KABANATA 1: LOVE AT FIRST SIGHT

1702 Words
THE DESPERATE LOVE EPISODE 1 LOVE AT FIRST SIGHT ARTEMIS’ POINT OF VIEW. “NEVER TALAGA akong magiging baliw sa isang lalaki. Hindi ako gagaya sa kapatid ko,” sabi ko sa aking kaibigan na si Fabio. Mahina siyang natawa at napailing-iling siya. “Wag kang magsalita ng patapos, Artemis. Nasasabi mo pa ‘yan ngayon dahil hindi ka pa nagkakagusto sa isang lalaki,” nakangiting sabi ni Fabio. Napasimangot naman ako at umiling-iling. “Never talaga! Bakit, ikaw ba, nainlove ka na ba?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hindi niya sinagot ang aking tanong at iba ang kanyang sinabi. “Malalaman mo rin ang nararamdaman ng kapatid mo kapag napamahal ka, Artemis.” Muli akong umiling. Never talaga akong magiging baliw sa isang lalaki. Nakita ko na kung paano mabaliw ang kapatid ko na si Athena sa kanyang longtime crush na si Lorenzo Silvano Dela Valle. At hindi ko ma-imagine ang sarili ko na maging desperada sa isang lalaki. Mas gugustuhin ko pa na manatiling single. Bahala na kung sabihin man akong matandang dalaga. Ang importante ay masaya ako at hindi ako umiiyak ng dahil lang sa isang lalaki na walang kwenta. “Gusto mo bang sumama sa akin, Artemis?” Napatingin ako ulit kay Fabio nang magsalita siya. Nakangiti pa rin siya ngayon sa akin. Sa pagitan namin ni Athena ay mas close silang dalawa ni Fabio sa kapatid ko dahil sila lagi ang nagkakasama. Pero close rin naman kaming dalawa ni Fabio. Ngayon ay wala si Athena dahil busy siya sa work niya bilang isang modelo. “Saan naman?” tanong ko pabalik sa kanya. “Hmm, sa bar? Baka doon mo mahanap ang lalaking magpapabaliw sayo, Artemis!” sabi ni Fabio. Napangiwi naman ako sa kanyang sinabi. “Eww! Kilabutan ka nga sa sinabi mo, Fabio. At sino namang kasama natin? Tayong dalawa lang? Baka pagkamalan tayong mag jowa! Ayaw ko nun, Fabio,” inis kong sabi sa kanya. Ang bilis pa naman kumalat ng chismis kahit wala namang katotohanan. “Ano ka ba, hindi ‘yan! Kasama ko ang iba kong mga tropa. Game ka ba? Baka sumama rin si Athena!” “Nako, hindi makakasama ‘yun. Ang dami na niyang absent sa trabaho niya kaya kailangan niyang gawin lahat ngayon. Hindi makakasama ‘yun dahil may shoot ‘yun eh,” sabi ko sa kanya. Nag text sa akin si Athena kanina na busy siya at hindi siya makakauwi sa mansion. Baka sa condo unit na lang siya matutulog dahil mas malapit ito sa location kung saan ang photoshoot na ginagawa niya. “Fine! Siguraduhin mo lang na hindi mga gago ang mga tropa mo, Fabio. Gusto kong magsaya at ayokong ma bwisit,” seryoso kong sabi sa aking kaibigan. Mahina siyang tumawa at tumango-tango siya. “I promise you that, okay? Don’t worry.” Nang matapos kaming mag-usap ni Fabio ay umuwi rin kaagad ako sa mansion. Wala akong trabaho ngayon dahil sabado. I’m an architect and I have my own team. I’m happy with my job even though it’s not that big like the businesses that my parents own. Masaya ako na hinahayaan ako ng mga magulang ko kung saan ako sasaya. Kaya na rin naman ng mga kapatid kong lalaki ang pamamalakad sa mga businesses ng family namin eh, lalo na ang nakakatanda naming kapatid na si Kuya Ambrose na susunod na magiging CEO ng Miller Empire. “Oh? Saan ka pupunta, Artemis?” tanong sa akin ng aking kapatid na si Apollo, ka triplets namin ni Athena. Nakasalubong ko siya rito ngayon sa hallway at paalis na ako dahil nasa labas na si Fabio na naghihintay sa akin. “Apollo! Aalis ako ngayon, pupunta akong bar,” sagot ko sa kanyang tanong. Nakita ko ang pagkagulat na ekspresyon sa kanyang mukha ng sabihin ko iyon sa kanya. “Wow! Is it real? Pupunta ka talaga sa bar?” Napairap ako sa aking mata at napa ismid. Alam ko naman na hindi ako katulad ng kapatid namin na si Athena na party girl, pero hindi naman ako ignorante sa mga party at bar na iyan! “Bakit, hindi ba kapani-paniwala?” mataray kong tanong sa aking kapatid. Humalakhak siya. “I’m so sorry, Sis! Naninibago lang talaga ako. Anyway, mag-ingat ka! May kasama ka ba?” sabi ni Apollo habang hindi pa rin naalis ang ngisi sa mukha. Inirapan ko na lang siya at hindi na pinatulan. “Kasama ko si Fabio at mga kaibigan niya. Nasa labas na nga ngayon si Fabio dahil sasabay na ako sa kanya eh.” “Oh! Okay. Hindi ba sasama si Athena?” “She’s busy at this moment, Apollo. Kaya ako na muna ang mag e-enjoy ngayon. Bye!” hinalikan ko ang pisngi ng aking kapatid at umalis na ako. Nang makalabas ako sa mansion ay agad kong nakita ang sasakyan ni Fabio. Pumasok na ako sa loob ay agad kong binati ang aking kaibigan at muli na niyang pinaandar ang kanyang sasakyan at umalis na kami. “Alam na ba nila Tita na aalis ka ngayon?” tanong sa akin ni Fabio habang nagdadrive. Napasulyap naman ako sa kanya at ngumiti. “Hindi na ako bata, Fabio. They are cool whenever I want to go out and party,” sagot ko sa kanyang tanong. Napangiti naman siya sa aking sinabi at tumango. “Buti naman. Mas maganda talaga na minsan ay nagsasaya ka, Artemis. Lagi ka na lang kasi trabaho eh.” “Wow! Nagsalita ang laging busy sa work!” sabi ko pabalik kay Fabio. Natawa naman siya at natawa na rin ako. Busy rin kasi ‘tong si Fabio sa kompanya nila lalo na’t ino-obserbahan siya ngayon ng kanyang ama kung handa na ba si Fabio sa pagma-manage sa kompanya nila dahil siya lang ang nag-iisang anak at sa kanya mapupunta ang lahat ng mana galing sa pamilya De Luca. “Welcome to Heaven’s bar, Artemis!” wika ni Fabio at inakbayan niya ako ng makapasok kami sa loob ng maingay na bar. Ang sabi ni Fabio ay bar ito ng mga mayayaman kaya walang mga jejemon dito at mga pangit. Kung hindi mga mayayaman na magmamana sa mga negosyo ang nandito sa loob ng bar, mga artista, models o hindi naman ay politiko ang pumupunta sa bar na ito. “Come! Ipakilala kita sa mga friends ko,” nakangiti na sabi ni Fabio at naglakad na kaming dalawa. Nakarating kami sa isang table na may tatlong babae at apat na lalaki. Binati nila si Fabio at pagkatapos nun ay ipinakilala na ako ni Fabio sa kanila. “Guys, this is my friend, Artemis Blithe Miller. She’s the sister of Athena; you know her, right?” Ngumiti naman ako sa kanila at binati sila kahit na may hiya pa akong nararamdaman ngayon. “Hi, Artemis! I love your name! By the way, I’m Michelle!” wika ng babaeng kaibigan ni Fabio na maikli ang buhok at lumapit siya sa akin upang makipag beso at hinila ako palapit sa kanila at umupo na rin sa may couch. “Are you also a model, Artemis?” tanong sa akin ni Gaile, isa sa kaibigan ni Fabio. Bahagya akong ngumiti at umiling. “No, I’m not. I’m an architect.” “Kabaliktaran ‘yan ni Athena si Artemis, guys!” wika ni Fabio na parang tipsy na rin ngayon ng dahil sa sunod-sunod na iniinom na alak. “Artemis, come! Let’s dance!” anyaya ni Queeny sa akin at hinawakan na niya ang aking kamay. Lahat ng babae na kaibigan ni Fabio at pumunta na sa dance floor habang sila naman ay nasa may table pa rin at nag-iinuman. Uminom naman ako ng alak, pero konti lang dahil ayokong malasing ako. Nang makarating kami sa dance floor ay binitawan na ako ni Queeny at nagsimula na siyang sumayaw. Ganun din ang ginawa nila Michelle at Gaile at bigla na lang silang nawala sa paningin ko kaya nag panic ako bigla. “Uhm… M-Michelle? G-Gaile? Q-Queeny?” hinanap ko sila kahit na sobrang daming tao rito ngayon sa dance floor. Habang naghahanap ako sa kanila ay nagulat na lang ako ng may biglang pumisil sa pwet ko kaya napatingin ako sa aking likuran upang tingnan kung sino ang gumawa sa akin nun. “Pervert!” sigaw ko. Akmang sasampalin ko na ang mukha ng lalaking humawak sa pwet ko ng mabilis niyang mahawakan ang aking braso at hinapit niya ang aking bewang at idinikit ako sa kanya. Nagpupumiglas naman ako ngayon. “Argh! Let me go!” sigaw ko. Kahit anong sigaw ko ay walang napapatingin sa amin, kung meron man ay mga walang pakialam naman. Ngumisi sa akin ang bastos na lalaki na hawak pa rin ako ngayon. “Come on, Miss! I know you also want to get f*ck! I will give you the best s*x!” nakangisi niyang sabi. “Bastos ka! Pakawalan mo ako!” Hindi siya nakinig sa akin. Unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa aking mukha. Inilalayo ko naman ang mukha ko sa abot ng aking makakaya. Akala ko ay huli na ang lahat at tuluyan ng makukuha ang first kiss ko… Nang biglang may sumuntok sa bastos na lalaki na may hawak sa akin at tuluyan itong naupo sa sahig. Natigil din ang ingay at pagsasayawan ng mga tao ngayon sa dance floor at napatingin ang lahat sa amin. “Don’t you ever touch her again or else I will kill you!” galit na sigaw ng lalaking tumulong sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at nang tuluyan na itong humarap sa akin ay parang biglang tumigil ang paligid sa aming dalawa… parang biglang nag slowmo ang paggalaw niya at ang kanyang pagtingin sa akin. Nararamdaman ko na rin ngayon ang lakas ng pagtibok ng aking puso. Oh my Gosh! What’s happening to me?! “Miss, are you okay?” Tulala pa rin ako ngayon. “Miss?” tawag niya muli sa akin. Napakurap ako sa aking mga mata at natauhan. “O-Okay lang ako…” mahina kong sabi habang nanghihina pa rin sa kanyang mga tingin. Tang ina! Na love at first sight ako rito sa bar! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD