CHAPTER 15

4503 Words
Sandra's POV DAHAN-DAHAN ang ginawa kong pagmulat sa aking mga mata. Kumpara noong huling naaalala ko, maayos at normal na ang paghinga ko. Sinilip ko muna ang paligid ko pero medyo malabo pa, e. Basta ang alam ko, nasa isang kulay puting silid ako. Babasagin ko na ang trip niyo. Huwag niyo nang isipin na nasa langit na ako dahil hindi naman ako makakapasok doon. Sa bait ko ba namang ito, paano pa ako papapasukin ni San Pedro? Nasa isang hospital room ako. To confirm it, may nakakabit na swero sa aking kamay at may oxygen hose na nakalagay sa aking ilong. 'Ano bang nangyari sa'kin?' Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na inalala kung anumang nangyari sa'kin. Last thing I remembered, I passed out nang dahil sa pagod. "Ate, okay kana ba?" worried na tanong ng isang boses kaya dumilat na ako. It was Ella. "A-anong nangyari?" pabulong kong tanong. .Parang wala akong sapat na lakas para magsalita. Ngumiti siya sa'kin pero hindi naman sinagot ang tanong ko. Lumabas lang siya ng kwarto at iniwanan ako. 'Galing, e. Kinakausap ko siya diba? Ang rude din, e.' 'Wow, sa'kin pa talaga nanggaling, diba?' Ipinilig ko ang aking ulo. Nababaliw na yata ako, kinakausap ko na ang sarili ko. Mayamaya lang, bumalik din si Ella at may mga kasama siya. Lumapit sa akin yung isang lalaki na sa tingin ko ay doktor dahil sa suot niyang lab gown. Tinignan lang niya yung swero ko. "Are you feeling better, Cassy?" His voice was familiar kaya agad ko siyang nilingon para kumpirmahin ang pagkatao niya at hindi nga ako nagkamali. "Tito,'' matipid kong tawag sa kanya na ngumiti bilang sagot. He's Devine's father. "Ang kulit mo, Cassy. Sinabi ko naman sa'yo noon na bawal ka mag-pagod masyado, diba?" sermon pa niya sa'kin. Pumikit na lang ako at hindi na inintindi ang sinabi niya. "Kailan ka huling sinumpong ng Asthma mo?'' tanong niya kaya naman napaisip ako. Tinaas ko yung kamay ko at bumilang hanggang tatlo. "Oh, ano 'yan? Three days? Three weeks? How about three months?" natatawa niyang tanong kaya dumilat ako. Sinimangutan ko muna siya bago magsalita. "Years," Gustuhin ko man na magtaray. Hindi pa kaya ng sistema ko. Bakit ba nanlalata ako? "Akala ko, magaling na 'ko." bubod ko pa habang nakasimangot. Sumimangot din siya bago ako pitikin sa noo. "Pasaway! Hindi porket hindi ka sinusumpong, ibig sabihin magaling kana!" sermon pa niya. Tss, kung sapat lang talaga ang energy ko, pinatulan ko na siya. "Cassy, alam mo ang sitwasyon mo. Hindi ka dapat masyadong nagpapagod. Mabuti na lang at kasama mo sila Devine," dagdag pa niya. Hindi ko na lang ulit siya pinansin at binalingan na lang si Ella. Halata sa mukha niya ang pag-aalala kaya naman napangiti ako sa kanya. "Ayos ka lang?" tanong ko pa. "Ate naman, e! Ikaw 'tong sinugod namin sa ospital, e. Tapos ako ang tatanungin mo kung ayos lang ako," Napangiti na lang ako. Ang cute niyang umiyak. "Anak, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Nawala ang ngiti ko nang magsalita ang matandang hukluban. "As if you care," bulong ko. "Tito, I'm feeling better now. Pwede na ba akong makauwi?" "Yeah, sure." Tumango pa siya. "Good!" sagot ko at akmang babangon na. "Hindi pa tayo uuwi," Napasimangot ako sa sinabi ng matandang hukluban. "Why? You heard Tito Sony, right? I'm going home, these things make me sick." iritable kong sagot habang tinuturo yung mga hose na nakakabit sa akin. "Those things saved your life, Idiot." bulong pa ni Lycka na hindi ko naman malaman kung ano'ng ginagawa dito, tss! Kahit iritang-irita ako sa kanya, hindi ko na lang pinansin dahil sayang lang ang laway at energy ko. "I want to go home." giit ko. "Ella, get the discharge papers," sinilip ko ang paligid natanawan ko ang orasan na nakasabit sa pader. 'Damn! 7:30 pm?' Gaano katagal na ba akong nandito? Tsk! Papatayo na sana si Ella pero pinigilan siya ni Lorenz. "Narinig mo si Dad. Hindi pa tayo uuwi ngayon. Bukas na," Seryoso pa akong tinignan ni Lorenz. Sasagot pa sana ako kung hindi lang may biglang tumunog na cellphone pero wala sa kanila ang natinag upang sagutin iyon. "Sagutin niyo! Ano ba?!" inis kong sigaw habang hinihilot ang sentido ko pero wala pa ring sumagot sa pesteng telepono. "Ano ba?? Ang ingay ka–" "Ate, phone niyo po yung tumutunog," bulong ni Ella bago inguso ang lamesa sa gilid ko. Napasimangot ako nang bigla silang tumawa. Dinampot ko ang maingay na cellphone at sinagot iyon. It must be Joan. "Yes, Jo–" "Baby ko! Mabuti at sinagot mo." Nagawa kong ilayo sa aking tainga ang cellphone ko. One thing is for sure, it wasn't Joan. Muli kong pinakinggan kung sinuman itong tumawag, "Baby, papunta na ako d'yan. Saglit na lang!" Naningkit ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino itong tumawag sa akin. "Hoy Epal! Saang impyerno mo nakuha ang number ko?!" inis kong bulyaw sa kanya. Umupo pa ako ng maayos para makabwelo. "Baby ko naman, sabi ko sa'yo wag mo na akong tatawaging epal, e. Teka lang, malapit na ako." aniya. "Wag ka nang pupunta dito mapapa–Hello?? Tangina, pinatayan ako!" sigaw ko. "Ang kapal talaga ng muk–" "Baby ko!!" Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang bigla siya iluwa ng pintuan. "Baby ko, may masakit ba? May gusto ka bang kainin?" sunod sunod niyang tanong habang dirediretso sa kama ko. "Damn!" singhal ko at ibinato sa kanya ang hawak ko'ng cellphone. Nakakainis dahil nagawa niya iyong saluhin. "Bakit mo ako pinatayan ng telepono?! " gigil kong tanong. "Grabe 'to, ayan na naman yang kabrutalan mo, a! Baby ko talaga! Napaka-sweet!" sarkastiko niyang sagot. "Utang na loob, give me a f*****g break!'' sigaw ko sa kanya. Panay ang tawag ng baby, sinabi nang hindi ako sanggol, e. "Sige na, Baby ko. Pahinga ka na," inirapan ko siya bago bumalik sa pagkakahiga ko at tinalikuran silang lahat. "Matutulog na ako. Umuwi na kayong lahat. Uuwi ako first thing in the morning," I stated. "Sige po, Tito Ben. Ako na pong mag-babantay kay Ate Sandra," Narinig ko pang wika ni Ella. "No. Ella, umuwi ka na rin. Magkita na lang tayo sa bahay." Kontra ko sa gusto niya. "Kaya ko ang sarili ko," "Ate, 'wag ka namang makulit!" Parang bata niyang tantrums. Tss. "Ikaw ang nagiging makulit, Ella. Umuwi ka na rin," utos ko pa sa kanya. "Sinong kasama mo dito?" tanong pa niya. "Wa–" "Ako na." Bigla akong napabangon sa nagsalita. 'Seriously?' "Are you sure, Lycka?" tanong pa sa kanya ng matandang hukluban. "Yes, absolutely. Cassy is like my sister na rin naman," maarte niyang sagot. 'Pweh! Sister my ass!' "No need, kaya ko nang mag-isa." flat kong tanggi. "Umuwi na kayo." "Sige na. Uwi na kayo. Ella, uwi ka na rin. Ikaw din, Lycka. Ayaw kang kasama ng Baby ko." Hindi ko naiwasang mapangiti sa sinabi ni Jared. Ang rude niya kay Lycka. 'I'm liking it, huh?' "E, bakit ikaw? Gusto ka ba niyang makasama?" maarteng sagot ni Lycka kaya napangiti ako. "You know what? I think Jared is right. Siya na lang ang magbabantay sa'kin!" Umupo pa ako para ipakitang excited ako. "See? Sandra will be fine," pagsang-ayon pa ni Jared. "Diba Baby ko?" Baling pa niya sa akin bago ako akbayan. Palihim ko siyang siniko. "Nakakarakot makitang nakangiti si Red, so creepy," bulong ni Marg kay Alyson na napailing lang sa sinabi ng kaibigan. "Yeah, uwi na kayo! Shoo! Ba-bye!" Pagtataboy ko pa sa kanilang lahat. "Are you sure you'll be fine with Jared?" seryosong tanong ni Lorenz habang hawak ang kamay ko. Tumango naman ako bilang sagot. "Okay, I'll see you in the morning." paalam niya sa'kin at humalik pa sa noo ko. "I still don't want to leave you here, Cassy." Lumapit sa uluhan ko ang matandang hukluban para humalik din pero iniwas ko yung ulo ko. Nagulat siya sa ginawa ko pero huminga lang nang malalim bago magsalita ulit, "Jared, ikaw na ang bahala sa anak ko. Pakibantayan siyang mabuti." "Ako na pong bahala. Ako narin po ang maghahatid sa kanya bukas." Prisinta pa niya at tumango naman na ang matandang hukluban bago tuluyang lumabas. "Bye Cassy! Get well soon!" Sabay sabay na paalam ng angels at nag-goodbye kiss pa sa akin. "See you na lang sa bahay. Bye Red!" ani Lycka. 'Ke landi!' "Psh," Muntik pa akong matawa dahil sabay pa kaming napaismid ni Jared. Inirapan lang naman ako ni Lycka bago siya lumabas. "Ate, samahan ko na kayo dito," Pangungulit pa ni Ella kaya umiling ako at hinila siya palapit sa'kin. "Wag ka na'ng makulit, okay? Nandito naman si Jared kaya umuwi ka na," sabi ko pa at ako na ang humalik sa kanyang noo. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala kaya naman hindi ko maiwasang matuwa. Imagine? I used to be a b***h who hates her pero nandito pa rin siya at gustong mag-alaga sa'kin. She really has a good heart. "Magpahinga ka na," Tango lang ang isinagot niya sa'kin at lumabas na rin. "Sa wakas! Wala nang mga istorbo sa pamamahinga mo, baby ko." ani Jared habang relax na relax na nakaupo sa couch na nasa gilid ng kama ko. Sinimangutan ko siya, "Oh? Ano pa'ng hinihintay mo? Umalis ka na rin." utos ko bago inguso yung pinto. "Babantayan nga kita, diba?" Bubwelo pa lang ako ng sagot nang magsalita ulit siya, "Hindi mo ako mapapauwi kung 'yan ang pinaplano mo. Matulog ka na," 'Pero hindi pa ako inaantok, e.' "Gusto mo, kwentuhan muna tayo para dalawin ka ng antok?" suhestiyon niya nang hindi ako tinitignan. 'What the? Narinig niya?' "Try mo kayang 'wag bumulong," sagot pa niya. "Tss!" inismiran ko siya. Tumayo na siya at umupo pa sa tabi ng bed ko. "Kwentuhan kita. Dali, higa kana ulit," aniya. Mukhang ewan niyang wika. Ako naman itong isa pa'ng ewan, sinunod naman siya at humiga na nga. 'What's wrong with me, neh?' "Nothing is wrong with you, baby. You're just simply captivated by my charm," mayabang niyang sagot. Tss! "Bilib talaga ako sa kakapalan ng mukha mo, e. Asa ka!" sininghalan ko pa siya. Kapal, e. "Whatever," seryoso niyang bulong. "Magkukwento na ko, makinig ka, ha?" "Ge lang. As if may choice naman ako, diba?" sagot ko na lang. Humiga ako nang maayos at tahimik na nakinig sa mga ikukwento ni Jared. 'Arte ng epal na 'to.' "Okay! Umpisahan natin sa pagpapakilala ko," panimula ni Jared "Ako si James Jared Guiverra, 21 years nang nagbibigay kulay sa mundo," bahagya pa siyang natawa sa sinabi niyang kaya sumangot ako. "Ayusin mo nga!" "Okay, ito na. Lumaki ako na mag-isa, yung tipong walang mga kaibigan, ang tanging kasakasama at kalaro ko ay si Alyson lang. She's my cousin, third cousin," "Magpinsan pala kayo. Ang layo ng personalities niyo Mabait kasi si Aly," side comment ko pa pero hindi naman na siya sumagot. "Overprotective kasi sa'kin ang parents ko dahil nga sa sakit ko. Ang sabi nila blue baby daw ako, masyadong mahina ang puso ko kumpara sa ibang tao." Pinag-aralan ko ang mukha niya. Hindi naman kasi siya yung tinginin na may sakit. "Wala akong naging ibang kaibigan kahit sa school kasi marami akong bawal gawin. In the end kasi, walang gustong makipagkaibigan sakin dahil parang ang KJ ko. Bawal ako tumakbo, bawal makipagharutan at bawal ang masyadong masaya. Kaya tahimik lang ako. Wala akong ibang kinakausap. Nasanay ako na ako lang. Naglagay ako ng pader sa pagitan ko at ng ibang mga tao." He paused for a few seconds bago muling nagsalita. "Namatay ang mommy ko nung 14 years old ako, lung cancer. Tapos kami na lang ni Papa." 'Wala na rin pala siyang mommy, parang ako.' "Nung 17 naman ako, my dad remarried to Mommy Tess at mula noon siya na yung tumayong nanay ko. May anak din siya, babae naman. Her name is Shiela, nasa high school na siya ngayon." Huminto ulit siya at saglit na tumingin sa akin na tahimik lang na nakikinig sa kanya. "Nung 18 naman ako, sumama ako sa isang educational trip. Siguro dahil sa sobrang saya dahil first time ko yun maranasan... bumigay yung puso ko. I was hospitalized for a year. Akala ko nga mamamatay na ako that time, e. Nung 19 na ako, I had a heart transplant. The operation was very successful. Naduktungan 'non ang buhay ko." Ngumiti siya sa akin, "Doon ko na-realized na totoo pala na life is too short. Mula 'non, naging mas open ako sa mga opportunities. Ginawa ko yung mga hilig ko. Nag-motor ako, nag-banda. Kaya lang, hindi na nawala yung pagiging ilag ko sa ibang tao. Sabi nga ng iba, snob daw ako, na wala daw akong pakialam sa mundo at hindi daw ako marunong magpakita ng emosyon a–" "Wait!" putol ko sa pagkukwento niya. "Ikaw? Aloop sa tao? Walang pakialam at walang emosyon?" tanong ko. Hindi kasi kapanipaniwala yung sinabi niya. "Parang ayoko naman atang maniwala sayo. E, kung makadikit ka nga sa akin akala mo isa kang lintang sumisipsip ng dugo. Tapos, epal ka kaya! Tsaka lagi ka namang nakangiti, diba?" "Well, nagsimula lang 'yon noong umuwi ka," paliwanag ni Jared. "kahit naman ako nagugulat sa mga pagbabago sa sarili ko, e." "Ah... okay. O, tapos?" Natawa naman siya. Bakit? Hindi ko alam. Baliw yata siya, e. "Iyon na nga, ang pagkakakilala sa akin ng mga tao, cold daw ako. Yung tipong, mas gugustuhin ko pang matulog o makinig ng music kaysa makipag usap sa iba." He paused and looked closely to me. I had no idea why he did that but it makes my heart beat as if may mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo 'don. "But why?" mahina kong bulong. "Sandy," "Sandy? Binigyan mo pa ako ng nickname, tss." reklamo ko. "Seryoso 'to. Sandy," Ayan na naman ang pagiging seryoso niya. "B-bakit nga?" Nag-iwas ako ng tingin. Curious ako pero naiilang talaga ako sa mga seryoso niyang tingin. "When you are around, from cold and careless you can transform me to the opposite of the real me. I don't know how but it's like you keeps on changing me. And sometimes, it's really frustrating," unting-unting kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. "Because of you, nagiging madaldal ako. Kapag ikaw ang topic, nagiging tsismoso ako. That's not me anymore." "W-why are you telling me this?" clueless kong tanong. "Ewan ko," natatawang sagot ni Jared. "Hindi ko din alam, e. Isa lang ang nasisiguro ko..." bigla na namang nagshift sa serious mode ang mukha at boses ni niya but this time, sinalubong ko na ang mga mata niya. Baka naman kasi trip lang niya na pagtripan ako, mabuti na yung sigurado. "Because of you, the wall I made that separates me from showing the real me for my whole life breaks into pieces," "Is that a bad thing?" Hindi ako sigurado kung bakit ako nag-aalala. "I have no idea. I've been like this for 21 years but when I first saw you, parang may something sayo na nagpapabago sa akin, e." "First time I saw you is nung pumunta ako sa room ng GS para sunduin si Ella. So that's our first meet up, right? I bet natakot ka lang. Ikaw ba naman ang makakita ng magkapatid na nagpupukpukan ng stilletos sa ulo, hindi ka ba matatakot?" Ako naman ang natawa ngayon. "You're wrong, iyon yung unang beses na nakita kita ng personal. I must admit na naturn-off ako sa pagiging brutal mo, pero once na makita ko yang mga ngiti mo, nagiging okay na ang lahat," I smiled. That's the magic of my smile. It can change people's mood. "So, you're attracted with my smile. That's normal. Lahat ng tao 'yan ang sinasabi. Don't worry, hindi pa malala ang kaso mo." "Again. You're wrong. I know it's odd but yes at first, you're smile is what I like about you, pero nagbago na 'yon," "Nagbago? What do you mean that it changed?" kabado kong tanong. "I'm no longer interested with your smiles. Nabaling na ang interest ko sa totoong ikaw," Huminga si Jared ng malalim bago magsalita ulit. "I know na pinapakita mong masama at brutal ka, na cold ka at malakas. Pero ang totoo, you're just hiding the real you. Mabait ka naman, e. May malasakit ka sa iba pero hindi mo nga lang naipapakita sa paraang maiintindihan ng nila. Higit sa lahat, mahina ka." "Hoy! Hindi ako mahina! Sapakan pa tayo, oh? Ano?" Masyado yata akong naging defensive. 'Fine Sandra, admit it.' "Psh." aniya habang umiiling pa. "Liar, that's what you are. More of pretending that you are strong." bulong niya. "I'm sorry, but I saw and heard you cried for couple of times. You're so weak and fragile from deep within. That makes me want to know you more. I want to know you so that I can protect you," "I dont need your sympathy, Jared. You don't have to do this lalo na kung naaawa ka lang sa'kin." sagot ko. ''It's not sympathy, Idiot. I want to do this and no one can stop me," giit pa niya. "Wala kang mapapala sa'kin, James Jared. Inaaksaya mo lang ang panahon mo." "So what? Buhay ko naman to, e! And diba nga, sabi ko naman sayo na life's too short. I want to do this while I still got time," 'Kung makapagsalita, akala naman niya mamamatay na siya,' "Bahala ka sa buhay mo," bulong ko kahit ang totoo. Natutuwa ako sa ipinapakita niyang concern sa akin. It feels so good, sana lang totoo. "Sandy," "What?" hasik ko sa kanya. "When your with me, you can put those mask off. Be the real you," Hinawakan pa niya ang kamay ko. "Baliw!" "Pero gwapo," "Ano ka'mo? s**o?" "Nagpapatawa siya," Nang-aasar niyang sagot. "Seryoso, be the real you. Ako ang bahalang maging malakas para sayo. Wag kang matakot na makita nilang mahina ka kapag kasama mo ako. Ako nang bahala sayo." "Siraulo! Kung bumigay 'yang puso mo? Aba't kasalanan ko pa!?" "Strong na 'to!" mayabang niyang sagot. "Mula ngayon, ako na ang best friend mo," "Ayoko nga. Ayoko ng assuming na bestfriend." nakasimangot kong tanggi. "Mukha bang hinihingi ko opinyon at approval mo? Statement 'yon hindi tanong. So whether you like it or you like it, you will like it!" Mas nalukot ang mukha ko. "Nasaan yung free will sa sinabi mo? Wala man lang akong choice!" reklamo ko. "Meron, a! It's either you accept it or you live with it," Napasapo na lang ako sa aking ulo. "Oh, bakit? Binigyan naman kita ng choice, a!" "It's the same! If I choose to accept it, I will live with it and if I choose to live with it, it means that I accept it!" singhal ko. "This is too much harrasment!" "That's life, best friend," Nagkibit-balikat pa siya. "Ewan ko sa'yo. Bahala ka sa buhay mo!" Nagpaubaya na ako. What's the point of arguing kung hindi naman ako mananalo? Diba? "So! Sandy, ikaw naman? What is the story of your life?" curious niyang tanong. "Ako?" "Oo! Nai-share ko na sayo ang buhay ko, e." "Tss. Sinabi ko bang i-share mo?" Akala ko kasi ang iku-kwento niya tungkol kay Cinderella and such. "Dali na kasi!" Pangungulit pa niya. "Oo na! I'm Sandra Martin, 21. Ako ang may-ari ng isang sikat na clothing line. Mayaman ako. Hindi blue baby pero may asthma. Wala pang 30 seconds ago, nagkaroon ako ng isa pang self-proclaimed Bestfriend. The end!" bored kong pagku-kwento sa kanya. "Iyon na 'yon? Todo na 'yon? Sagad na yan?" reklamo niya. "Oo," matipid kong sagot. "Hindi mo man lang ba iku-kwento kunCassytt o paano ka naging Sandra Martin? Kung sino si Cassy?" "Iyon ba ang gusto mo?" tanong ko. "Oo naman!" Tumango pa siya. "Ah... 'Kay. Pero alam mo, inaantok na ko, e. Sige na, hood night!" Humiga na ulit ako nang maayos. Nagtalukbong pa ako ng kumot para 'wag na akong kulitin ni Jared. "Ang daya! Sandy? Bespren? Uy?" Paulit-ulit pa niyang tawag sa'kin. "Good night, James." bulong ko habang pinipigilan ang aking sarili na natawa sa kanya. "Uy?? Sandy, five minutes pa, dali!!" "Good night!" "Ang daya nito!" Hindi ko siya nakikita pero nasisiguro ko na naka-pout na naman siya. Parang bata, e. "Sungit nito, siige na nga, matulog ka na!" sagot niya at ramdam ko pa ang padabog niyang pagbalik sa couch. 'Good night James Jared, Thank you for reminding me that I'm not alone at. Good night,' ** Renz' POV "Are you sure they'll be fine there?" Hindi mapakaling tanong ni Dad. Kanina pa siya nag-aalala para kay Caasy. "Dad, hindi pababayaan ni Jared si Cassy," seryoso ko'ng sagot habang nagmamaneho. Pauwi pa lang kami galing sa ospital dahil dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain ng dinner. Simula kasi nang tumawag si Alyson na nag-collapse daw si Cassy, hindi na namin nagawang kumain. "Wag ka nang mag-alala, Ben. Magiging okay din ang anak mo," sincere namang wika ni Tita Gina habang hawak ang kamay ni dad, ang sweet talaga nilang dalawang. "Akala ko ba boyfriend mo si Jared?" tanong ng dad kay Lycka na kanina pa nakasimangot. "They're not in a relationship, Dad." Ako na lang ang sumagot dahil parang walang balak magsalita si Lycka. "At wag mo na lang pong kuligligin iyang si Lycka, mukhang wala sa mood." Malamang ay nagseselos lang siya. Hindi lang para kay Jared kung hindi pati na rin sa lahat. Nagseselos siya na lahat ng atensyon kay Cassy na lang namin naibibigay. Si Dad at Tita Gina, ang Angels at pati na rin ang GS, pero syempre, angat parin yung selos niya para tuod, este si Jared pala. Matagal na kasi niyang gusto si Jared. Kahit iwas sa kanya yung mongoloid na 'yon, ayos lang kasi ganoon naman siya sa lahat. Pero nang umuwi si Cassy unti-unting nagbago si Jared. Naging cheerful na siya although sa mga piling pagkakataon lang. Sa totoo lang, natatakot ako na baka masaktan ulit ang kakambal ko. Pero kanina sa ospital, na-realized ko'ng mas natatakot pala akong mawala ulit ang kapatid ko. Natakot ako nang nalaman kong sinumpong siya ng Asthma niya at nawalan pa siya ng malay tapos kailangan siyang isugod sa ospital. Mahal na mahal ko si Cassy. She is my half and without her, I'm incomplete. Siguro nga, ito yung tinatawag na sister complex, ang bakla lang pakinggan, diba? Pero iyon ang totoo. Sinilip ko muna si Lycka na nakasimangot pa rin. I understand her, pareho kamo g nararamdaman ngayon. Oo, nagseselos din ako. I'm so jealous with the closeness of my twin to Jared and vise versa. Alam niyo yung pakiramdam na parang mas lamang na yung timbang ni Jared kaysa sa akin? Mas madalas silang magkasama at mas may time si Cassy sa kanya. Noong inuwi ni Jared si Cassy na lasing, how I wished na sana ako yung umalalay sa kanya. Noong nagpasama siya kay Jared sa mall, nagtampo ako ng sobra kaya naglasing ako. Gusto ko kasi, sa'kin na lang siya nagpasama. Then, noong na-trapped siya sa elevator mas nag-abala siyang mag-explain kay Jared kaysa sa akin. Tapos, kanina sa ospital, I want to volunteer na magbantay sa kanya pero nasapawan na ako ni Jared. Pakiramdam ko tuloy, sa birth certificate na lang kami magkamba, e. Parang wala na yung connection namin sa isa't-isa. Nalulungkot ako na tatlong taon ko siyang hindi nakasama tapos ngayong nagbalik na siya, hati naman na ang atensyon na nakukuha ko sa kaniya. Nandito nga siya physically pero hanggang doon na lang 'yon. Gusto kong bumawi sa kanya, gusto kong maibalik yung dating siya. Kung tutuusin, nadamay lang naman ako dito, e. Nadamay lang ako sa galit niya. Maayos naman kami noon, e. Kaya nga laking gulat ko nang isang araw pag-uwi ko, magkatabi na si Angel at si Spade at wala na siya. Basta na lang siyang nawala nang parang bula. Three years. Three years ang hinintay ko para makasama siya ulit. Tapos ngayon, may karibal pa ako sa kanya. Wala naman akong galit kay Jared, e. Actually, thankful ako na nasa tabi siya ni Cassy. Kaya lang, hindi ko talaga maiwasang magselos. Anyway, si Ella ang katabi ko ngayon sa passenger seat. Kanina pa siya walang kibo. May kasalan kasi ako sa kanya. Siya yung inipit ko para wala nang lusot si Cassy sa Lunch meeting sana namin kanina. "Ella," mahina kong tawag sa kanya. Liningon lang niya ako pero hindi naman na kumibo. "Sorry about 'don sa kanina. Isosoli ko din naman yung phone mo, 'wag ka nang mag-alala," "Hindi naman iyon ang inaalala ko," sagot niya. "Si ate Sandra ang iniisip ko, sir Lorenz." "Her name is Cassy." Pagtatama ko sa kanya. "Does it matter? Kahit ano pa'ng pangalan niya, nag-aalala ako para sa kanya. If you had seen how pale she was, natakot ako nang sobra, e " Halata sa mukha niya ang sobrang worried siya. "Ang close mo din kay Cassy, no?" may halong bitterness kong bulong. "Malaki ang utang na loob ko kila ate Sandra at ate Joan. They took care of me back there in Cali, they provided my needs. Inalalayan nila ako," sagot niya. "Ang swerte mo nga, e." bulong ko ulit. "No." Mabilis pa siyang umuling. "Sir Lorenz, ikaw ang maswerte. Totoo mong kapatid si Ate Sandra." Ngumiti siya sa'kin. "Alam mo, napaka-swerte mo for having someone like her. She maybe so brute sometimes, but the truth is, she really cares alot," "Easy for you to say," inismiran ko pa siya. "Hindi mo naman siya nakasama noon bagp pa siya magbago," medyo inis kong sumbat sa kanya. "If ever naman po, mas gusto ko si Ate Sandra kaysa sa Cassy na sinasabi niyo. No offense meant, but it's true. Mas gugustuhin kong tanggapin si Ate Sandra kaysa naman pilitin siyang maging katulad ng dati," seryoso niyang sagot. 'Seriously? Ano ba'ng alam niya?' "Hindi namin siya bumalik sa dati! Gusto lang naman namin na... na..." 's**t! Bakit wala akong masabing dahilan?' "Ano sir? Wala ka'ng mai-sagot?" "Wala kang alam," iyon ang mga salitang lumabas ss bibig ko. "Oo nga, wala akong alam." Tumango pa siya bago ngumiti. Her smile, it was so sweet and genuine... just like Cassy's. "Pero piece of advice lang, ha? Kung talagang mahal niyo si ate dapat kung ano man yung dahilan niya kung bakit siya nagkaganito, dapat tinatanggap niyo 'yon. Whether she's like the meanest and coldest person ever or yung sinasabi ninyong mabait na si Cassy She's still your sister," "But she's not the same," Nagpakawala pa ako ng malalim na buntong hininga. "E, bakit ba siya nagbago? Sabi niyo sobrang bait niya, diba? Bakit siya nagbago? Baka naman inabuso," aniya bago ituon ang tingin sa labas ng umaandar na sasakyan. I was dumbfounded. I was lost for words. Dahil totoo naman ang mga sinabi niya. Why am I so stupid? Bakit hindi ko naisip na nahihirapan din ang kapatid ko? Ano nga ba ang mas makakabuti sa amin? Kay Cassy? 'Ugh! This is so frustrating!' **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD