CHAPTER 17: L'hymne à l’amour

1553 Words
Dinala ako ni Gail sa Marketing Department kung saan ako magtatrabaho. Binigyan lang ako nito ng mga documents na kailangan kong basahin at pag-aralan saka ito umalis dahil may meeting pa raw sila kasama ng mga executive officers. “Hi, I’m Leila, nice to meet you.” Sambit ng isang magandang babae na nakaupo sa katabi kong table, palangiti ito at masiyahin. Ngumiti rin ako saka nagpakilala rito. “I’m Cassandra, nice to meet you too.” Tugon ko rito. Sa tansya ko ay magkasing edad lang kami ni Leila, maputi, matangkad, bilugan ang mga mata at mapupula ang mga labi. Pra siyang literal na barbie doll dahil sa ayos at pananamit nito. May ilan din namang empleyado sa floor kung nasaan kami pero hindi na nagabala na magpakilala at makipag-usap sa akin. “So, anong relasyon mo kay COO Dominic Vallejo?” bulong nito, nilapit na nito ang swivel chair para lang maabot ako. Napangiwi ko sa tanong nito saka umiling. “W-wala.” Utal kong sagot, nanliliit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin na para bang hindi naniniwala sa sagot ko. “Nirecommend ka mismo ni COO Dominic tapos sasabihin mo wala kayong relasyon?” muling usisa nito, naiilang akong ngumiti saka muling sumagot. “Wala talaga, magkakilala lang kami kaya nirecommend niya ako.” Tugon ko, magsasalita pa sana siya pero hindi na natuloy dahil kapwa kaming napalingon sa likod nangmay magsalita. “Kayong dalawa, magchichismisan nalang ba kayo o magtatrabaho? Ikaw talaga Leila, First day palang nitong si Cassandra dinadaldal mo na, isa pa tigilan niyo na si Sir Dominic. Hindi niyo ba alam na kasal na iyon? May asawa na iyon kaya sorry nalang kayong dalawa. By the way I’m JC.” Sambit ng isang empleyado, may itsura si JC. Malaki ang katawan at balbas sarado kung hindi ko nga lang narinig kung gaano kaarte ito magsalita ay hindi ko aakalaing hindi babae ang tipo nito. Hindi nalalayo ang ugali kay Leila masiyahin rin ito at punong-puno ng positive outlook sa buhay. Sa wakas ay gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano, Ang bigat kasi ng pakiramdam ko mula nang magkakilala kami ni Harry at tumira ako sa manor, parang wala na akong pag-asang magkaroon ng matitinong kausap kagaya nila Leila at JC. Natatawa nalang ako sa sinasabi ni JC kay Leila, hindi ko alam kung maguguilty ba ako o mapa-flattered dahil hindi nila alam na ako yung pinaguusapan nila. “Um, Ano kayang itsura ng asawa niya? Sayang naman, kung nakilala ko lang sana si sir Dominic ng mas maaga baka may pag-asa pang ma-inlove siya sa akin.” Muling sambit ni Leila, tinawanan lang siya ni JC saka nirolyo ang mga mata rito. “As if, tumigil ka na nga dyan Leila bumalik kana sa trabaho.” Huling sambit nito saka umalis na, ngumuso lang si Leila saka humarap na sa laptop nito. Nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa ng mga documents na hawak ko. Mabilis na lumipas ang maghapon, wala naman akong masyadong ginawa dahi ito ang unang araw ko. Nagbasa lang ako at nagrevise ng ilang documents, alas-singko na nang magsialisan ang mga empleyado. Nagpaalam rin sa akin sila Leila at JC. Inayos ko muna ang mga folders at documents sa table ko bago tumayo. Napatingin ako sa bag ko nang marinig ang pagring ng phone ko. Agad kong kinuha ang phone saka tiningnan ang screen, nakarehistro rito ang pangalan ni Dominic. Huminga ako ng malalim baho iyon sinagot. “Hello?” “Where are you?” baritonong tanong nito. Napalunok ako sa tono ng boses nito, ano naman kaya ang kailangan nito ngayon? “Um, nasa office.” Tugon ko rito. “Are you planning to stay there all night? I’m getting older waiting for you outside.” Malamig nitong sambit, napaawang ang labi ko saka kinuha ang bag at tinungo ang lift. “Okay, pababa na ko.” Tugon ko rito saka pinatay ang phone. Is he mad? Sino naman ba kasing may sabi sa kanya na hintayin niya ako? Wala naman kaming usapan na sabay kaming uuwi a? Napailing nalang ko habang nakasakay sa lift. Hindi kaya may dual personality si Dominic? Minsan kasi parang ang bait niya sa akin, he even scold Beatrix dahil sa nangyari sa mall. Pagkatapos kanina, he insisted that no one should know about us inside the company. Paglabas ko ng building ay nakita ko na ang itim na maybach ni Dominic, ito rin yung kotse na ginamit namin kanina papasok dito sa office. Bumaba si Con para pagbuksan ako ng pinto sa backseat at tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaki na prenteng nakaupo doon at matiim na nakatingin sa akin, tumikhim ako bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. “Thank you Con.” Sambit ko sa lalaking nagbukas sa akin ng pinto, ngumiti lang ito ng bahagya saka sinara na ang pinto ng backseat at mabilis na umikot para sumakay sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan. Ramdam ko ang paninitig ni Dominic sa akin kaya hindi ko na napigilan na mapatingin rito. “How’s your work?” Tanong nito habang seryosong nakatingin sa akin. Tipid akong ngumiti saka tumugon rito. “Okay naman, mababait yung mga kasama ko sa Marketing department.” Tugon ko, tumango lang ito at hindi na nagsalita pa kaya binaling ko nalang ang tingin sa bintana. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, ang kalangitan ay nagkulay orange at dilaw na. Hindi naman masyadong traffic dahil maaga pa. Napansin ko ang direksyon ng papunta sa manor na nilagpasan namin, nangunot ang noo ko saka binaling ang tingin kay Dominic. “Saan tayo pupunta?” tanong ko rito, ngumiti ito ng bahagya saka nagsalita. “Are you hungry? We’re going somewhere to eat.” Aniya, somewhere to eat? Nawala ang kunot sa noo ko at ngumiti rito, ito palang yata ang pangalawang beses na kakain kami ni Dominic sa labas. May kung anong saya at excitement akong naramdaman.  Hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang Italian restaurant. Unang bumaba si Con saka binuksan ang pinto kung saan nakaupo si Dominic, pagkalabas nito ay inilahad niya ang kanyang kamay sa akin para alalayan ako sa pagbaba. Geesh! The-soft-caring-Dominic is here! I flushed. Saka inabot ang kamay nito at lumabas na ng sasakyan, napaawang ang labi ko sa ganda ng restaurant. Para akong nasa ibang bansa, may sinabi pa si Dominic kay Con na hindi ko na naintindihan o narinig pa dahil abala ako sa pagsuri sa ganda ng restaurant na kakainan namin. Pinulupot nito ang kamay sa baywang ko at iginaya ako papasok sa loob ng restaurant. Bahagya pa akong napasinghap dahil hindi ko iyon inasahan. “For public affection.” Bulong nito sa akin, his fresh breath and cologne lingers on my nose,I flush again. Oh my Yasmine! Anong nangyayari sayo? Pagkundina ko sa sarili. Sinalubong kami ng isang waiter at sinamahan sa table namin, pinaghila pa ako ni Dominic ng upuan saka ito ngumiti sa akin. Nang makaupo na ako ay umikot ito para maupo sa katapat kong upuan. The restaurant gives a western aur from the décor, to the tables and chairs and the music. The music sounds familiar, it’s a french music, baka isa sa mga napakinggan ko noong pinag-aralan ko ang tungkol kay Cassandra. She was very fond of french orchestra and old ballad songs, katulad ng pinapatugtog sa buong restaurant. “It’s Hymne à l’amour by Édith Piaf.” Narinig kong sambit ni Dominic, napaawang ang labi ko rito. Paano niya nalaman ang nasa isip ko? “How.. Did you.” “It’s all written on your face Cassandra.” He said casually and smirk. Kinuha nito ang menu na nasa table at saka muling nagsalita. “What do you want to eat Cassandra?” tanong nito. Tumikhim ako bago sumagot rito. “Pwede bang ikaw nalang ang umorder para sa akin?” Muli nitong inangat ang tingin sa akin saka tumango at tinawag ang waiter. “Two steak medium, fries and veggy on the side and two glasses of Chateau lafite 1869.” Aniya, habang ako ay nakatingin lang kay Dominic, the way he talk and the baritone voice of him leaves me in awe. His long and slender finger swaying in the air while commanding the waiter amazes me, this beautiful scupltured man is really my husband? Ano kaya ang masasabi ni Cassandra kung siya ang nandito? What would Cassandra feels when this set of brown beautiful eyes stare at her? Does her heart also pound when those pink thin lips landed on hers? “Cassandra.” I blink several times when I heard the baritone voice of Dominic. Goodness gracious Yasmine! Pinahiya mo nanaman ang sarili mo! “Do you like me Cassandra?” sambit ng lalaki sa harap ko saka ngumisi. Napaawang ang labi ko saka nagsalita. “No! I wouldn’t dare!” sambit ko rito, saka nirolyo ang mga mata rito. He’s smirking at me. Teasing me! “Really huh?” I hissed at him, dumating na ang waiter na may dala ng pagkain namin kaya binaling ko nalang ang tingin sa glass wall at sa mga taong dumaraan sa labas, mga sasakyan na unti-unti nang dumarami dahil rush hour na. “Let’s eat Cassandra.” Narinig kong sambit ni Dominic, lilingunin ko na sana ito nang may mahagip ang mata ko. Isang pamilyar na imahe ng isang lalaki na papatawid sa kabilang kalsada. Namutla ako at nanlamig, anong ginagawa ni Anthony sa lugar na ito? He supposed to be in the University at malayo ang school niya rito. Kaya nakakapagtakang narito siya. “Cassandra? What’s wrong?” Muling tanong ni Dominic, nakakunot na ang noo nito at binalingan rin ng tingin ang direksyon kung saan ako nakatitig. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD