Nang lumabas ako ng building ay nadatnan ko si Cassandra na nakatayo sa may entrance at parang may hinihintay. I was about to call her nang makita ko si Harry na lumapit dito, seryoso ang kanilang mga mukha. Nangunot ang noo ko nang makita kong sumunod si Cassandra papalapit sa sasakyan ni Harry at sumakay rito. Where are they going? I tried to call her pero nakapatay ang phone nito, sa puntong iyon ay nilapitan ako ni Con. “Susundan po ba natin sila, Sir Dominic?” Tanong nito, tiningnan ko ito ng matalim saka tumugon. “No, let’s go home.” Malamig kong tugon rito saka ito naglakad papalapit sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. I keep on calling Cassandra’s phone pero nakapatay parin ito, hindi ako mapalagay at iniisip kung saan ito pumunta kasama si Harry. Dapat ba pinasundan ko

