THE DESPERATE LOVE EPISODE 17 THE DESPERATE MOVE ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. HINDI KO hahayaan na hindi kami magkaayos ni Betty. Kailangan kong ipaintindi sa kanya na hindi ko siya ginagamit… na totoo ang pinapakita ko sa kanya. Napamahal na rin ako kay Betty kaya ngayon ay nasasaktan ako na malaman na galit siya sa akin. Kaya nandito ako ngayon sa harapan ng school nila at inaabangan ko talaga ang paglabas ni Betty. Nang makita ko siya na palabas ay agad akong lumapit sa kanya. Pagkakita ni Betty sa akin ay agad siyang umiwas sa akin at tinignan niya ako ng masama. Nakaramdam ako ng kirot sa kanyang pag-iwas sa akin. “B-Betty, mag-usap muna tayo, please? Iyong narinig mo kahapon… hindi ‘yun totoo. Let me explain to you the truth, please,” sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako ng

