THE DESPERATE LOVE EPISODE 35 KNOWING THE MARANZANO MAFIA ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. SI DAVIEN ay isang miyembro ng mafia… isang organization na may mga illegal na ginagawa, isa na rito ang pagpatay ng tao. Kaya ng patayin niya si Rico ay parang wala na sa kanya ito dahil ginawa na pala niya noon. At ngayon na nalaman ko na ang totoo niyang pagkatao, hindi ko mapigilan na makaramdam ng double na takot sa lalaking pinakasalan ko. Akala ko ay prince charming ko na si Davien, lalo na iyong tinulungan niya ako noon sa bar. Ngayon ay parang nagdadalawang isip na ako kung prince charming ko pa ba siya… o greatest nightmare ko na siya? Ngayon ay nandito ako sa may living room ng bahay habang binabantayan ko si Betty. Tahimik lang ako at tulala dahil hindi pa rin mawala sa aking isipa

