CHAPTER 23 Tahimik lang ako habang nasa byahe, hindi parin mawala-wala sa isipan ko ang mga sinabi nito kagabi. He said that he love me, he confessed his feelings at hindi ko maitatanggi na may bahagi sa puso ko ang nagdidiwang nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Dominic. Pero may parti parin sa akin na natatakot na baka masaktan ko lang ito ng sobra, at baka hindi ko kayanin kapag nangyari iyon. "Are you okay? Ang lalim yata ng iniisip mo?" Bumalik ako sa realidad nang biglang magsalita si Dominic. Binalingan ko ito ng tingin saka ngumiti. "Yeah, I'm fine." Binalingan lang ako nitong muli saka kinuha ang kamay ko at marahan iyong hinalikan. Agad na nagakyatan ang dugo ko sa mukha at parang may nagliliparan sa tiyan ko. Buong byahe niyang hawak ang kamay ko habang nagdadrive.

