THE DESPERATE LOVE EPISODE 60 A PARENT’S LOVE ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. HINDI PA RIN pumayag si Davien sa aking gusto na ‘wag e-cancel ang birthday party ng kanyang anak na si Betty. Pero ngayong gabi ay muli ko na naman siyang kakausapin na ‘wag e-cancel ang birthday party ni Betty dahil sigurado akong magtatampo iyong bata at masasaktan kung hindi naman tinuloy ang aming naplano na. Ngayon ay naghihintay na lang ako na muling pumasok si Davien sa kwarto namin. Nandito pa rin kami ngayon sa mansion dahil mas safe rito kaysa doon sa bahay namin. At mas maganda rin na nandito kami dahil mabilis lang makakausap ni Davien ang mga pinsan niya at mga tauhan, at nababantayan din nila ang kalagayan ni Vito. Malapit ng mag 12 AM pero hindi pa rin nakakabalik dito sa kwarto si Davien.

