na nga ang mga orders buti na lang malapit lang pero medyo late na ako baka mamaya magalit yung nag order nito.Kaya mabilis akong naglakad patungo sa building kung saan ko dadalhin ito. ****Daylan Pov**** "Good desisyon son tiyak matutuwa ang grandpa mo nito pagnalaman niya" Ngumiti lang ako kay mommy. "Bakit nagbago ang isip mo,what is the reason,I didint expect this" "Damian,ano ka ba wag ka ng magtanong ng ganyan,ang mahalaga pumayag na ang anak mo na magstay dito at tutulungan ka niyang magmanage ng company" "There's is no reason,it's my own decision as you said grandpa needs me I am right" "That's it,pero dika magdedesisyon ng ganito kung wala kang matinding rason"di mapaniwalang sabi ni daddy. "As i said there is no reason it's my own decision,by the way di ako magtatagal aalis din ako dito I just want to try to work here" "I told you,di parin buo ang desisyon niya" "Pero okay na yun Damian ano ka ba atleast pumayag ang anak mo okay na ako dun" "Okay fine,just give a try tatawagan ko si Yelena para ipasundo ka dito" "No need,I can go there with Lazo" "Okay,sasabihin ko na lang kay Yelena at ibang directors na iguide ka da company" "Okay,matipid kong sagot. "Anak goodluck,go back home later magpapaluto ako ng mga paborito mo" "It's okay I can take care of my self lets go Lazo" "Okay boss" In The Company... "Attention everyone!.Ngayon maghanda kayong lahat dahil darating ngayon ang eldest son ng ating president at apo ni Chairman Luciano. Pupunta siya para tignan ang company kaya maghanda ang lahat on the way na siya" "Yes mam!"sabay na sabi ng mga kanilang tauhan at pumunta na sila lobby ng company para doon salubungin si Daylan. "Wait,what did you say Yelena who's coming today?" "Daylan is coming here" "Your kidding me no way,Daylan is allergic here in philippines especially here.Nagpapatawa ka Yelena walang Daylan na pupunta dito" "I'm not kidding Lorcan"natawang sagot ni Yelena. "Mam padating na ang apo ni chairman" "Okay,oh ano pa ang tinatayo mo diyan lets go we need to welcome our new president" "No way,that's not true"galit na sabi ni Lorcan at umalis agad papunta sa kanyang opisina. "Let see kung makakapagyabang ka pa ngayon Lorcan your nothing,but a looser"napangiti na sabi Yelena. Dumating na nga si Daylan at maraming mga tauhan nila sa kompanya ang nakaabang sa kanya para ewelcome. "Welcome to MTC group sir"sabay sabay na pagbati ng kanilang tauhan.Pero di man lang ito sumagot at ngumiti. "Welcome Daylan,nice to see you again"akmang yayakapin siya ni Yelena pero umiwas siya agad,parang napahiya pa ito dahil sa pag iwan ni Daylan sa kanya pero ngumiti parin ng parang walang nangyari. "Lets go,ililibot kita sa buong company"tumango lang siya saka siya naglakad.Sinundan naman siya agad ni Yelena at mga ibang directors. "It's been a while Daylan kaylan ba yung huling tapak mo dito I think more than a decades" Huminto siya at humarap kay Yelena. "So what"seryoso niyang sinabi at saka nagpatuloy naglakad. Di nakaimik si Yelena sa sinabi niya. "Okay sorry for that"mahinang sagot niya kay Daylan pero di aprin siya pinansin. Nasa harapan na sila ng elevator exclusive lang na para sa mga vip. "You can go first"sabi ni Yelena ky Daylan saka siya sumunod pumasok. "Sandali lang!!" Magsasara na sana ng biglang may pumidot sa labas kaya nagbukas ulit. ***Amy Legal*** "Naku late na ako ng five minutes nakakahiya sa costumer kanina pa siya nagmemesage" mabilis akong naglakad papasok sa building na yan. Hinarang pa ako ng mga security buti na lang tumawag ang costumer ko at kinausap sila.Kaya nakapasok agad ako. "Diyos ko saan ako susuot nito!"nagulat ako ng nasa loob na ako ang luwang ng area ng building na to diko alam kung saan ako papasok. Kaya lumapit agad sa reception para magtanong. "Excuse me" "Yes mam" "Pwede ko na lang ba iwan dito ang mga cakes na order ng isang costumer ko dito kasi parang mawawala ako paghahanapin ko pa siya" "Pwede naman po basta iwan niyo lang ang information at contact number para tawagan namin siya at siya na ang magpick up dito" "Oh sige eto yung information niya" agad na binigay ko sa receptionist ang kapirasong papel. "Oh secretary ito ni sir Lorcan,wait lang mam ha tatawagan ko po siya" "Okay sige"habang nag aantay ako,nakita ko ang isang grupo ng mga taong nakasunod sa likod ng lalake na matangkad. "Siguro siya ang may ari ng company na to,base sa suot ng lalake at pati mga sumusunod sa kanya"sabi ko sa isip ko.Nakatitig ako sa likuran niya bigla akong nanlamig. "Wohh,parang may masamang hangin na dumapo sa katawan ko ah"kaya agad akong napayakap ako sa sarili ko. "Excuse me mam,pasensya na po di niya makuha ang mga cakes dito,busy po sila dumating kasi ngayon ang anak ng president.Kayo na lang daw ang maghatid,nasa fifteen floor po sila tawagan mo na lang siya kapag nandoon kana para mapuntahan niya kayo" "Sige okay lang salamat" Nagmadali akong hinanap ang elevator patakbo na nga akong maglakad para mabilis.Lahat ng elevator puro punuan ng tao kaya di ako makasingit.Lagi akong nakatingin sa relo ko late na talaga ako. Nagtingin ako kung may mga elevator pa na walang tao,buti na lang may nakita ako.Pagkalapit ko magsasara na kaya hinabol kong pinindot ang button. "Sandali lang!"sigaw ko,buti na lang nahabol ko pa,pumasok ako agad sa loob ng elevator na diko na tinignan ang mga tao na nandito. Pipindutin ko na sana ang button ng may pumindot din,kaya di magsara.Tumingin ako kung sino ang pumindot,isang napakagandang babae na seryosong nakatingin sa akin. "Pasensya na pero pakisara nagmamadali kasi ako late na ako"magalang na sabi ko sa kanya. "Do you know what are you doing,do you know where are you,cant you see who is here right now"galit na sabi niya sa akin. "I know nasa elevator ako,pasensya kana nagmamadali ako pakisara na lang please" sabi ko sa kanya. "Get out,nagkakamali ka ata ng pinasukan this is a vip elevator exclusive lang para sa mga high people.Can you get out of here now,wait are you employee here I think your not how come na may nakapasok na outsider dito" Napatingin ako sa mga tao na andito.Di agad ako nakaimik para akong tumigas na yellow sa kinakatayuan ko. "You still here,get out now kung ayaw mong magtawag pa ako ng mga security para ipakaladkad ka" Di parin ako umimik,bigla niya ako tinulak palabas ng elevator.Kaya nabitawan ko ang nga hawak kong cakes at bumagsak sa sahig. "Nextime matuto kang ilugar ang sarili mo at magbasa"nanginginig ang buong katawan ko na diko maintindihan. Nagbukas ulit ang elevator,nakatingin sa akin ang isang lalake na parang hinuhusgaan niya ang buong pagkatao ko. "Wait,clean up your messed before you leave"sabay nagsara ang elevator.Nanatili akong nakatayo sa kinakatayuan ko. Namalikmata ba ako oh totoo yung nakita ko,kahit dekada na ang nakaraan kahit nagbago man ang itsura niya diko parin makakalimutan ang kanyang mukha. "Mam,mam"diko namamalayan na may tumatawag sa akin,bumalik lang ako sa sarili ko ng may tumapik sa likod ko. Napalingon ako kaagad,kasabay ng pagbagsak ko sa sahig kaya napasalampak ako kasama ang mga cakes ko na tumilapon. "Okay ka lang mam"tinulungan agad ako tumayo ng isang janitor. "Oh okay lang ako salamat,pasensya kana nagkakalat pa ako dito.Teka lilinisin ko lang"agad na pinulot ko ang mga natapon na cake sa sahig. "Tulungan na kita mam" "Wag na okay lang" "Ako na lang gagawa"hinawakan niya ang magkabilang braso ko inakay niya ako sa gilid.Siya na ang naglinis sa mga kalat na ginawa ko. Inabot niya sa akin ang mga nasirang mga cakes.Tulala parin ako totoo kaya 'tong nakita ko kanina. "Ah sandali lang pwede magtanong"sabi ko da janitor. "Sige mam ano yun" "Anong pangalan ng may ari ng company na to"tanong ko sa kanya. "Si chairman Luciano Montefalcon,at yung kakarating lang kanina na apo niya si sir Daylan Montefalcon"muntik na akong matumba sa kinakatayuan ko "Okay ka lang mam"nag aalalang tanong niya.Tumango ako at umalis ako kaagad,sa lugar na to.Diko alam ang mararamdaman ko,bigla akong nalungkot dahil feeling ko di niya ako nakilala parang di niya ako nakita.Diko nga alam kung paano ako nakalabas sa kompanyang yan eh dahil nakita ko na lang ang sarili ko nasa labas na ako. "Parang wala siyang nakita,or di na niya ako nakilala.Dapat lang iba na ang landas na tinahak naming dalawa kaya wala ng rason para makilala nanaman namin ang isat isa mas mabuti pa nga" Nakarating agad ako sa aking shop. "Welcome po"Nilagpasan ko lang si Grace. "Ate,anong nangyari saiyo bakit puro icing yang mga damit at mukha mo.Inabot ko na lang sa kanya ang mga plastic ng cake na nasira. "Ate okay ka lang,anong nangyari" "Tulungan mo akong itapon yan,at pakitawagan ang nag order diyan nabukas papalitan na lang ulit" "Pero bakit ate" "Basta ikaw na ang bahalang magrason.Saka ipaubos mo na lang ang mga natirang paninda wag ka ng maglabas pag naubos yan magsara kana at umuwi"mabilis akong pumasok sa pinaka office ko at kinuha ang susi ng kotse ko.Mabilis kong tinungo ang aking kotse.Umuwi ako sa aking apartment at binagsak ang aking katawan sa sofa.Nakatitig ako sa kisame,napangiti ako. "Aahhhhhh! ano ba Amy ang oa mo sa part na yun ah,bat ganun ang naging reaction mo ng makita mo ang ex mo.Dapat umasta ka rin na parang dimo siya kilala,yung tipong parang wala lang na parang hangin lang siyang dumaan sa harap mo.Yun ganun dapat,kagaya ng ginawa niya na parang di ako kilala.Dapat ganun ang ginawa mo yung di niyo kilala ang isat isa ganun.Siguro nga mga anak kailangan na ni mommy lumipat ng bagong pwesto ng shop natin lalayo tayo sa mga masasamang elemento.Tama lilipat ako doon sa malayong malayo,nakapag decide na talaga ako"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD