Chapter 19: Unknown Feelings Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya at nakita namin siya na nanlalaki ang mata na nakatingin sa malayo kaya napatingin din kami do'n at gano'n nalang ang gulat namin dahil sa nakita. Mula sa malayo ay nakita namin ang isang malaking ahas na nakatingin din sa direksyon namin. Kulay itim ito at pula ang mga matang galit na galit na nakatingin sa'min. Bigla naman itong sumugod saamin kaya ni-ready na namin ang aming mga sarili, pero bago pa ito makasugod ay bigla nalang itong natumba ng wala manlang kaming ginagawa kaya bigla nalang nanlaki ang mga mata ko dahil parang alam ko na ang susunod nito. "What happened?" Rinig kong tanong ni Christopher. Lahat kami ay alerto pa rin sa ano mang pwedeng mangyari lalo na't na sa pugad kami ng mga mababangis na hayop

