Chapter 2

1273 Words
"Wala na tayong dapat pag usapan pa" sigaw ko sa kanya. "No!I will tell everything para matauhan ka" "Matagal na akong natauhan na dapat di ako nagmahal na kagaya mong mayaman at ako isang dakilang dukha.Kaya kahit kailan di ako matanggap ng parents mo.Bakit ko nagawa yung bagay na yun, dahil araw araw nilang pinapamukha sa akin na ako ang sumira sa kinabukasan mo kung di mo sana ako pinakasalan that time natuloy ka sanang nag aral sa ibang bansa.Ngayon tinatanong mo ako kung bat ako nagkakaganito dahil nakadepende ka parin sa mga parents mo wala ka ng bukang bibig kundi si mommy si mommy si mommy lagi na lang sila kailangan lahat ng gagawin natin kailangan pa mga magulang mo ipaalam,na pwede naman tayo lang.Wala tayong sariling desisyon dahil konting problema natin si mommy si daddy.Lagi kang nakadepende sa kanila dimo naisip kung anong epekto noon sa akin.Bakit ako nagtatrabaho para sa pag aaral ko, dahil ayaw kong umasa sa magulang mo dahil ayaw kong sumbatan nila ako balang araw.Pero wala ka parin ginawa para sa akin sila parin sinusunod mo paano naman ako na asawa mo.Tapos sa akin mo lahat isisi na ako ang dahilan ng lahat ng to bakit ganun Dylan nagmahal lang naman ako ah,pero bakit,bakit! asawa mo ako bakit ako lahat ang may kasalanan.Bata pa ako twenty years old palang ako pero mukha na akong kwarenta dahil saiyo at sa mga magulang mo!!" "Enough!dont always point my family its not they fault its all your fault kahit saan mo anggulong tignan lahat kasalanan mo di mo parin mawawala sa akin kung bakit ako nagkakaganito at ng mga parents ko because your the reason why my child gone early" Napapikit ako,kasi parang mauubusan na ako ng lakas at diko na kayang makipagtalo pa sa kanya Kahit ano pang sabihin ko ako parin ang tinuturo niyang may kasalanan. "Fine, it's my fault masaya kana kasalanan ko na lahat ako na lahat" "This is to much,enough I can't take this anymore parang di na ikaw ang dati kong babaeng minahal, nag iba kana"sabay tumalikod na siya. "Sandali lang!" pagpigil ko sa kanya. "I don't have energ to argue to you anymore saka na lang tayo mag usap" "Mahal mo pa ba ako Dylan?" "Take a rest"yun lang ang tangi niyang sagot sa akin. "Ang sabi ko mahal mo pa ba ako!"sigaw ko sa kanya sabay binato ko ang unan sa likod niya. "I said take a rest and I dont want to talk about this thing now"sabay binuksan ang pintuan. "Lets get divorce Dylan" Napatigil siya sa pagbukas ng pintuan.Pero di niya ako nilingon. "Of course let's do that"sagot niya agad sa akin sabay lumabas na siya at pabalibag niyang sinara ang pintuan narinig Kong umalis siya dahil sa andar ng kanyang kotse. Napaupo ako sa sahig at sapo sapo ko ang aking ulo. Tapos na,ang dalawang taong iniingatan kong bubuin ko sanang pamilya, pinangako ko sa sarili ko na di ako gagaya sa mga magulang ko na hiwalay, pero diko akalain na hahantong din pala ako sa ganito. Diko mapigilan ang sarili kong umiyak. Akala ko kasi siya na talaga ang lalake para sa akin pero hindi pala nagkamali ako.Di rin pala magwowork ang married life ko kagaya ng mga magulang ko hahantong rin pala ako kagaya nila. Binuksan ko ang kabinet ng kanyang damitan.Kinuha ko doon ang dokumento na kanyang tinatago. Kumuha ako ng ballpen saka ko agad pinirmahan ng dina ako nagiisip, ang divorce papers na tinago niya.Nakita ko kasi nung nakaraan na tinago niya dito sa mga damitan niya nung nakita ko, divorce papers pala ang mga ito.Para akong sinakluban ng langit kasi may balak na pala siyang gawin yun.Pero di ako umimik diko sinabi na nakita ko na ang papel na yan,kaya simula nung nalaman Kong may balak na pala siyang hiwalayan ako na depress na ako ng husto.Akala ko maayos pa namin pero Hindi na pala siya na ang unang sumuko. "Sana nga maging masaya kana,tinupad ko na ang matagal mo ng gustong mangyari" saka ko binalik sa pinagkuhanan ko. Dina ako nag aksaya ng oras kinuha ko na ang aking bag at nag impake na ako ng mga gamit ko. Wala ng dahilan para magstay pa ako dito sa bahay na to. "Simula sa araw na to,wala na akong asawa malaya na siya at malaya na din ako" Pagkatapos kong mag impake,nakita ko ang aming wedding picture sa sala.Diko na napigilan ang sarili kong kinuha ito saka ko binato hanggang sa nabasag.Sabay dampot sa aking bag at diko na nilingon ang bahay na minsan bumuo ako ng pangarap kasama siya pero di yun natupad. Umalis agad ako at nagpasundo ako kay Elaine. "Engot iiyak iyak ka diyan,kung dimo pala kayang hiwalayan yang asawa mo eh di balikan mo gaga" walang tigil ang iyak ko habang nasa biyahe kami na para akong batang inagawan ng candy. "Diyos ko day ilang box na ng tissue ang inubos mo sa kakaiyak mo diyan. Pati sipon mo at luha naghalo na,ano ba talaga buo na ba ang pasiya mong makipaghiwalay talaga sa asawa mo" "Oo buong buo na diba yun ang payo mo sa akin" "Hoy girl,biro ko lang yun diko naman akalain na totohanin mo noh" "Buo na ang dessiyon ko,mas mabuti na yung ganito para dina kami parehas masaktan ng husto mas mabuti nga palayain na namin ang isa't isa mas nakakabuti yun sa aming dalawa" "Eh ikaw kung yan talaga ang gusto mo,so anong balak mo ngayon" "Diko alam,gulong gulo pa ako ngayon dipa ako makapag isip ng maayos" "So doon ka muna sa apartment ko mag stay para makapag isip ka ng maayos uwi na muna tayo doon" "Hindi,mag inuman na lang tayo bago tayo umuwi"sabi ko sa kanya. "Gosh may hang over pa nga ako kagabi eh I want to sleep muna girl uwi na lang tayo" "Ikaw na lang ibaba mo na lang ako doon sa dati nating pinupuntahan" "Okay fine, lets go kung yan lang ang magpapagaan sa pakiramdam mo" Pumunta nga kami doon pero sarado pa kasi maaga pa.Kaya bumili na lang ako ng maraming beer para inumin na lang sa apartment ni Elaine. "Omg,tama na yan girl nakarami kana saka wag ka masyadong maingay mamaya katukin tayo ng mga security dito eh" "Sige pa inom pa kailangan natin magcelebrate dahil sa araw na to single na ulit ako wala na akong asawa malaya na ako sobrang saya ko sobra"sabay tawa at iyak ako diko alam kung ano ba talaga nararamdaman ko. "Magcelebrate daw okay ka lang girl eh Hindi naman yan ang ginagawa mo eh para kang nagluluksa.Saka psst sabing wag kang maingay eh" "Bakit mo pinipigilan ang best friend mo na nagsasaya,ang bad niyo parepreho kayong lahat" "Okay okay,magsaya ka hanggat gusto mo basta wag ka lang maingay okay" "Cheers tayo bestfriend ikaw na lang natitira sa akin wag mo rin akong iiwan kagaya nila"sabay niyakap ko siya. "Oo naman,sa hirap at ginhawa nasa tabi mo lang ako wag kang mag alala. "Promise mo yan ah,dito ka lang sa tabi ko" "Hmm promise" Mahigpit na niyakap ko siya,at pinikit ko ang aking mga mata habang umiiyak,sobrang sakit dito sa puso ko parang diko kakayanin pero siya na ang sumuko.Ano pa nga ba ang gagawin ko kundi tuparin ang kagustuhan niya wala ng sasakit pa ang nararamdaman ko ngayon parang unti unti akong namamatay.Siguro nga malas lang talaga ako sa lahat, ganito na talaga siguro ang kapalaran ko sa buhay.Siguro nga Tama siya diko deserve ang maging masaya dahil lahat kasalanan ko, ako siguro ang may mali. Hindi siya ako talaga siguro ang may pagkukulang sa relasyon naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD