CHAPTER 15: Second First Kiss

1624 Words
Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako kay Dominic na maglalakad-lakad sa garden, tinanguan lang ako nito saka dumeretso sa libriary.  Ang garden ng mga Vallejo ang isa sa pinakapaborito ko, maraming bulaklak at mga puno rito. Ang gaan sa pakiramdam at nakakahinga ako ng maluwag, malaki ang garden ng manor, may mga bench din sa gilid at may malaking pond sa gitna. Aakalain mo ngang nasa isang malaking parke ka, muli kong naalala si nanay nang napatingin ako sa mga Camellia. Napakadami ng bulaklak ng Camellia dito. Mahilig din itong magtanim ng mga bulaklak ng Camellia at iba’t- ibang uri ng halaman, kamusta na kaya siya? Gustong-gusto ko nang makita si nanay. Si Anthony? Nasa university pa rin kaya siya?  “That’s my mom’s favorite flower.”  Napasinghap ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses, si Harry. Nakasuot parin ito ng three piece suit at nakapamulsa ang mga kamay sa trouser. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko.  “This is my mom’s garden, she used to plants different flowers and plants here but her favorite is this Camellia.” Tugon nito habang nakatingin sa mga bulaklak, inangat nito ang tingin sa akin at bahagyang nangunot ang noo nito, pero nawala rin at napalitan ng pag-ngisi. “You will never know what you’re capable off, if you didn’t try.” Aniya, saka lumapit sa akin ng bahagya at humarap sa pond. “Hindi ko inakala na ganoon mo kabilis mapapaikot si Dominic.” Dugtong nito, nangunot ang noo ko saka nagsalita. “Harry, pwede bang itigil na natin ‘to? Parang hindi ko na kaya.” Sambit ko, binalot ako ng takot nang lingunin ako nito. Madilim ang mukha nito at matatalim ang mga tingin sa akin. “We haven’t started yet, umaayaw kana? Hindi na ba mahalaga sa iyo ang buhay ng nanay at kapatid mo?” Malalim at baritonong sambit nito, para akong nawalan ng dugo at namutla. “Pinangako mo sa akin na wala kang gagawing masama sa nanay at kapatid ko.” Tugon ko, ngumisi ito saka humakbang ng bahagya papalapit sa akin na siyang kinaatras ko. “Your mother and brother’s life depends on your decision Cassandra.” Sambit nito, hindi ko na napigilan pa ang mapaluha dahil sa takot at pag-aalala. “Yung sinasabing boyfriend ni Cassandra, ikaw iyon hindi ba? Kung mahal mo si Cassandra bakit mo ito ginagawa sa kanya? Bakit mo siya ginagamit para sa sarili mong kapakanan? Kung buhay ba si Cassandra at siya ang nandito ngayon ganito rin ba ang gagawin mo?” Singhal ko rito. Bumaba ang tingin nito saka muling binaling ang tingin sa kung saan. “This is what we want, we plan this at ngayong wala na si Cassandra, ikaw ang magtutuloy ng lahat ng plano namin.” Napaawang ang labi ko at hindi napigilan ang pagtakas ng luha sa mga mata. Plinano nilang lahat ng ito? Si Cassandra? Hindi ako makapaniwalang magagawa niya’ng lahat ng ito. Palaisipan parin sa akin kung bakit kami magkamukha, pero kung totoong kakambal ko nga siya, paano siya humantong sa ganito?  “Uulitin ko Cassandra, na sa akin ang buhay ng nanay at kapatid mo, at ikaw lang ang magdedesisyon ng magiging kalagayan nila.” Muling sambit nito saka pumihit na para umalis. Napaupo ako at hindi na mapigilan ang humikbi, paano pa ako makakaalis sa sitwasyon ito? Ano nang gagawin ko?  Nang mahimasmasan ay pumasok na ako sa loob, pagbukas ko ng pinto nang kwarto nakita kong nakaupo si Dominic sa computer table nito at nakatutok sa laptop niya. Umupo ako sa couch at bumuntong hininga. “Are you alright?” Tanong ni Dominic, umayos ako ng pagkakaupo saka ito nilingon. “Kailangan ba talaga akong lumipat sa main office?” Tanong ko rito, nangunot ang noo nito saka tumugon. “Why? Hindi mo ba gustong malipat sa main office? Then what do you want to do?” Tanong nito, yumuko lang ako at hindi sumagot, tumayo si Dominic at lumapit sa akin. “It’s okay if you don’t want to work, I can provide everything you need. Pero baka maboring ka lang dito sa bahay isa pa, hindi ka pa nakakarecover, makakatulong sa’yo kung palagi mong gagawin ang mga bagay na ginagawa mo noon, mas mapapabilis ang paggaling mo.” Dugtong nito. Tumayo ako at hinarap ito, inangat ko ang tingin sa mukha nito saka nagsalita.  “I’m not Cassandra.” Sandaling natigilan si Dominic at nangunot lalo ang noo.  “What do you mean?” Tanong nito. Nagaalangan at nagaalala akong nakatitig sa mukha nito, hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko o hindi, gulong-gulo na ako. “Cassandra, what do you mean?” Ulit nito, sa huli ay niyakap ko si Dominic at umiyak. Hindi ko kaya, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nito, naramdaman ko ang pagkagulat nito kaya hindi ito kaagad nakagalaw at hinayaan lang ako na yakapin siya. “What’s wrong?” Tanong nito nang inangat niya ang mukha ko at hinanap ang mata ko. Umiling ako at hinawi ang kamay nito saka humakbang papunta sa banyo pero agad ring napako ang mga paa ko nang muli itong magsalita.  “You can tell me everything Cassandra, I’m your husband. Why won’t you tell me what was wrong?” Muling sambit nito, marahan akong humarap rito saka nagsalita. “I can’t Dominic, maybe someday when I’m ready to tell you everything. I wouldn’t expect you to see me the same way again, but please don’t force me to tell you everything right now.” Sambit ko rito. “Then don’t let me worry about you, don’t let me see you crying!” Tugon nito saka lumabas ng kwarto. Natigalgal ako at napatitig sa pintuan, bahagyang nakaawang ang labi ko dahil sa narinig. He cares about me? Why? Ilang minuto pa akong nakatayo at nakatitig lang sa pinto hanggang sa pagpasya akong maligo na at magpalit ng pantulog saka magpahinga. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito, I’m mentally tired dahil sa mga nalaman at narinig ko. Nahiga na ako sa kama pagkatapos pero wala parin si Dominic, hindi pa ito bumabalik. Nakatulala lang akocsa ceiling habang binabalik-balikan ang huling sinabi nito. Why does he cares for me? Imposibleng may gusto sa akin si Dominic, malinaw sa aming dalawa ang kontrata at hindi niya ako pwedeng mahalin. Hindi pwede dahil hindi ko deserved, at sigurado akong magbabago rin ang pagtingin niya sa akin kapag nalaman niya ang totoo.  Mariin akong napapikit nang maramdaman ang pananakit ng ulo, pumihit ako saka pinikit ang mga mata para piliting makatulog, hanggang sa lumalim na ang gabi pero hindi parin ako madalaw ng antok. Naiinis akong umupo sa kama at hinawi ang buhok saka nilingon ang computer table ni Dominic. Hindi parin siya bumabalik, nasaan kaya siya? Tumayo ako at kinuha ang night rob saka ito sinuot at naglakad palabas ng kwarto, sinilip ko pa ang labas ng pinto bago tuluyang makalabas, hinanap ko siya sa libriary, sa buong west wing pero hindi ko siya nakita hanggang sa mapunta ako sa bar area ng manor, nakaupo ito sa isang barstool at may hawak na baso ng matapang na inumin napansin ako ng katulong na naglilinis ng mga wine glass, tumango ito sa akin bilang pagbati. Nilingon naman ni Dominic ang direksyon ko saka ngumisi, sinenyasan niya ang katulong saka ito umalis sa bar area at naiwan kaming dalawa. Marahan akong lumapit rito at tumikhim, umupo ako sa katabi nitong upuan saka nagsalita. “I-I’m sorry.” Mahina kong sambit. Nilingon ako nito habang hawak ang baso, mapupungay na ang mga mata nito at namumula ang mga pisngi at tenga, senyales na lasing na siya. Kanina pa ba siya nainom? “For what?” He said with a low baritone voice. “For making you mad.” Sandali pa ako nitong tinitigan bago muling nilagok ang laman ng baso at nagsalin ng panibago, gustuhin ko man siyang pigilan sa pag-inom pero hindi ko magawa. Inabot nito sa akin ang baso na may lamang alak saka nagsalita. “Want to drink?” Tanong nito, umiling lang ako. Muli nitong ininom ang laman ng baso, napaawang ang labi ko sigurado akong sasakit ang ulo nito kinabukasan saka kinuha ko na ang baso at nilayo rito. “Tama na yan, may trabaho ka pa bukas.” Sambit ko rito. Ngumisi lang itong muli saka pinihit ang upuan ko, nakaharap ako ngayon sa kanya habang siya ay nakatungkod ang dalawang kamay sa stool na inuupuan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pero bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ako ng pag-init ng mga pisngi. “You said you’re not Cassandra, kung ganun sino ka?” Tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako, nagsisisi kung bakit ko ba nasabi iyon sa kanya. “Um, I mean. Hindi ako ang Cassandra na kilala mo, hindi mo pa ako nakikilala ng lubos.” Naiilang kong sambit rito. Kinagat ko ang ibabang labi ko, nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko. Ilang sandali pa itong tumitig sa akin bago nagsalita, hanggang sa bumaba ang tingin nito sa labi ko. Lalong kumalabog ang dibdib ko hanggang sa marinig ko na ang pagdagundong nito. Tumikhim ako saka sinubukang tumayo mula sa stool, pero hindi pa man ako nakakakilos ay mabilis na hinawakan ni Dominic ang dalawang pisngi ko at siniil ako ng halik. Ito ang unang beses na may gumawa sa akin ng ganito, naestatwa ako at nanlaki ang mga mata. Ang pait ng alak at mint mula sa bibig ni Dominic ay nalalasahan ko na, hanggang sa pilit nitong pinapasok ang loob ng bibig ko, kinagat pa nito ng bahagya ang ibabang labi ko dahilan para mapaawang ang labi ko at tuluyang itong makapasok, lalong naging mainit at malalim ang halik nito.  Halos maubusan na ako nang hininga sa ginagawa niyang pagaangkin sa labi ko pero hindi ko siya magawang maitulak hanggang sa siya na mismo ang kusang kumawala. Minulat nito ang mga mapupungay na mata saka ako tinitigan. We’re both panting. Binaba nito ang kamay na nakahawak sa pisngi ko at binaling ang tingin sa ibang direksyon. Lalong namula ang pisngi ko at mabilis na tumayo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD