Chapter 14

1184 Words
Lucas Baroni POV I didn't know why I said that and instead of bringing her to my room I got a punch from her. Indeed ang lakas nga niyang sumuntok. I thought Daniel was just kidding when he always says that Rae's punch is better than his. May pagka amazona talaga ang babaeng ito. What did I put myself into? I was looking at the ceiling of my VIP room smiling alone. Iyon nga siguro ang nagustuhan ko sa kanya eversince. Malakas ang dating niya. From a far you can say that she is a respectable business woman, calm at heart yung parang hindi makabasag pinggan pero isa siyang maangas na babae. yeah that's the right word maagas siya. I just don't know what happened to her at pumayag siyang ganon ang ginawa sa kanya ng kanyang ex and his b***h pero sigurado akong may ibang iniisip si Rae para makaganti sa kanila balang araw. Mabuti na lang at nagsipasukan na ang mga kaibigan namin sa kanya kanyang VIP rooms at hinihintay na siya ni Enzo sa baba kaya hinanap ko kung nasaan siya. I was just kidding when I asked her to go to my room pero sineryoso niya ito at ayun nakakuha ako ng suntok galing sa kaniya. "What the f**k are you saying Lucas!" sabi nito sa akin. "I was just inviting you to go to my room Rae" "And then what? Anong nangyari sa usapan natin? Di ba kaya nga tayo magbabakasyon to heal my broken soul? And talaga bang importante sa inyo yung bagay na iyon? maikama ang mga babae?" naiinis niyang sabi. "Sorry It was a mistake okey.. Hindi na mauulit." hingi ko ng paumanhin sa kanya. "Just don't do it again and sorry din nabatukan kita nainis lang ako. And sorry if marupok din ako sa mga paglalambing mo. Di ko din maintindihan ang sarili ko right now." "It's okey, I understand you but still kahit ayaw mo I will continue to care for you." nakatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata habang sinasabi ko ang gusto kong gawin. "Do whatever you like just don't cross the line Lucas. At least let me heal first." pakiusap niya. Despite that I was still happy because she answered my kisses. I was able to confirm that our feelings are mutual pero ito na siguro yung sinasabi nilang "it's complicated". I wanted to kiss her for the last time pero dumating na naman ang kanyang kapatid na himalang hindi nagsusungit simula nung dumating siya sa Pilipinas. Hindi ko din alam kung ano ang nakain ni Enzo at malimit siyang ngumiti ngayon. Dati rati ay daig pa niya ang babaeng laging may PMS kung magsungit. Sinusubukan kong matulog pero hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang babaeng hanggang ngayon ay hindi ko mabasa. Sa tuwing magkasama kami ay hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya at minsan ay hindi ko din mabasa ang emosyon na nasa mga mata niya. Ibang iba siya sa mga babaeng nakasalamuha ko na kaya ngayon ko lalong napagtanto na muling nabubuhay ang pagmamahal ko sa kanya and that moment I realized I'm really doomed. Kinabukasan ay nagising pa din ako ng maaga kahit hindi ako nakatulog ng maayos. Siya na naman ang unang pumasok sa isip ko. I sent her a message hoping na magrereply siya. Goodmorning my Rae! Let's have breakfast together? I waited for almost half an hour for her reply. Baka tulog pa siya or baka nagbreakfast na siya. I felt like a teenager waiting a reply from a textmate. Goodmorning Lucas! Breakfast? It means nasa Pinas ka pa? i chuckled at her reply. Obvious ba? Ayaw mo bang magbreakfast sa Pilipinas? Where do you want to have breakfast? I replied back. Paris? sa harap ng Eiffle? or Venice? sa Grand canal? or Milan? sa harap ng Dome? or Switzerland? sagot niya. Are you sure? Tatawagan ko lang si Chris but you should choose just one place for today bukas na yung iba. Lucas! I was just kidding! If you want to have breakfast tara sa belcafé and i'll prepare our breakfast. -Rae Can I prepare it for you instead? Let's prepare it together okey? Okey Hindi na ako kumontra dahil ang importante ay makakasama ko na naman siya. Sinundo ko siya sa penthouse niya and we went straight away in one of the branch of belcafé na malapit lang sa kanila. While I was parking near the café napansin ko ang dalawang taong nakaupo near the window at naghaharutan. Ang liit talaga ng Pilipinas at kahit saan ata kami magpunta ay nandoon din sila. I told Rae about them but she said it's fine. Parang okey na rin sa kanya na makita ang dalawang laging magkasama at magkadikit. Maybe she's starting to move on. I took her hand as we enter the place. She looked at me and she smiled, hindi naman niya binawi ang kamay niya sa akin. Napatigil kami sa isang table as expected dahil may narinig kaming boses na nakakarindi sa tenga. "Oh look whose here too Jake oh!" maarteng sabi ni Kara sa kanya. "Malamang nandito din si Rika. She owns the place you know" walang ganang sagot ng lalaki sa kasama nito at napatingin sa magkahawak na kamay namin ni Rae. "Ay oo nga pala! Caffeteria owner lang pala siya at company mo ang nagsusupply sa kanya" nang uuyam na sabi ni Kara kay Rae. I looked at her with a questioning look and she just nodded. "His family owns a coffee plantation Lucas." walang ganang paliwanag nito. "Me too and mine is everywhere." "Do you have Rustico here? You know my purpose opening belcafé right?" si Rae. "I will buy one for you." i answered her. I just dont want the fact na magkikita pa din sila ni Jake dahil sa trabaho. Alam kong wala pa akong karapatan sa ngayon pero maigi nang bakuran ko siya. "The heck Lucas hindi mo naman kailangan gawin yun. Sei pazzo (you're crazy)." inirapan niya ako and she rolled her eyes. I found that cute at pinisil ko ang pisngi niya. We totally forgot that there were two persons glaring at us. Nasa harapan pa pala kami ni Kara at ni Jake. "What are you two talking about?" pang uusisa ni Kara na kahit kailan ay pakialamera at papansin talaga. Feeling niya close kami. "None of your business. Let's go Rae i'm gonna make your favourite croissant with nutella and your capuccino." nakangiti akong bumaling kay Rae at hinila na siya papunta sa kitchen ng belcafé. Lumingon ako at nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Jake. Sumilay ang ngiti sa mga labi ko, gusto ko siyang pasalamatan kasi nagkaroon ako ng pagkakataon para maipakita ko kay Rae na mahalaga siya sa akin dahil na rin sa ginawa niyang panloloko. We ate the breakfast i made for her together at doon na rin kami nagstay halos buong araw. We enjoyed each other's company. Kaya siguradong mag eenjoy pa kami lalo sa aming magiging bakasyon. Parang teenager lang na excited magbakasyon kasama si crush.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD