THE DESPERATE LOVE EPISODE 15 CRAZY IN LOVE ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. NO! HINDI siya pwedeng ikasal sa ibang babae… dapat sa akin lang! Hindi ako naniniwala sa news na sinend ni Fabio sa akin kaya agad ko siyang tinawagan habang patakbo akong pumunta sa aking kwarto. Nang masagot ni Fabio ang aking tawag ay agad ko siyang minura ng malutong dahil sa inis na aking nararamdaman. “F*ck you, Fabio De Luca! Ano na naman ‘yung sinend mo sa akin, huh?” galit ko na sabi sa kanya. “Damn, woman! Ang sakit sa tainga ng boses mo! Sa akin ka pa talaga galit ngayon? Totoo naman ‘yang balita na ‘yan! Kalat na kalat na nga ‘yan sa internet eh,” wika ni Fabio sa kabilang linya. Napailing-iling ako at napakagat ako sa aking kuko habang hindi pa rin naniniwala sa aking nakita na news tungkol

