Chapter 1

1982 Words
I was looking at the view from the glass window of my office while drinking my coffee. Katatapos lang ng meeting ko and i was able to close the deal as usual. Hindi pa ako naglulunch pero malapit ng matapos ang office hours, it's almost dinner. I looked at my phone and saw his message asking me kung kumain na ako. Kaninang lunch pa yun. I smiled and message him that I'm about to go home. I feel so lucky, I almost have everything i needed in this life. I have a supportive family, hindi ko man sila kasama dahil sa Europe nakabase ang main family business namin lagi pa rin nilang pinaparamdam nah hindi ako nag iisa dito sa Pilipinas. I grew up in Europe but I prefer to stay here in the Philippines. European ang daddy ko at pinay ang mommy ko. I chose to stay here because of the people, they are full of positivity and they smile a lot kaya masaya ako dito bonus nalang ang pagkakaroon ko ng pogi at machong fiancee. I'm Rika Rae Belfante, owner of the Belfant Corp. I own coffee shop chains, hotel and restaurants, and mayroon na din akong resorts. I opened my first coffee shop when i was 15 years old because i just love coffee and here I am now at a young age I own lots of businesses . Though I belong to a family who owns a multi-billion business empire sa buong mundo I prefer to live a low profile. I want people to love and like me not because I'm rich but because I'm competent. I was expecting na pagbaba ko sa building ay makikita ko ang pinakamamahal kong fiancee pero wala ito para sunduin ako, naisip ko nalang na baka sobrang busy din niya sa trabaho. His family are also business owners. They own a ranch, a flower plantation and a coffee plantation. He is Jake Rhodes. He is in charge of their coffee plantation. Newly appointed CEO siya ngayon kaya sobrang busy niya these days. Nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi pa din niya sinasagot ang tawag ko. I dialled again and he answered it. "Hi hon, sorry nakatulog ako kaya di kita nasundo" bungad agad niya na parang inaantok pa. "I'ts ok hon, are you still in your office? Can I come? I really miss you and wanna see you" malambing kong sabi. "It's not the right time hon sorry pero sobrang dami kong gagawin, see you tomorrow for breakfast?" "Ok" I answered at binaba ko na ang tawag. I opened my phone and message my girl friends sa GC namin. Rika: Who wanna come with me for dinner? My treat. Mira: May business meeting ang boyfriend kaya nanlilibre? Kaye: Ikaw nalang ang sumama samin. Dinner tayo then bar tayo? Rika: Hindi ba kayo nagsasawa sa kakabar? Mira: Sama kana dali hanap tayo ng ipapalit natin dyan sa boyfriend mong kj. Kaye: Sasama kaba samin oh mag isa ka? Friday naman ngayon walang pasok bukas. hahahhaha Rika: Oo na sige nah sasama na para may kasama lang mag dinner. Mira: At maghahanap na din ng kapalit ng boyfriend mong laging busy sa mga kabit niya joke. They are my childhood bestfriends and they decided to stay in the Philippines when they visited me once. May mga pagkakulit sila at ayaw na ayaw nila kay Jake. Mga party animal din sila, well kame but eversince naging boyfriend ko si Jake hindi na niya ako pinapayagan na sumama sa mga gimik at party with my friends kaya ayaw nila sa kanya at ang dami daw bawal daig ko pa daw ang magmamadre. Babaero din daw ang boyfriend ko sa dami ng nababalitaan nila but hindi ko pa naman siya nahuhuli kaya hindi pa din ako naniniwala. I believe he is my soulmate, madami naman akong naging karealsyon sa Europa pero sa kanya lang ako na inlove. He already proposed 5 months ago and we decided to get marry once stable na ang posisyon niya sa company ng family niya. Umuwi ako para makapagrefresh at pumili na rin ako ng maisusuot. I was trying to call Jake para magpaalam but then nakapatay na ang phone niya kaya hinayaan ko nalang. I just sent him a message that I'm going out with the girls at wala man lang siyang reply. Lately ay parang nanlalamig na siya at wala na rin siyang panahon sa akin. He always made time for me before kahit gaano man ito ka busy and I also make time for him kahit madami akong trabaho sa company ko. Binalewala ko nalang ang iniisip ko dahil ayokong magkaroon ng doubt sa relationship namin baka sadyang busy lang siya sa trabaho niya. After our dinner we end up at Alcatraz, the most famous resto bar for the rich people at pati na rin sa mga feeling rich and sa mga social climbers hoping to hook up with a rich bachelor. It's the biggest bar in town, sa groundfloor ay nandoon ang bar at dance floor, sa labas nito ay mayroong garden and swimming pool. Sa taas ay kung nasaan ang mga VIP at ang mga may gold cards lang ang nakakapasok sa parteng ito ng bar. You need to pay for a membership to avail the gold card. Sa floor na ito din matatagpuan ang malaking terrace overlooking the view ng malaking swimming pool. Lastly sa second floor kung nasaan ang mga private rooms na pinasadya para sa mga super VIP na mga kaibigan ng may-ari. Mayroon din itong rooftop na tintambayan ng mga ito. "Why are we here? I thought marami kayong ibang bar na pinupuntahan? Why here? Dito niyo lang pala ako dadalhin di dito na rin sana tayo ngdinner para dina din ako gumastos ng malaki." naboboring na tanong ko sa kanila. "Alam mo namang patay na patay yang si Kaye kay Daniel eh natural dito ang bagsak natin" nakangiting sabi ni Mira referring to Daniel, the owner of this place. "Look whose talking! Samantalang ikaw ang nagpumilit na pumunta dito dahil nakita mo sa i********: ni Chris na umuwi silang lahat ngayon sa Pilipinas! Asa ka pang papansinin ka nun baka nasa eroplano palang yun eh may nakapulupot ng sawa dun" kantyaw ni Kaye kay Mira. "Na friendzone na nga kayo ng mga yun dipa kayo naka move on. There are so many fishes in the ocean, you just need to go fishing" nakangiting sabat ko sa pagkukulitan nila. "Yeah! Yeah! Like you! Kaso kung saan fishpond ka lang ata namingwit at hito ang nabingwit mo hhahahaha" malakas na tawang ng nang aasar na si Kaye. "Kaya nga eh. Hon don't do this, don't do that, don't go there don't don't don't. Yun nalang lagi ang lumalabas sa bibig ng Jake na yun ang sarap dutdutin ng mga mata nun para lumaki naman ng konti ang singkit na mata nun at ng matauhan kung sino ang babaeng nagayuma niya. Aba tinalo pa ata si tito sa pagiging strikto pagdating sayo. Samantalang siya hindi mo man lang pinagbawalan baka nga he's digging someone's hole right now since you won't let him dig yours" mahabang pang aasar ni Mira. "Why napunta na naman sa akin ang usapan? Badtrip talaga kayo lagi nalang ako ang lagi niyong nakikita palibhasa wala kayong mga love life" reklamo kong sabi sa mga ito habang nakasimangot. "Stop na nga at baka masira pa ang gabi natin, go na call mo na si Daniel kayo naman ang sobrang close na dalawa" utos ni Kaye. Kinuha ko ang phone ko and dialled Daniel's number. Yes i personally know Daniel at hindi lang basta kilala he's a very close friend of mine. Magkababata kami. Our dads are bestfriends and also our filipina mothers so I didn't need to pay anything kapag nandito ako and I also own a room on the upper floor of this bar. "Hello Rae! To whom i owe this call? Himala at pinalabas ka ng asshole mong fiancee sa lungga mo?" bungad agad niya pagkasagot niya sa telepono. "As usual you owe it to the girls!" sagot ko at agad din niyang binaba ang tawag dahil papalapit na sila sa amin with his friends na parang bagong dating lang. "Hi girls! Nice to see you all here at mabuti nahila niyo si Rae sa hitong yun." nakangising bati ni Daniel. He prefer to call me with my second name dahil mas maangas daw itong pakinggan. "You shut up Dani! Pati ba naman ikaw binubully ako?" nakasimangot kong sabi dito. "I'm not bullying you dear princess. I'm just stating the fact! How I wish isang araw mahuli mo siya para naman magising kana sa katotohan or maybe it's better kung mauntog ka na lang at magkaroon ka ng selective amnesia tapos paggising mo hindi mo na siya kilala!" natatawang sabi ni Daniel. "Hi girls! I'm Chris! Do you still remember me?" sabat ng isang lalaking may nakalingkis na babae sa baywang. Mukhang tumama nga si Kaye sa sinabi nito kanina kaya namn napasimangot nalang si Mira. Chris owns an Airline Company at kadalasan sa mga flings niya ay mga stewardess. "Ciao! I'm Roberto, you can call me Rob" pagpapakilala ng isa na may kasama ding sawa at busy sa pakikipagtukaan. Kitang kita na may lahi siyang Italyano dahil sa kulay green niyang mga mata. He owns the Moretti Brewery, ang pinakasikat na brewery company sa buong Europa. "Lucas here" tipid na sabi ng isa na parang bagot na bagot sa mga nangyayari sa kanyang paligid. I don't really know him personally but for sure isa rin siyang millionaire kagaya ng mga kasama niya. "I'm Frank! Nice to meet you all!" sunod na pagpapakilala ng isang mukhang french. His family owns a winery in Italy and France. Mayroon din itong kasamang sawa sa kanyang tabi. Sa kanilang mga magkakaibigan ay walang patapon. They are all tall, handsome at mga mayayaman, halatang batak din ang mga katawan nila sa gym. They have everything a woman could wish for but like the saying says, nobody is perfect. They love to be with women but they hate commitments. Mas nagtatagal pa nga ata ang mga business partnerships nila with other people kaysa sa mga flings nila. I excused myself and went to the balcony to smoke, matagal tagal na din akong hindi nakakatikim ng nicotine. I was looking at the people partying sa swimming pool when something caught my attention. I saw someone hungrily kissing a girl. Nakatalikod ito sa akin kaya likod lang nito ang nakikita ko pero parang likod ni Jake ang nakita ko. Pababa na sana ako to confirm kung siya nga ang nkita ko ngunit may biglang humarang sa dadaanan ko. "Going somewhere princess?" nakangiting tanong ni Lucas. "Yeah, i thought I saw someone I know" sagot ko agad sa kanya at magmamadali na sanang aalis ng may sinabi pa rin siya. "Your womanizer fiancee maybe?" "You don't know anything" i said at sinimangutan siya. "Yun ang akala mo" he said na halos hindi ko na narinig dahil nagsindi na rin siya ng yosi niya at sinindihan na din niya ang yosi ko kaya hindi na natuloy ang pagpunta ko sa baba.. We both smoked quietly at bumalik na sa loob kung nasaan ang mag iba pa. Hindi pa din mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Is Jake really busy working in his office or busy with someone? Kaya ba wala na siyang time for me? Kaya ba hindi na kami madalas magdate dahil may inilalabas na siyang iba? Tama nga kaya ang mga kaibigan ko na hindi pa din siya tumitigil sa pagiging womanizer? I'm being paranoid at kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko but I tried not to think of him and enjoy the company of my friends and new friends dahil baka matagalan na naman bago ako makalabas kasama nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD