PALINGA-linga si Valeen sa paligid. Hinahanap kasi ng mata niya si Red. Nagpaalam ito kanina na pupunta ito ng CR pero halos limang minuto na ang lumipas ay hindi pa din ito bumabalik. Nagpakawala na lang si Valeen nang malalim na buntong-hininga. Nang makaramdam siya ng pagkabagot ay tumayo siya mula sa kinauupuan at dinala siya ng kanyang paa sa labas ng bahay ng birthday celebrant at nagpunta siya sa may garden. Mabuti na lang at walang ibang tao na naroon sa may garden. Nang may makita siyang isang bench sa may garden ay naglakad siya palapit do'n para umupo. Do'n na lang mo na siya, na-a-out of place kasi siya sa loob ng bahay dahil wala naman siyang gaanong kilala do'n. Pamilyar lang ang mukha nang iba sa kanya pero hindi niya kilala ang mga ito. Pero hindi pa siya tuluyang nak

