10 years later........
"Hoy girl bumangon kana diyan, tanghali na late kana kaya anong oras na"
"Hmmp,gusto ko pang matulog"
"Oh my gosh,kaya dika nagkakaboyftiend dahil puro ka tulog eh"
"Maaga pa ten minutes please susunod ako"
"Ano ka ba di pwede remember my blind date ka today naalala mo"
"Pwede ba bukas na lang matutulog muna ako napagod kaya ako kagabi ng dahil saiyo kung dimo ako iniwanan kagabi di maaga sana ako natapos sa shop pero paano inuna mo pa ang paglandi mo kaysa bestfriend mo"
"Ano ka ba para naman saiyo ang ginawa ko kagabi eh naghanap ako ng future husband mo,diba ang sweet ng best friend mo"
"Tse!sweet ka diyan pwede ba maghanap ka naman ng matino tino na eblind date mo sa akin di yung puro scammer sa itsura puro salamat doc"
"Malay ko ba na ganun yung manlolokong yun,pero ito hindi na because he is my boyfriend friend they know each other kaya dina to scam girl"
"Naku tigilan mo ako,masaya naman akon single forever diko kailangan ng lalake sa buhay ko"
"No,big no!I will not allowed it,ano ka ba habang buhay ka bang magiging single of course no"
"Diko kasi naasikaso yang bagay na yan alam mo naman na busy lang ako sa shop natin doon ko na lang ibubuhos ang oras ko kaysa diyan sa blind,blind date na yan"
"Don't tell me you still love your ex husband or you still waiting him to come back again to you,I am right"
"Of course not! anong pinagsasabi mo diyan,saang lugar ba yan at anong oras.Teka ano ba susuutin ko dapat maganda ang damit kagaya ko"lumapit agad ako sa aking closet.
"Yan,yan dapat wag kang mag aksaya ng panahon girl your thirty years old mapag iwanan ka ng panahon dimo pa naenjoy ang sexlife mo at sayang yang mukha na yan at katawan na yan dapat ginagamit di sinasayang okay"
"Okay po nay,Sige po lumabas na muna kayo at akoy magbibihis nakakaistorbo lang kayo sa pagpapaganda ko"
"Hoy bilisan mo diyan ah,wag mo akong pinagloloko I give you twenty minutes to transform"
"Okay fine,masusunod po nay"
Siguro nga panahon naman na,sumaya ako kailangan ko na siguro maghanap ng-- .
"Ay ewan bahala na nga"Pagkatapos kong mag ayos lumabas ako kaagad.
"Akala ko wala ka ng balak lumabas diyan papasukan na sana kita sa loob"
"Oo na halika na baka malate pa tayo"
"Wow,ang ganda mo ngayon girl nag dress ka,babaeng babae ka"
"Bakit diba ito ang gusto mo magpaganda ako para magka boyfriend na ako"
"Pero pag may date ka laging plain jeans at shirt lang suot mo at naka rubber shoes but today wow,as in wow talo mo pa yung mga artista ang ganda mo girl I'm proud of you" sabay niyakap niya ako kaya natawa ako sa kanyang reaction.
"Oa mo naman dati na akong ganito tamad lang ako halika na nga late na tayo"
"Of course let's go dapat di pinapatagal yan"
Nagtungo na kami sa restaurant kung saan katagpo ko ang bago Kong blind date.
"Oh siya iwan na kita dito tawagan mo na lang ako pagkatapos ang date niyo bye girl enjoy dapat makuha mo na to ah"
"Oo na ako na bahala dito mauna kana"
"Okay bye see yah"
Bakit ba kinakabahan ako para namang first time ko sa ganitong bagay humugot ako ng malalim na paghinga para marelax ako.Nilabas ko pa ang paborito kong candy eto yung laging nagpapakalma sa akin pag ninenerbyos ako.
"Bakit ba Amy anong nangyayari saiyo dimo naman na to first time,wooohhh,okay let's go"nasabi ko na lang sa sarili ko.
"Good day mam,welcome po are you Amy Legal?"
"Yes ako nga"
"This way po mam"
"Oh thank you"
Hinatid ako ng waiter sa kung saan nandoon ang ka blind date ko.
"Dito po mam"
"Hmp thank you"
"Oh your here,come and seat"
"Oh.."natameme ako na para akong nagloloading ng makita ko ang aking ka blind date.
"Hey miss Amy,Miss Amy are you okay"
Bumalik lang ako sa aking sarili ng tinapik niya ang aking balikat.
"Sorry,ano ulit yun"agad na tanong ko.
"I said are you okay it's seems that your not really okay"
"No,I'm okay sorry first time ko kasi sa mga blind date"pagsisinungaling ko na sinabi sa kanya.
"Oh I see,It's seem like your nervous,seat down and drink water"lumapit pa siya sa akin saka hinila ang aking upuan.
"Oh thank you"
"Here drink some water"
"Omg,hindi lang siya gwapo napaka gentle man pa,grabe kalma Amy kalma" sabi ko sa aking sarili agad kong nilagok ang isang basong tubig.
Natawa siya.
"May nakakatawa ba"nahiyang sabi ko.
"You are more beautiful in person than in picture miss Amy"
"Thank you again"nahihiyang sabi ko,ano ba yan nahiya tuloy ako.
"By the way I'm Marup Riego"sabay abot ang kanyang palad agad ko naman tinanggap.
"Nice to meet you Marup,I'm Amy Legal"
"Wow what a nice name,oh maybe you're hungry do you want something to eat"
"Ah,eh dipa naman ako gutom it's okay"
"But I'm not okay I'm hungry dipa kasi ako naglunch paglapag ng eroplano dumaretso na ako dito kasi I really want to meet you"
"Oh so mean galing ka pang ibang bansa?"
"Yes from Italy, my friend ask me if I want a blind date,at agad niyang pinasa ang photo mo.Thats why I didn't waste my time to meet you that's why I'm here"
"Really"matipid Kong sinabi,bakit ba nahihiya ako ano ba yan.
"Okay I need to order,here what do you want to eat"sabay abot sa akin ang menu.
"Pick whatever you want"
"Okay sige"agad kong binuksan ang menu,nakakalula ang mga presyo.
"Wait supply na ng mga needs ni honey at ni sweety to ng kalahating taon ah sobrang mahal"bigla Kong nasabi
"Sorry?"sabi ni Marup sa akin na nagulat.
"Oh wala in order na tayo"
"My napili ka naba?"
" Spinach Alfredo pasta saka water na lang"sabi ko sa kanya.
"That's it,just pick more its not enough"
"Pwede pa ba akong mag order ng iba?"
"Of course order whatever you want it's my treat for our first meet"
"Really"masaya Kong sinabi kaya nag order ako ng nag order nawala bigla ang pagkamahiyahin ko.
"Waiter"tawag ni Marup sa waiter.
"Yes sir"agad naman na lumapit ang waiter.
"Amy sabihin mo na sa kanya mga order mo"
"Okay sige,eto ang order ko"marami akong tinuro sa waiter.
"Lahat po ito mam?"gulat na tanong ng waiter sa akin.
"Oo kuya lahat ng yan"
"May family lunch po ba kayo"
"Wala,kami lang dalawa saka order ko lang yan sa kanya wala pa"
"Ganun po ba"sabay kamot sa kanyang ulo. Natawa si Marup.
"Sige lang pakihanda na lahat ng kanyang order"
"Sige po sir"
"Wait anong oorderin mo"
"Just salad and pasta too"
"Bakit ang konti sabi mo gutom ka"
"Yup,but that's enough for me"
"Ganun ba okay sige".
Sa wakas dumating na ang order namin.
"Wow ang dami are you sure you can finish that all"gulat na sabi niya.
"Oo naman gutom ako eh sige kain na tayo pag kulang yang food mo kuha ka lang dito sa akin marami to share ko saiyo"
"Oh your so sweet but it's okay just eat"
Wala na akong inaksayang oras kumain ako ng kumain yung hiya ko kanina nawala na parang normal na lang tao ang nasa harap ko.Nakalimutan ko na nasa date pala ako pero huli na ang lahat naubos ko na lahat ng pagkain sa harap ko.Bigla akong tumayo at nahiya.
"Are you okay?"agad na sabi niya sa akin.
"Okay lang ako,pasensya kana mag banyo lang ako"
"Are you sure,you're okay samahan na kita"
"No okay lang ako"agad akong umalis sa sobrang kahihiyan.
"Amy!"muling tawag niya sa akin pero daretso lang akong lumakad.
"Ano ba yan Amy date ang pinunta mo dito hindi magmukbang nakakahiya ano ba yan"
"Ouch,what the..!"diko namalayan na may nabangga ako.
"Sorry"ang nasabi ko na lang sa taong nabangga ko.
"Hey wait,hey miss wait!"tawag ng taong nabangga ko.Pero mabilis akong nagtungo sa banyo.
"Ahhhhh!!!"napasigaw ako sa loob ng banyo.Nakatingin lahat ng tao dito sa loob.
"Haayss nakakahiya,gusto ko na lang mawala na parang bula sa kinatatayuan ko"
Pagkatapos Kong magbanyo lumabas agad ako at wala na akong balak bumalik doon sa restaurant wala na akong mukhang ihaharap Kay Marup.
"Hayss"lupaypay ang balikat ko pagkalabas ko.
"Hey miss!"
"Ahhhh,bakulaw!!"gulat na sigaw ko ng hilain ako ng isang lalake na nakasumbrero at kinorner ako sa may gilid.
"Bakulaw,what's bakulaw means"
"Sino ka bitawan mo nga ako"
"What's bakulaw?"
"Anong pinagsasabi mo,bitawan mo nga ako ano ba"
"You call me bakulaw"
"Ano? nababaliw kana ba bitawan mo ako sino ka ba?pag dimo pa ako bitawan tatawag ako ng pulis"
"Pulis!seriously you are the one who bumped me and my drink fell down, did you remember" tinulak ko siya at naalala ko nga siya pala kanina yung nabangga ko.
"Sorry diko sinasadya,para yun lang sisundan mo pa ako dito"
"Yun lang,are you okay, that coffee is very special to me"
"Okay fine papalitan ko na lang para wala ng maraming salita"galit akong tumalikod sa kanya.
"Para yun lang,diyos ko ang daming nangyaring kamalasan ko ngayon araw na to"
"Hey wait,it's not like that because someone gave that coffee for me.
"Kaya nga papalitan ko na nga diba" hinabol niya ako.
"Wait!"hinawakan niya ang aking braso
"Ano ba bitawan mo nga ako"
"Liam Liam!!"may tumawag sa kanya ng di kalayuan.
"Oh s**t,he's here!"
"Diyan ka na nga ibibili kita ng kape antayin mo ako diyan" mabilis akong nagtungo sa isang coffee shop at bumili ako kaagad.
Saka ko siya binalikan,pero diko na siya makita.
"Hay naku malas talaga!"inis akong umalis sa lugar na yun at diko na siya inaksayang binalikan pa.