"Ahhhhhh!!may patay!!!!!"
Papasok na ako sa shop ng nadatnan kong sumisigaw si Grace.Kaya nataranta ako,patakbo akong lumapit sa kanya.
"Anong nangyari saiyo?bat ka nagsisigaw"
"Ate may patay"
"Ano!anong pinagsasabi mo nasaan ang patay"
"Eto oh"sabay tinuro ang taong nakahiga sa gilid ng shop na nakatakip ang mukha.
"Diyos ko ginoo,kailangan nating tumawag ng pulis"
Nagulat lang kami ni Grace ng gumalaw ang lalakeng nakahiga.
"Ate gumagalaw"Nilapitan ko at tinanggal ang nakatakip na jacket sa kanyang mukha.Halos mapatalon ako sa gulat ng bumangon bigla.
"Ahhhh!!"
"Oh where I am"palinga linga pa siya sa paligid"
"Ate angel na nahulog sa langit ang gwapo"
"Tumigil ka nga diyan Grace,ikaw anong ginagawa mo sa harap ng shop ko.Alam mo bang bawal matulog dito"
"Sorry,wala kasi akong ibang matutulugan kaya dito ko naisip mag palipas ng gabi"
Bigla naman ako naawa kaya hinayaan ko na lang.
"Sige okay lang pero sa susunod wag kana matulog dito pwede bang umalis kana diyan kasi magbubukas na kami ng shop"
"Sorry"tumayo siya agad,napatingin ako sa kanya para akong isang unano sa harap niya sa tangkad niya.
"Ate basket ball player ata siya grabe ang tangkad niya gwapo"
"Excuse me,bubuksan ko ang pintuan"
Ngumiti siya sa akin,dimo nga maikakaila na gwapo siya napakaperfect niya at mukhang artistahin nga.Pero bigla akong napatingin ulit sa kanya.Parang nakita ko na siya pero diko lang matandaan kung saan.
"Ate nastarstruck ka din sa kanya diba,kahit nga ako para siyang bida sa manga na binabasa ko"
"Tumigil ka nga magbukas na tayo tanghali na kailangan ko pang magbake"
Pumasok na ako sa loob shop pero iniisip ko parin kung saan ko ba siya nakita.
"Hey your bakulaw right?"
Napatigil ako sa sinabi niya.
"Grace tinawag niya akong bakulaw diba tama yung narinig mo diba?"
"Oo ate mas maliwanag pa sa sikat ng araw tinawag ka niyang bakulaw,hindi ako ikaw yun kasi ikaw ang tinuturo niya"
Inis akong humarap sa kanya.
"Anong sinabi mo?"
"Your bakulaw,I mean the girl last time"
"Diko alam ang sinasabi mo at excuse me di ako bakulaw sa ganda kong to,pwede kana umalis.Grace pakisara na ang pinto please"
"Wait I did'nt know your name,thats why I call you that name.Last time when you bump me you call me bakulaw right?"napaisip ako,kung kailan ko siya nakita talaga diko matandaan.
"You did'nt remember me,ikaw yung bumangga sa akin at natapon yung coffee ko"
"Sorry diko talaga matandaan"Napakamot siya sa ulo.Saka siya umupo at di maalis ang tingin niya sa akin.
"Anong problema niya"pabulong kong sabi.
"Ate baka gusto ka niya"
"Pinagsasabi mo diyan,ayusin mo na nga mga paninda natin kasi mamaya marami ng tao"
"Okay ate"
"At ikaw naman hindi tambayan dito pwede ka ng lumabas"
"I'm customer here,your so rude to your customer"
"Grace asikasuhin mo nga siya at marami pa akong gagawin"
"Sige ate ako na bahala sa kanya"linapitan siya ni Grace.
"Anong mga order sir?"
"Can you give me one cup of coffee latte and two slice of chocolate cake"
"Wait a minute sir ihanda ko lang mga order mo"
"Thanks"
Napailing ako sa itsura ni Grace kinikilig na parang naiihi sa itsura.
"Sa mga ganyang itsura di mapagkakatiwalaan,rich people are crazy,hays makapag luto na nga"
Nagsimula na akong gumawa ng mga cake at mga cupcakes at iba, marami din ngayon akong gagawin.Habang abala ako sa kusina bigla akong nagutom,kaya lumabas na lang ako para gumawa ng kape.Paglingon ko andun parin siya na may kausap sa kanyang telepono.
"Grace bakit andito pa yan,dipa umaslis"
"Kasi ate dipa nagbabayad"
"Ano!at bakit dipa nagbabayad"
"Lahat ng kanyang credit card di gumagana"
"Ano di pwede to,buenamano siya tapos di magbabayad mamalasin ang shop ko ng buong maghapon"
"Ate nakakaawa naman siya parang pinalayas eh"
"Paanong magiging kawawa yan,di naman yan mahirap na tao mayaman yan.Naka credit card pa nga diba"
"Wala naman siyang cash ate"
"Ah basta di pwede yun sa akin"nainis ako kaya nilapitan ko siya agad,pagkatapos siyang makipag usap sa kausap niya sa telepono.
"Excuse me,pwede bang magbayad ka na kasi kanina ka pa dito"
"Sorry but all may card i can't use,my ancle freezed them,saka wala akong cash"
"I dont care,basta magbayad ka"
"But I really dont have any cash"
"Kung mamalasin ka naman oo,pero kailangan mo magbayad talaga magkano lang naman yan"
"I'm so sorry,if you want I cant work here today thats the only way I can pay you"
"No!diko kailangan,sige na okay umalis kana" diko naman mapilit kaya hinayaan ko na lang.
"Thank you,but if you need me I can work I'm good with everything"
"No thanks umalis kana"
"Ate sa tingin ko kailangan natin siya"
"At bakit kailangan natin siya andito ka naman at ako mamaya dadating na si Dario"
"Nakalimutan ko pala sabihin saiyo ate,di pala makakapasok si Dario ngayon may sakit daw yung anak niya walang mag aalaga may pasok din sa school yung asawa niya"
"Ano,okay lang ba yung anak niya?"
"May lagnat daw dinala na niya sa hospital kanina"
"Diko kasi maintindihan ang mga kabataan ngayon ang aga aga mag asawa,sige okay lang andito naman ako tutulong saiyo"
"I can help if you let me to help"
"Hindi ko kailangan wala akong ipapasahod saiyo"
"It's okay I will not ask you a money I just need a food"
"Ano?bakit di ka na lang bumalik sa pinanggalingan mo,kayong mayayaman talaga diko kayo maintindihan"
"Please"pagmamakaawa niya sa akin.
"No"
"Ate kailangan natin talaga siya tignan mo marami ng tao di natin makakaya tapos mag isa ka pa na gumagawa sa kusina"
"Hindi pwede gagawin ko ang makakaya ko para tulungan ka"
"Pero ate marami pang deliver na kailangan mong gawin"sabi ni Grace sa akin pero nagmatigas parin ako.Nakatingin siya sa akin na nagmamakaawa ang itsura.Pero wala parin akong balak pagbigyan siya.Si Grace naman abala na siya sa counter dahil marami na rin bumibili.
"Ang tagal naman nagmamadali kami eh miss pakibilisan mo naman"narinig ko sa isang costumer.
"Ate kailangan ko ng tulong"
"Ah pero kailangan ko pang gumawa"papunta na ako sa kusina ng tinapik niya ang balikat ko.
"It's okay I will help her"
"Hah!napanganga ako."Pero-- sandali lang"
Baka kasi di niya alam ang gagawin pero nagkamali ako.Habang pinagmamasdan ko siya,ang bilis niyang kumilos at alam na alam ang mga gagawin.
"Ate wala ng mga tinapay"
"Oh,sandali lang!ano ba yan nawiwili na ata ako sa pagmasid sa taong yan"kaya dali dali akong pumasok sa kusina.
"Hala!ang tinapay ko sunog na"nakalimutan ko na kasi buti na lang okay pa.
"Grace"tinawag ko siya ng palihim.
"Bakit ate"
"Halika dito,okay ba siya sa trabaho"
"Okay na okay ate ang bilis niyang kumilos at sanay na sanay sa trabaho"
"Oo nga kita ko,pero di naman natin siya kilala kaya mahirap ng mag tiwala sa panahon ngayon"
"Sa itsurang yan pagkakamalan mo pang masama ate grabe ka ah"
"Bakit pangit lang ba ang may karapatang maging masamang tao,ngayon ganyang itsura dina pagkakatiwalaan ginagamit nga nila ang kanilang itsura para makapangloko"
"Luh,ate may galit ka ba sa mga gwapo"
"Oo,ay hindi ano ka ba,bumalik kana nga doon.Saka wag mong iwala ang tingin mo sa kanya ah bantayan mo siya"
"Ako na bahala ate kahit twenty four hours ko pa siyang bantayan walang problema"
"Baliw ka talaga bumalik kana doon"
Abala ako sa kusina sa paggawa ng mga tinapay at mga cake.Diko namalayan alauna na pala.
"Naku lunch time na pala"dali dali kong tinanggal ang apron ko at kinuha ang aking bag para bumili ng lunch namin sa labas.
"Grace,lalabas ako para bibili ng lunch natin nakalimutan ko na eh,saka pakibigyan mo nga siya ng apron"
"Okay po ate"
"Thanks"narinig kong sinabi niya.
Naglakad na lang ako,malapit lang naman yung lagi kong binibilhan na restaurant.
Buti na lang wala na masyadong tao kaya nakabili agad ako.Habang naglalakad ako diko namalayan na may nakabanggaan ako kaya ayun lahat ng mga pinamili kong lunch namin natapon.
"What the hell,are you blind"
"Excuse me ikaw na nga tong nakabangga sa akin ikaw pa ang galit.Tignan mo natapon tuloy ang mga lunch namin alam mo bang gutom na mga staff ko tas babanggain mo lang ako at ikaw pa may ganang magalit"
Habang ako ay galit na galit na putak ng putak sa harapan niya.Bigla nag iba ang reaction niya natulala at nakatitig lang sa akin.
"Hoy naririnig mo ba ako,bakit ka natameme diyan ha tignan mo nga mga pagkain na nabili ko lahat natapon"
"I'm so sorry for that,dont worry I'll buy you again"
"Nakakainis"pinulot ko ang mga natapon na pagkain.
"I will buy you again some food for your lunch"
"Wag na,umalis ka sa harap ko baka ibato ko pa saiyo tong mga to eh"
Bigla lang siyang tumawa na parang tanga.
"Anong tinatawatawa mo diyan"
"Your so scary and cute,halika na bibili kita ng bago tulungan na kita diyan"
Kahit sinusungitan ko siya tinulungan niya parin akong pulutin ang mga pagkain na natapon.
Ngayon ko lang siya natitigan ng maayos.
Ang gwapo rin at napakatangkad.
"Bakit anong meron sa araw na to at nagsisilabasan ang mga gwapong kapre"
pabulong na sabi ko.
"Okay common lets buy some food"
"Okay"matipid kong sagot sa kanya.
Doon parin kami bumili sa binibilhan ko gusto niya pa akong dalhin sa mamahaling resto pero umayaw ako.
"Omg!bakit ang dami naman nito tatlo lang kaming kakain ibalik mo na lang yung iba"
"It's okay kunin mo na lahat yan,I'm sorry for today"
"Okay lang,pero sobrang dami nito"
"Okay lang yun,mauuna na ako may meeting pa kasi ako ngayon"
"Pero ang dami paano ko to mabibitbit"
"Oh excuse me,pwede bang pakihatid siya marami kasi siyang bibit"
"Wag na tatawagin ko na lang yung kasama ko"
"No its okay ihahatid ka ng staff ng restaurant dito sige mauna na ako nagmamadali kasi ako.By the way may I know your name?"
"Oh I'm Amy"
"What a nice name,I'm Lorcan nice to meet you Amy I hope to see you again bye"
"Bye salamat dito"
Ngumiti pa siya sa akin at kumaway,dimo talaga makakaila na ang gwapo niya parang artistahin kagaya nung nasa shop ko.
"Teka diko pa alam ang pangalan nun ah"
"Mam tara na po ihahatid ko na kayo"
"Salamat"
Nakarating na nga kamo ng shop,may mga tao pang nabili.
"Hays salamat ate bumalik kana din gutom na kami"
"Pasensiya na may nangyari kasi,pag wala ng tao bumili isara mo muna ang shop para makakin kayo"
"Opo ate teka bat ang dami naman yan tatlo lang naman tayong kakain"
"Kumain na kayo yayain mo na siya,ako na magsasara wala naman ng nabili"
"Liam halika na kakain na tayo"
"Liam?"
"Oo ate Liam ang pangalan niya at kasing edad ko lang din siya"
"Ganun ba bata pa pala siya"
Pero nakatayo parin siya at di lumalapit"
"Halika na Liam kumain na tayo alam kong gutom ka na halika na"
"But--she's scary"
"Hay naku,anong nakakatakot sa akin,halika na kumain kana bago magbago ang isip ko"
"Okay thank you"nakangiti niyang sagot at mabilis siyang lumapit sa mesa at umupo agad.
"Mayaman nga patay gutom naman"
mahinang sabi ko.
"Ate ikaw dika pa kakain"
"Sige mauna na kayo,kumain lang kayo"lumabas ako saglit sa shop saka agad din akong pumasok isasara ko sana ng may biglang may humarang sa pinto.
Nagulat ako sa taong nasa harap ko.
"Ikaw nanaman!ang malas talaga ng araw ko sorry pero mamaya pa kami magbubukas"
Sinara ko kaagad.
"Bakit ba lagi siyang nagpapakita sa harap ko"
Nakita ko siya sa labas na nakatayo at seryosong nakatingin dito sa loob.
"Problema niya,kailangan ko na talagang magchange location masyado na siyang nakakairita".