Chapter 39 Tumikhim ako at inayos ang bahagyang nagusot na damit at nagulong buhok. Tumayo siya matapos kunin ang bag sa tabi ko at naglahad ng kamay sa akin. I accepted his hand and he pulled me to stand up. Umiwas ako sa nakapapaso niyang mga tingin at muling tumikhim. "T-tara na," anyaya ko. "May panali ka ng buhok?" Lumapit pa siya sa akin. Napaatras ako at nag-init ang mukha. Kinuha ko mula sa wallet ang dalawang pirasong sanrio at iniabot sa kanya. "Talikod ka. Tatalian ko ang buhok mo. Sabog na" Humalakhak siya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tinulak sa balikat. "Well, it was you who ruined my hair while we were having MOMOL!" Umawang ang labi niya at nangislap ang mga mata. Umirap ako at tinalikuran siya para matalian niya ang aking buhok. "Where did you even get tha

