Nauna akong pumasok kay Reese atsaka sabi ko sa kan'ya na hihintayin ko na lamang s'ya rito sa room. Habang nandito ako sa room ay hindi ko maiwasang kumuha ng litrato sa labas mula dito sa bintana ng room namin. Nagandahan naman ako sa mga kuha ko kaya ng mapagod ako kay umupo muna ako sa upuan ko at tinignan ulit ang mga litrato.
Habang tinitignan ko ang mga kuha ko ay napansin kong may nakatayo sa harap ko kaya napatingin ako at ito 'yong isa sa mga babae na nambu-bully sa'kin dito. Hindi ko alam na kahit pala sa college ay uso pa rin pala ang bullying. Mag-isa lang s'ya at may hawak s'yang orange juice.
"Alam mo, ikaw," galit na turo n'ya sa'kin. "Ang landi mo talaga 'no."
"A-ano? Sino naman ang nilandi ko?" nagtatakang tanong ko.
"Talagang nagmamaang-maangan ka pa 'no?" sabi n'ya at hinawi ang buhok n'ya. "Sino pa ba? Edi si Reo."
Nagtaka naman ako dahil hindi pa kami nag-uusap ni Reo. Unan kaming mag-usap ay nung pumunta kami ng rooftop at hindi na 'yon nasundan.
"Ha? H-hindi ko pa nga s'ya nakikita rito sa school---"
"Sinungaling!" sigaw n'ya sa akin kaya naputol ang sasabihin ko at nakaramdam ulit ako ng takot.
"Ba't ba kasi ayaw mo na lang sabihin na pati s'ya gusto mong makuha!" sabi n'ya kaya umiling ako.
"H-hindi... wala akong kinukuha sa inyo."
"Talaga lang ah?" sabi n'ya at binuhusan ako ng juice sa ulo kaya hindi ako nakakilos sa sobrang gulat.
"Althea!" rinig kong sigaw ng lalaki at napatingin na lamang ako sa taong humawak sa pareho kong balikat at nakita ko si Reo.
"Althea, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong n'ya sa'kin pero tinignan ko lang s'ya at tumungo.
"Stayce, ano bang problema mo?" galit na tanong n'ya sa baabeng nasa harapan namin.
"Reo, binalaan ko lang naman s'ya eh." naiiyak na sabi ni Stayce.
"Binalaan?"
"Oo kasi natatakot akong maagaw ka n'ya sa'kin."
"That's bullshit, Stayce!" sigaw ni Reo kaya nagulat ako sa sigaw n'ya. Kaya bumitaw s'ya sa akin kaya sinundan ko s'ya ng tingin at nakita kong lumapit s'ya kay Stayce at hinawakn s'ya sa magkabilang balikat. Halata naman sa muhka ni Stayce ang takot at gulat.
"Kahit kailan hindi ako naging pag-aari mo. Tandaan mo 'yan." malamig na sabi n'ya at binitawan si Stayce na tulala. Lumapit sa akin si Reo.
"Magpalit ka muna ng damit mo." nag-aalalang sabi n'ya. Niligpit n'ya ang mga gamit ko at kinuha ito. Inalalayan n'ya pa akong tumayo dahil halata pa rin sa akin ang pagkagulat.
Nang makarating kami sa locker room ay pumunta agad ako sa locker ko at kinuha ang extrang uniform ko at lumabas para hindi na maghintay ng matagal si Reo. Nagulat na lang ako ng makita ko si Reese na kausap si Reo at nang mapansing nakalabas na ako ay agad akong pinuntahan ni Reese at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Tara, magpalit ka na." sabi n'ya at inalalayan ako sa restroom.
Pagkapasok namin ay pinaghuhubad n'ya agad ako ng uniform ko kahit hindi pa ako nakakapasok sa cubicle kaya nagtaka ako.
"Babasain natin 'yang buhok mo." sabi n'ya. Nung una ay nag-aalangan pa ko pero dahil nanlalakit na rin ang buhok ko ay wala akong nagawa kundi hubarin ang pang-itaas kong uniform. Agad naman itong binasa ni Reese. Pagkatapos n'yang basain ang buhok ko ay binigay ko sa kan'ya ang extrang towel na nakuha ko sa locker ko at ginamit n'ya ito para hindi ganung tumulo ang tubig na galing sa buhok ko.
Nang mapunasan na n'ya ang buhok ko ay pumasok na ako sa malapit na cubicle at nagpalit ng uniform. Habang nagpapalit ako hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari. Wala naman kasi akong ginagawang masama pero gan'to nila ako tratuhin. Agad ko ring pinunasan ang mga luha ko at lumabas na nang cubicle.
Nag-aalalang nakatingin sa akin si Reese kaya nginitian ko. Nilagay ko sa paper bag ang mga damit ko at pati ang towel. Sinabi ko kay Reese na pupunta muna ako sa locker room para itabi ang paper bag at kukunin ko na lamang ito mamayang uwian. Pumayag naman s'ya at hinintay nila ako ni Reo sa labas.
Nang mailagay ko na ang paper bag sa locker ko ay agad akong lumabas at sabay kaming tatlong pumunta sa room. Kinukuha ko pa nga ang gamit ko kay Reo pero ayaw n'yang pumayag at sinabi n'yang s'ya na ang magdadala nito sa room dahil ihahatid naman daw n'ya kami.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay napansin ko si Janus na naka-upo sa pwesto ni Reese at nakatingin ito sa amin. Napunta sa iba ang atensyon namin ng makarinig kami ng sigaw.
"Ikaw!" galit na sigaw ni Vivian habang nakaturo sa akin at nagmamadaling lumapit sa akin.
Nang sasampalin n'ya ako ay bigla na lamang may yumakap sa akin at nakarinig ako ng malutong na sampal. Nang iangat ko ang paningin ko ay nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ito.
Si Janus. Si Janus ang nakayakap at nakahawak sa ulo ko. Kaya gulat na gulat akong napatingin sa kan'ya. Naramdaman ko na bumilis ang t***k ng puso ko.
"You okay?" baritonong tanong n'ya kaya nahihiya akong tumango at narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya.
Nang sumilip ako ay nakita ko si Reese na nakatalikod sa amin habang tumataas-baba ang balikat n'ya at nakatingin s'ya kay Vivian na nakahawak sa pisngi n'ya. Sa tingin ko ay ang pagsampal ni Reese ang narinig ko kanina.
Lumayo na sa pagyakap sa akin si Janus kaya tinignan ko s'ya.
"S-salamat..." nahihiyang sabi ko at tinanguan lamang n'ya ako at pinuntahan si Reese.
Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Reo at hinawakan ako sa siko.
"Let's go, ihahatid na kita sa table mo bago ako umalis." sabi n'ya at inalalayan akong pumunta sa table ko.
Nakita ko pa ang matalim na titig sa akin Stayce at ang mga kaibigan n'ya kaya umiwas ako ng tingin at tumungo. Nang makarating na ako sa table ko ay inilapag ni Reo ang bag ko at inalalayan akong umupo.
Pagkatingin ko sa harap ay nakita ko si Reese na namumula sa galit habang nasa tabi nito si Janus na nakahawak sa siko nito habang nakatingin kay Vivian. Napansin ko rin na nakatingin sa kanila ang lahat at walang gustong magsalita. Halata ay nanonood lamang kaya tinignan ko si Reo na nakatayo sa tabi ko.
"Reo..." mahinang tawag ko sa kan'ya.
"Hmm?" tugon n'ya at tinignan ako.
"Salamat." nakangiting sabi ko kaya pumamulsa s'ya at nginitian ako.
"I should go. See you later." sabi n'ya at nilabas ang isa n'ya kamay at hinawakan ang ulo ko at umalakad papaalis kaya tinignan ko lamang ang likod n'ya.
Nang makarating s'ya sa pwesto nila Janus ay tumigil ito at kinausap silang dalawa sabay tapik sa balikat ni Janus at umalis sa room. Sinundan ko lamang s'ya ng tingin. Nang tignan ko naman sila ay napalunok ako dahil seryosong nakatingin sa akin si Janus bago hinatak si Reese sa upuan nito.
"Bumalik na kayo sa mga pwesto n'yo!" ma-otoridad na sabi nito kaya lahat ay nagsi-ayos at nagsibalikan sa pwesto nila na parang walang nangyari.
Si Janus naman ay nakapamulsa at seryosong naglakad papunta sa table n'ya, sa tabi ko. Ako naman ay nakayuko lamang hanggang sa umupo ito sa sa tabi ko.
Walang ingay na nangyari hanggang sa mag-umpisa ang klase.
Nang magbreak time ay agad na pumunta sa pwesto ko si Reese na may dalang paper bag na hindi ko man lang napansin kanina.
Agad n'yang inurong papunta sa table ko ang upuan na nasa harap ko para makalapit sa akin at inilapag ang paper bag kaya agad ko namang nilabas sa bag ko ang dala kong baon pati tubig. Nang mapansin n'yang madami kaming pagkain ay agad n'yang tinignan ang katabi ko kaya napatingin ako kay Janus at nakita itong nakatungo sa desk n'ya kaya sinaway ko kaagad si Reese.
"'Wag mong gisingin. Baka magalit sa'tin 'yan." pananaway ko sa kan'ya. Kaya nginitian n'ya ako.
"Trust me, he won't." sabi n'ya at tinapik sa balikat si Janus.
"Ryzk..." tawag n'ya rito. Pero ayaw gumising.
"Ryzk." hindi pa rin, ni gumalaw ay hindi nangyari.
"Ryzk!" sigaw n'ya kaya agad itong tumingin sa amin kahit nakasubsob ang muhka n'ya sa desk.
"What?" inis na tanong n'ya habang nakakunot ang noo.
Ngayon ko lang napansin na makapal ang kilay n'ya, mahaba ang pilik-mata, brown ang mata, matangos ang ilong, mapula ang labi, defined jaw, magulo rin ang buhok nito na bagay sa kan'ya at nakadagdag sa kagwapuhan n'ya kaya napa-iwas ako ng tingin dahil napatingin s'ya sa akin at napa-inom na lamang ako ng tubig.
"Sumabay ka na sa'min kumain." nakangiting sabi ni Reese kaya tinignan ko si Janus.
"Tigilan mo ko, Reese, inaantok ako." naiinis na sabi n'ya at sinubsob ulit ang ulo sa desk para matulog ulit kaya sumimangot si Reese kaya nginitian ko na lamang s'ya.
"Okay---"
"I can join you." napatingin kami ni Reese sa nagsalita at nakita namin si Reo sa likod ni Reese na nakangisi. Kaya napapalakpak si Reese sa sinabi ni Reo.
"Okay!" nakangiting sabi nito at inilapit ni Reese ang upuan na nasabi tabi papunta sa desk ko.
"Umupo ka na lang dito, Reo." nakangiting sabi n'ya kay Reo kaya umupo agad si Reo sa tabi ni Reese. Inayos agad ni Reese ang pagkain namin ng maramdaman kong gumalaw ang katabi ko kaya napatingin ako sa kan'ya at nakita kong nakasimangot ito at naka-krus ang mga braso sa dibdib n'ya. Halatang naiinis ito.
"Sorry..." sabi ko sa kan'ya kaya napatingin s'ya sa akin at tinaasan ako ng isang kilay.
"Nagulo namin ang pagtulog mo." sabi ko kaya bumuntong-hininga s'ya.
"Ryzk!" sigaw ni Reese kaya napatingin ako sa kan'ya at nakita kong nakangisi ito.
"Sumabay ka na kasi sa'min. Hindi naman 'to nakakamatay." nakangising sabi n'ya kaya tinignan ko si Janus at nakita kong bumuntong-hininga ito at tumango kaya tinignan ko si Reese na nakangiti at tuwang-tuwa dahil napapayag n'ya si Janus.