“Kumusta si Yasmine?” Sambit ni Harry nang makalapit ito sa akin, lumapit ako sa pintuan ng ward ni Yasmine saka tumugon rito. “She’s okay now, hintayin nalang daw natin siyang magising.” Tugon ko rito saka naglakad papalapit sa bench na nasa gilid ng pinto at naupo, napahilamos ako ng palad ko dahil sa frustration na nararamdaman ko. “I saw her being scared and hopeless, muntikan na siyang mawala sa akin. Kung hindi ko.. kung hindi ko nabaril si Veron, baka wala na si Yasmine ngayon at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon kuya.” Halos nanghihina kong sambit, isipin ko palang na mawawala sa akin si Yasmine, para na akong mamamatay. Umupo sa tabi ko si Harry saka tinapik ang likod ko. “She’s okay now, huwag ka nang mag-alala. Sisiguraduhin kong hindi na makakalabas ng

