Chapter 22
"Manager, I'm really sorry po. Papasok po ako, promise. Late lang po. Sorry po talaga!" I rambled over the phone.
"Bilisan mo lang, Kyomi. Maraming customer ngayon," malamig na sagot ni Manager.
He ended the call immediately. Halos ihagis ko ang phone sa kama kung nasaan naroon si Susie. She barked at me because of that. Aba, attitude na itong alaga ko?
Kumuha agad ako ng damit at dumiretso na sa banyo. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover pero kaya pa naman. Naabutan kong nagkakape si Jairo sa kusina. Maluwang ang pagkakatali ng kanyang buhok kaya may ilang hibla ang nalalaglag sa gilid ng kanyang mukha.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. Kumuha ako ng tubig sa galon ng mineral water at uminom muna.
"Papasok ka?"
"Uh, oo."
"Mag-almusal ka muna. Ipagtitimpla kita ng kape—"
"Huwag na! Mali-late na ako."
Dumiretso na ako sa banyo at halos limang minuto lang yata naligo. Nakasuot na ako ng cycling at polo shirt nang lumabas. Halos takbuhin ko pa ang patungo sa daan kaya natisod pa ako.
"Dahan-dahan. Bakit ka ba nagmamadali?" Lumapit sa akin si Jairo na nakakunot ang noo.
"Late na nga, 'di ba?" medyo iritable kong balik.
He raised his hands on the air. "Oh, kalma. Galit agad. Side effect ba 'yan ng alak sa 'yo?" He smirked.
Umirap ako at dumiretso na sa kuwarto. Halos sabunutan ko ang sarili habang nagbibihis ng slacks. Bakit ganoon umakto ang isang 'yon? Parang wala lang? Parang hindi natulog dito sa tabi ko kagabi, ha?
Uminit ang pisngi ko nang maalala na naman iyon. Hindi ko alam kung paanong nakatulog ako at nagising na lang na nasa tabi ko siya at ako pa talaga ang nakalingkis sa kanya! And who changed my clothes? I can't remember if I did it myself!
Tapos hindi pa tumunog ang alarm ko. Maybe it rang but I didn't hear. Late tuloy ako.
"Bye, Susie! Behave, ha?"
Tinahulan niya ako bago nagtatatakbo sa loob ng kuwarto. Hay naku. Kung hindi ko lang mahal ang asong 'yan, e.
Bumaba na ako at naabutan ulit si Jairo na nanonood sa sala. Nakabuka nang malawak ang mga hita niya at nakahalukipkip. Nang makita niya akong bumaba ay agad siyang tumayo.
"Alis ka na?"
Umirap ako. "Ay, hindi. Uuwi ako, Jai. Nandito ako sa bahay kaya uuwi ako, e," I sarcastically said.
He chuckled and went near me. Yumuko siya at agad akong hinalikan sa pisngi.
"Kyot mo pa rin kahit nagsusuplada. Sige na... umalis ka na. O baka gustong mong ihatid pa kita?" Ngumisi siya.
"Tss..."
He pinched my cheeks and smiled. "Anong oras out mo? Susunduin kita. Date tayo pagtapos ng duty mo."
Bahagyang nanlaki ang mata ko. "T-talaga? Ngayon tayo magdi-date? Alas dose ang tapos ko mamaya."
He pursed his lips as if supressing his smile. "Yeah. Sunduin kita."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Hinalikan niya muna ako sa noo bago ako tuluyang umalis ng bahay.
My mood immediately brightened up because of that. Hindi ko na nga pinansin na pinagalitan ako ni Manager sa unang pagkakataon dahil sa pagiging late noong makarating ako sa CB.
Inayos ko agad ang apron at cap ko bago naglinis. Panay ang lingon sa akin ni Luhan mula sa counter at nang hindi na napigilan ay nilapitan na ako.
"Pinagalitan ka ni Manager? Bago 'yon, ah?" bulong niya.
"Ayos lang. Normal lang naman magalit dahil late ako," simple kong sagot.
"Hindi, e. Alam mo, napapansin ko lang, ah... parang sumusungit na si Manager. Noong nakaraan, pinagalitan ako kasi hindi ko raw nalinis nang maayos ang staff room? Ay wow. Naging janitor na talaga ako," aniya at tumawa.
Tumawa rin ako bago umiling. Iniwan niya na akong naglilinis nang may pumasok na ilang customer.
Natigilan ako sandali sa paglilinis nang may naisip. Sa totoo lang, ubos na talaga ang pera ko. Sa Lunes pa ang sahod ko dapat pero baka naman puwedeng mag-advance na? Kaso natatakot akong kausapin bigla si Manager. Ang init ng ulo sa akin, e.
Tumunog ang windchime. Nilingon ko agad ang pumasok na customer at binati. Pinagmasdan ko siyang parang reyna na naglalakad sa kanyang kaharian. Matangkad, maganda, mukhang sopistikada at...
My eyes windened when she removed her shades. Ngumiti siya sa akin at pinakita ang mapuputing ngipin.
"Hi! Do I look dashing to you?"
Kumunot ang noo ko at napailing sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito, Dona?"
"Baka maghahanap ng fubu sa coffee shop?" Ngumisi siya at naglakad patungo sa isang table.
Bumuntong hininga ako at sinundan siya. Nakapatong ang kanyang Louis Vuitton bag sa mesa at nakahalukipkip.
"Dona, ano nga? Huwag mong sabihing napadaan ka lang dito para magkape dahil hindi ko bibilhin ang rason na 'yan. Bumiyahe ka na naman ng ilang oras—"
She chuckled so I was cut off. "Chill, Kyo. Napadaan talaga ako rito dahil bumili ako ng condo unit malapit dito. I didn't even expect you're here!"
"Weh?" I raised my brow.
Tumingin muna siya sa paligid at sinenyasan akong lumapit. Yumuko pa ako nang bahagya dahil bumubulong siya.
"Tinakasan ko si Dad," aniya at humalakhak.
"Huh? Bakit?"
Nagkibit siya ng balikat at umikot ang bilog ng mga mata. "Naiirita na ako, e. Minsan na nga lang umuwi ng bahay, para pagalitan pa ako? Duh. Sana ay hindi na siya umuwi."
Huminga ako nang malalim. Hindi ko puwedeng sabihing umuwi na siya dahil ako nga, hindi umuuwi sa amin kahit pa sabihan niya. Siya pa kaya?
Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Buti nga at um-order naman siya ng frappe kahit paano. Akala ko ay tatambay lang ditto.
"Pst, Kyo. Kilala mo 'yong babaeng maganda? 'Yong kausap mo kanina?" tanong ni Luhan habang nasa likod ng counter.
"Ah, oo. Pinsan ko."
"Ganda, ah? Pakilala mo naman ako," aniya habang sumisilip sa pinsan ko.
Tumawa ako at bahagya siyang tinapik sa braso bago umiling. "Huwag mo nang subukan. Sasaktan ka lang niyan."
Kumunot ang noo niya sa akin. "Grabe ka naman sa pinsan mo. Ba't mo sinisiraan agad?"
"Oy, hindi, ah. Binabalaan na nga kita—"
"Anong pinag-uusapan niyo riyan? Magtrabaho na kayo, Luhan, Kyomi."
Napalingon kami kay Manager na kalalabas lang ng kanyang opisina. Masama ang tingin niya sa aming dalawa kaya naman bumalik na kami sa trabaho.
What is his problem?
Nakita kong tumayo na si Dona sa kanyang puwesto at kinawayan ako. I nodded my head as she went out of the shop.
Pagdating ng alas onse ay nagugutom na ako. Hindi naman ako makakain dahil natatakot na kay Manager na panay ang labas sa opisina at sinisilip kami.
Nabuhayan ako ng loob nang makita ang kapapasok lang na customer. Nakangisi agad si Jairo habang lumilingon sa paligid. Nakasuot lang siya ng simpleng itim na polo shirt at maong pants pero umaangat talaga ang kakisigan.
Kumaway ako agad at ngumiti sa kanya. Lumapit siya sa akin kaya binitiwan ko muna ang hawak na tray sa may counter.
"Ang aga mo," bungad ko.
Ngumuso siya at pinasadahan ako ng tingin. Gamit ang likod ng kanyang palad ay pinunasan niya ang gilid ng mukha ko hanggang leeg. Umiwas ako agad.
"Ah! Upo ka na muna roon. Malapit nang matapos ang duty ko." I smiled.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Ako na lang kaya muna ang maglinis? Pagod na pagod ka na, e."
Tumawa ako nang alanganin. "Sira ka ba? Hindi puwede 'yon. Doon ka na nga..." Bahagya ko pa siyang tinulak sa balikat.
"Tulungan na lang kita? Ano bang gagawin mo? Maglilinis? I'll clean the tables for you." Sabay lingon niya sa mga mesa.
Napalunok ako nang makitang nakatingin sa amin ang ilang katrabaho. Lumayo ako kay Jairo.
"Hindi na—"
"Kyomi!"
Napatalon ako at napahawak sa dibdib nang marinig ang sigaw ni Manager.
"Po, Manager?" Napataas tuloy ang boses ko sa gulat.
Jairo held my hand. Napatingin si Manager sa kanya at bumaba pa sa kamay naming magkahawak. Sinubukan kong tanggalin pero nilapit niya ang bibig sa aking tainga.
"Manager mo 'yan? Sabihin mo kung pinahihirapan ka, ah. Resbakan ko," he whispered and chuckled.
Bahagya akong tumawa at lumayo dahil nakiliti sa pagbulong niya.
"In my office, Kyomi," ani Manager at tinalikuran kami.
Ngumuso ako kay Jai. Ngumisi lang siya sa akin.
"Ayan, pagagalitan yata ako."
"Kapag pinagalitan ka, sabihin mo suntukan na lang kami."
Tumawa ako at sinuntok siya nang mahina sa braso. "Doon ka na nga!"
Napawi ang ngiti ko pagpasok sa opisina ni Manager. Seryoso at madilim ang kanyang mukha nang harapin ako. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri.
"Bakit niyo po ako pinatawag?"
"Boyfriend mo 'yon?" parang galit pa niyang tanong.
Pansamantala ko siyang tiningnan. Why would he ask that, anyway? That's kinda personal.
"Ah, e..." Bahagya akong tumungo, hindi sinagot ang tanong.
Halos ihagis niya sa kung saan ang hawak na papel.
"Kanina, late ka na. Tapos ngayon, nakikipagharutan ka sa boyfriend mo sa oras ng trabaho?" he fired coldly.
Natutop ko ang aking bibig at natahimik. Hindi na ako nagsalita dahil hindi ko naman kayang ipagtanggol ang sarili ko kasi tama naman siya.
"Sorry po. Hindi na mauulit."
"Talagang hindi na mauulit 'to, Kyomi. Sa susunod na ma-late ka at mahuli ulit kasama ang boyfriend mo habang nasa trabaho, tatanggalin na kita rito. Naintindihan mo ba?"
My eyes welled up immediately and I bit my lip. Tumango ako nang hindi siya tinitingnan. Bakit naman tanggal agad? First warning pa lang sana. Sobrang laki bang kasalanan ang nagawa ko?
I won't do it again. Ayokong mawalan ng trabaho. Kung kailangang magpa-impress ulit ako, gagawin ko. I can't afford to lose this job.
Bagsak ang balikat na lumabas ako roon. Parang ang bigat sa dibdib magtrabaho pero inayos ko pa rin. Ngumiti ako nang makita ang titig sa akin ni Jairo. May in-order siyang kung anong pastry pero mukhang hindi pa nagagalaw.
Nagmadali akong magpalit ng damit nang matapos ang duty. Mabuti na lang talaga at may extra akong damit lagi rito sa locker. Pero kapag sa school, nagdadala lang ako kapag alam na may gagawin kami sa P.E.
Pasimple kong inamoy ang polo shirt na ginamit at bahagyang ngumiwi. Amoy pawis talaga.
"Huy, ginagawa mo?" tumatawang tanong ni Diana nang pumasok siya sa staff room.
"Diana, may pabango ka?"
"Huh? Meron naman. Kaso mumurahin lang 'to, ha."
"Okay lang. Pahingi."
Inabot niya sa akin ang pabango niya. Pinunasan ko muna ang pawis ko bago nag-spray sa leeg at damit. I returned it to her and said my thanks. Lumabas na ako agad dala ang bag.
Tumayo agad si Jairo nang makita ako. Ngumiti ako at nilapitan siya.
"Kain muna tayo. Saan mo gustong kumain?"
Umakbay siya sa akin at tinulak ang pinto palabas. Pinalibot ko ang kanang braso sa kanyang baywang at tiningala siya.
"Punta ba tayong mall?"
"Saan mo ba gusto? Sa park ulit?" He chuckled a bit.
"Sumagot ka nga nang maayos. Nagtatanong, e." I pouted.
Kinurot ko siya nang bahagya sa baywang. Kinagat niya ang kanyang labi at nilapit pa ako sa kanya.
"Sa mall tayo. Nang makaranas naman na ka-date ang girlfriend doon," medyo natatawa niyang wika.
Pumara siya ng jeep. Nauna akong sumakay at sumunod naman siya. Hinawakan niya agad ang kamay ko at ipinatong sa ibabaw ng kanyang hita.
"Bakit? Ngayon ka lang ba makikipag-date? I saw you last month in the mall..."
"Ngayon lang ako makikipag-date sa girlfriend kako. Hindi naman date ang kung ano mang nakita mo noon. Kliyente lang. Nagpasama," sagot niya.
"Bakit parang date?"
"Hindi." Lumabi siya at nilapit ang mukha sa leeg ko.
Uminit ang pisngi ko at napalingon sa ibang pasahero. They're looking at us.
"Ang bango mo, ah? Nagpabango ka?"
"H-huh? Hindi, ah." Sabay iwas ko ng tingin.
"Hindi, e. Iba kaya ang amoy mo kapag walang pabango. Amoy sabon ng baby," aniya at humalakhak.
Pinandilatan ko siya ng mata. Pinisil niya ang pisngi ko at hindi na nagsalita pa. Mabuti nga at malapit lang din itong mall kaya nakarating kami agad.
"Kain muna tayo. Huwag kang mag-alala, sagot kita ngayon." He winked at me and pulled my hand.
"Saan tayo kakain?"
Hinila niya ako palapit sa kanya at inakbayan.
"Gusto mong mag-restau? Medyo galante ako ngayon."
Tumawa ako. "Weh? Sige nga! Doon tayo sa pinakamahal."
He laughed, too. "Patay tayo riyan."
I playfully pinched his sides. "Kala ko ba galante ka?"
"Oo nga. Halika, roon tayo sa KFC."
Ngumiti ako at nagpatianod sa kanya. Wala namang kaso sa akin kahit saan, basta kasama siya at mabusog kami. Pumunta nga kaming KFC kaya inasar ko siya.
"Akala ko pa naman galante ang boyfriend ko ngayon," kunwari'y nagtatampo kong sambit.
Humalakhak siya habang umuupo kami sa pang-apatang mesa.
"Sorry, bebe. Ipon muna tayo bago restau." He smirked. "Anong gusto mo? Chicken?"
I nodded like a child. "And white spaghetti. Iced tea ang drinks pero walang yelo, ha?"
"White spag ka pa riyan, carbonara din 'yon. Saka bakit ayaw mong may yelo ang iced tea? E 'di tea lang 'yon."
"E, ayaw ko nga, e. Saka pala, gusto ko rin ng fries nila. Puwedeng may side din ang chicken? Soup na lang, please. Thank you!" I smiled cutely at him.
Napailing siya habang ngumingiti. "Baka may idadagdag ka pa, Madam?"
Umiling ako at nagpangalumbaba. Tumango siya at dumiretso na sa may counter. Habang wala siya ay nag-f*******: muna ako. Ngayon ko lang napagtanto, hindi ko pa pala siya friends doon. Hindi tuloy kami makapag-chat sa messenger.
"Jai, what's your f*******: name?" tanong ko nang makabalik na siya dala ang order namin.
Dalawang tray iyon. Puno pareho. Naglaway agad ako kaya dumampot ako ng isang fries at kinagatan. Kumuha rin ako ng isa at sinubo sa kanya.
"Full name ko. Bakit? Ia-add mo ako?"
"Siyempre! Accept mo ako, huh?"
He nodded. "Sige. Mamaya ka na mag-phone sa bahay. Kumain muna tayo."
We were just talking about random stuffs while eating. I asked him about his favorites, hobbies and other whatabouts. Ang korni lang dahil ang tanong ko sa kanya, tanong niya rin sa akin. Hindi man lang nag-iba ng tanong.
O baka ganoon talaga ang mga lalaki?
"Saan tayo next?" tanong ko nang matapos kami kumain. I'm so full!
"Sa langit. Sama ka?" he joked and I rolled my eyes. "Nakakatawa talaga ang mukha mo kapag umiirap. Nawawala ang itim sa mata." He laughed.
"Kakatawa 'yon?"
"Hindi. Lika na nga. Nood tayo sine."
"Sine? May maganda bang panoorin ngayon?"
Tumango siya at ngumisi. Dahil ako naman itong kaladkarin dahil libre niya, sumunod lang ako sa kanya. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Tumitigil lang ako minsan kapag may nakikitang cute na damit sa nadaraanang botique.
"Aw, that stuff toy is cute! Kamukha ni Susie!" Tinuro ko ang nakita sa isang toy shop at tumawa.
"Mas kamukha mo 'yon, oh," aniya at tinuro ang isang baboy na stuff toy.
I glared at him. Tumawa siya at hinatak ako palapit sa kanya.
He bought tickets of whichever movie he picked. Ayaw pa ngang sabihin at ibigay ang ticket sa akin. Baka SPG 'yon, ah? Ayaw ko pa naman sa madugo!
He also bought one extra large bucket of popcorn and two drinks. Inabot niya sa akin ang popcorn at isang drink. Sinimangutan ko siya.
"Katatapos lang natin kumain, e. Sana 'yong maliit na lang."
"Kunwari ka pa. Ikaw rin uubos nito mamaya."
Mas lalo ko siyang sinimangutan. Pumasok na kami sa loob ng sinehan. At ang bobo lang dahil hindi ko man lang nakita kung anong pelikula ang nakalagay sa labas kung saan kami pumasok!
"Hey, siguraduhin mong hindi 'to SPG ha. Ayaw ko sa brutal."
Tumawa siya. Nilamig agad ako nang makapasok kami dahil wala pa masyadong tao. Mabuti at hindi kami malapit sa screen dahil naduduling ako madalas kapag ganoon.
Natapon kaunti ang dala kong popcorn nang matisod sa hagdan. Ang walang hiyang Jairo, tinawanan pa muna ako bago inalalayan. Buti at wala masyadong tao sa may puwesto namin.
"Ang dilim kasi. 'Di pa naman start, wala nang ilaw."
"Sshh... lampa ka lang talaga," bulong niya at tumawa habang paupo kami.
"Oo tapos lagi mo akong inaasar, ano? Kainis."
Nilagay ko sa pagitan namin ang inumin ko habang hawak ang bucket. Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi gamit ang isang kamay bago pinisil iyon. He laughed when I probably looked like a fish.
"Nganga," utos niya habang hawak pa rin ako sa pisngi.
Inuutusan pa ako, e, nakabuka na 'tong bibig ko? Tumawa siya lalo nang salpakan niya ng popcorn ang bibig ko.
"Nguya," utos niya ulit.
What the? Tinapakan ko nga siya sa paa. Kung anu-ano ang inuutos!
"Wala na?" He raised his brow.
Humalukipkip ako at sinamaan siya ng tingin.
"Nganga ka ulit, dali," natatawa niyang ulit.
"Ayoko na, Jai! Nakakainis ka, ah. Pinagti-trip-an mo ako?"
"Hindi. Buka mo nga ang bibig mo. Awang mo lang dali," he insisted.
Para matigil na sa kalokohan, sinunod ko na siya kahit labag sa kalooban. Nilagyan niya nga ako ng popcorn sa bibig ko. Pero bago ko pa iyon isara para nguyain, sinibasib niya na ng halik ang labi ko.
Uminit ang pisngi ko nang maramdaman ang malambot at mainit niyang dila na halos gumalugad sa loob ng bibig ko. Pumikit ako at napahawak sa kanyang braso nang bigla siyang humiwalay sa akin.
Suminghap ako para humagilap ng hangin. Dumilat ako at nakita siyang ngumunguya habang nakangisi sa akin. Nanlaki ang mata ko nang matanto kung anong ginawa niya.
"Sarap pala kapag ganito kainin ang popcorn. Ubusin na ba natin?"