AGAD na tumahimik ang mga kaklase ni Valeen ng pumasok ang Professor nila na si Sir Gusteve sa classroom nila. Umayos naman siya mula sa pagkakaupo niya sa armchair. At itinutok na niya ang atensiyon kay Sir Gusteve. "Good morning, Class," bati nito sa kanila. Gumanti din naman sila ng bati dito. At pagkapatong na pagkapatong ni Sir Gusteve sa gamit na hawak nito sa mesa ay agad nitong inanunsiyo na magkakaroon sila ng quiz. Kanya-kanya namang reaksiyon ang mga kaklase niya. At pawang negatibong reaksiyon iyon dahil sa biglaan na quiz. Hindi naman na nasanay ang mga kaklase niya, eh, mahilig si Sir Gusteve sa surprise quiz. Ilang beses na kasi nito iyon ginawa. Inilabas naman na ni Valeen ang ballpen sa bag niya ng idinistribute na nito ang test paper sa kanila. At nang matanggap na

