Chapter 35 "Tayo na lang ulit, Kyo." Para akong bangkay na nakahiga sa kabaong dahil sa paninigas. Hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko kanina pero ngayong inulit niya, umusbong muli ang galit sa dibdib ko. Kami na lang ulit? Ano 'yon, speed lang? Ulit? Bumalik lang siya matapos nang ilang taon tapos nagkausap lang kami, iyan na ang hihingiin niya sa akin kapalit ng p*******t niya noon? At hindi ba ay may girlfriend na siya? Nagngitngit ang ngipin ko. Napaka-two timer talaga niya. Hanggang ngayon, ganoon pa rin siya. Hindi pa ba sapat na naloko niya na ako noon? Pati ba naman sa bago niya, gagawin niya ulit? Para saan? Para pagpraktisan din? Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo siya at lumapit sa akin. Bumaling ang tingin ko sa kanan para iwasan siya nang hawakan niya a

