Chapter 24: Tale, From Magimus Academy Hope Lorelei Lara Sapphire Watson Tumakbo kami ng mabilis habang sinusundan ang aura na 'yon. Parang kami lang rin ang nakakaramdam no'n kaya nakakapagtaka. Tumakbo kami ng mabilis hanggang sa dalhin kami nito sa Mystique Forest at napansin naming unti-unting nalalanta ang mga halaman dito na ikinalaki ng mga mata ko. Nagkatinginan kami ni Cressa at sabay na tumakbo kung saan namin nararamdamang may presenya na pilit itinatago ang kaniyang lakas na taglay. Napahinto kami ng may makita kaming babaeng nakasandal sa puno na lanta na ang mga dahon. Nanlumo ako dahil wala ng buhay ang Mystique Forest na pinagtitirahan ng mga Pixies. Masama 'to. Napansin ko naman si Cressa na tumakbo papalapit sa babae kaya sumunod ako sa kaniya. Nang tignan ko ang u

