THE DESPERATE LOVE EPISODE 20 FIRST NIGHT GONE WRONG ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. GUSTO KO sanang kiligin sa halik ni Davien sa akin, pero mas nangingibabaw ang inis na aking nararamdaman dahil ang hapdi ng labi ko. May halong gigil at galit ang paghalik niya sa akin kanina sa may chapel. Nakaramdam ako ng takot at kaba sa sinabi sa akin kanina ni Davien sa may chapel pagkatapos niya akong halikan. “This is the start of your miserable life, Artemis.” “Welcome to hell, Artemis. Brace yourself to the consequences of your desperate love.” Kinabahan na ako sa sunod na gagawin ni Davien sa akin. Nakakasiguro ako na maghihiganti siya sa akin sa pagkulong ko sa kanya sa relasyon namin ngayon. Pero hindi ako makakapayag na magiging kawawala lang ako. Lalaban ako… mamahalin niya rin ako p

