Episode 4: The Announcement

1844 Words
( Serenith’s Pov ) Kakauwi ko lang galing trabaho. Pagod na pagod ako, parang bawat hakbang ko ay may nakagapos na pabigat. Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam na akong mauuna sa kwarto dahil bukod sa inaantok, kailangan kong gumising nang maaga dahil sa lala ng traffic bukas. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Kahit pagod, hindi pwedeng laktawan ang ating skincare routine pampaalis din ng stress. Pagkatapos kung maglagay, pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. "Hays! Kapagod talaga... kung may manghihilot lang sana ngayon dito," bulong ko sa sarili ko hanggang sa dahan-dahan na akong dinalaw ng antok. “Seren… run… and never come back!!!” Napabangon ako nang mabilis. Hingal na hingal ako at ramdam ko ang butil ng pawis sa noo ko. Bumalik na naman. 'Yung panaginip na paulit-ulit na lang na bumabagabag sa akin. Hindi na ako nakatulog. Nawala na ang antok ko dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Napabuntong-hininga ako at tumayo. Tahimik ang buong bahay, tanging huni lang ng mga aso sa labas ang maririnig. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may humihila sa akin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa lumang drawer sa gilid ng kwarto ko isang gamit na matagal ko nang hindi pinapansin. Huminto ako sa harap nito. Nakatingin lang ako sa drawer na parang may itinatagong kwento. “Ba’t ba ako kinakabahan…” bulong ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang hawakan nito, pero bago ko pa mabuksan... “Seren?” Napaatras ako agad. Nasa pintuan si Mama, hawak ang isang baso ng tubig. “Anong ginagawa mo? Alas-dos pa lang ng umaga, anak.” Napakagat-labi ako, pilit na kumalma. “Wala, Ma… may hinahanap lang po.” Napatingin si Mama sa drawer. Sandaling tumahimik ang paligid. Ramdam ko ang tensyon kahit madilim ang kwarto. "Napaaga yata gising mo. Okay ka lang ba?” tanong niya, pero bakas sa mata niya ang pag-aalala. “Oo, Ma. Okay lang ako.” Hindi siya agad nagsalita. Tinitigan niya lang ako nang matagal, parang tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo. “Magpahinga ka na rin kasi,” sabi niya sa huli. “Puro ka trabaho, baka kung ano na ang naiisip mo.” Ngumiti ako nang pilit. “Opo.” Pero alam kong hindi iyon ang totoo. Hindi lang ito dahil sa trabaho. “Matulog ka na ulit, inumin mo muna 'tong tubig para mahimasmasan ka. Sige na, babalik na ako sa kwarto,” bilin niya. Paalis na sana ito nang tawagin ko siya muli. “Ma…” Lumingon siya sa akin. “Bakit?” “May gusto sana akong itanong.” Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. “Normal ba na… parang may naaalala ka kahit hindi mo naman naranasan?” Sa pagkakataong iyon, nakita ko ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon niya. Takot. Mabilis niyang itinago pero nakita ko ang kuyom nang kanyang kamay. “Napapanaginipan ko kasi ulit, Ma. Paulit-ulit.” “Panaginip lang ‘yan, Seren,” sagot niya sa wakas, seryoso na ang boses. “Huwag mo nang masyadong isipin.” Simple lang ang sagot niya, pero hindi ako kumbinsido. Tumango na lang ako para hindi na siya mag-alala pa. “Okay po.” Pagkaalis niya, naiwan akong mag-isa sa dilim. Napatingin ulit ako sa drawer. Alam kong may tinatago sila. Sa unang pagkakataon, hindi ko na kayang balewalain ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman ang totoo. Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa dati. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa parehong sakit sa dibdib na nararamdaman ko sa panaginip. “Seren! Male-late ka na!” sigaw ni Mama mula sa kusina. “Coming, Ma!” Napabangon ako agad at nag-ayos. Paglabas ko, sinalubong ako ng amoy ng sinangag. Normal ang lahat, parang walang nangyaring tensyon kagabi. Tahimik kaming kumain, si Papa lang ang nagsasalita tungkol sa ginagawa niya sa trabaho. Pero sa loob ko, magulo pa rin. Pagdating ko sa kumpanya, ang usual na ingay ang sumalubong sa akin. Pero may kakaibang enerhiya sa opisina ngayong araw. “Seren! May meeting daw sa conference room ngayon.” sabi ng isang officemate ko. “Meeting? Para saan?” takang tanong ko habang nilalapag ang bag ko. “Biglaan daw eh.” Nagmadali kaming lahat. Pagdating namin doon, mas marami ang tao. Hindi lang interns kundi pati mga regular employees. “Good morning, everyone,” panimula ng senior manager namin. “We have an important announcement. Our company is expanding its international collaboration. We have a sister company… based in Russia.” Biglang nag-ingay ang paligid. Ang mga kasama kong babae, parang kiti-kiti sa sobrang excitement. “Russia?! Seryoso ba ‘yan?” “Omg, baka doon ko na mahanap ang soulmate ko!” biro nung isa sabay hampas sa katabi niya. “Aray ha! Makahampas ka naman, akala mo hindi masakit. Pero seryoso, Russia? Ang layo!” sagot naman nung isa na tumatawa rin. Napatawa na rin ako. Siyempre, sino ba ang hindi magugulat sa balitang 'yun? "Aba, handa na ba kayong lahat?" biro ko sa kanila. “And because of this,” dagdag pa nito, kaya natahimik ang lahat, “we will be sending one intern to Russia. Magiging permanent position pag ito ay nagustuhan nila ang performance niyo rito.” Mas lalo pang lumakas ang bulungan. “Once in a lifetime ‘to!” sabi ng lahat. Napakurap ako. Russia? Kanina lang ay inaantok ako, pero ngayon, parang uminom ako ng tatlong baso ng kape sa gising ng diwa ko. Lord, minsan lang ako humiling, sana mapansin din ang effort ko. “Tahimik muna ang lahat alam kung excited kayo but I have another goodnews guys.” tumahimik naman agad. “The owner of our sister company in Russia will be visiting us, He will be accompanied by one of their top executives.” Nag-ingay na naman ang buong room. “Hala, pupunta sila rito?!” “Siguradong mga pogi 'yan! Ready na ba ang mga puso natin?” biro nung mga marites sa gilid. Napailing ako pero nakangiti rin. Pare-pareho lang kaming excited. “Bukod doon,” dagdag pa nito, “bukas na bukas din ay pupunta sila rito.” Mas lalo pang naging maingay ang conference room. May mga nagpaplanong mag-ayos nang husto bukas, may mga nagbibiro pa na baka anak ng may-ari ang mapapangasawa nila. Napailing ako pero aminado ako... kahit simpleng visit lang ‘yon, excited din akong makita kung sino ang mga taong nasa likod ng kumpanyang ito mula sa malayo. Nakita kong lumapit si Ethan at tumabi sakin. “Excited ka rin, 'no?” tanong niya, nakangiti. “Siyempre naman! Russia 'yun. Ibang level na 'yun,” sagot ko. “Halata sa mga mata mo,” tawa niya. “Kanina mukha kang pagod, pero ngayon, iba ang glow mo. Kung ikaw ang mapili. Pasalubong ko ha?” “Sure ba, basta ikaw,” biro ko naman. Pero sa loob-loob ko, talagang pinapanalangin ko na mapili ako. Maya-maya ay tinawag ito nang kanyang kasamahan. “Feeling ko ikaw ‘yan, Seren,” biro ulit ni Layra katabi ko lang ito “Hindi naman sigurado 'yun, Layra. Marami magagaling dito,” sagot ko, pero sa isip ko, sumisigaw na ako ng 'Lord, baka naman!' Pagkatapos ng anunsyo sa conference room, parang nabuhayan ang lahat. Kahit ang mga dati’y matatamlay na empleyado, biglang naging abala sa pag-aayos ng kanilang mga desk. Syempre, ayaw naming magmukhang magulo ang opisina pagdating ng mga big boss mula sa Russia bukas. Bumalik ako sa workstation ko na parang lumulutang. Russia. Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong kaba at pananabik ang humahalo sa dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng bansang iyon. Parang pamilyar na hindi ko maintindihan. “Seren, tulala ka na naman,” puna ni Layra habang nag-aayos ng mga folder sa tabi ko. “Iniisip mo na ba ang isusuot mo bukas? Sabi nila, kailangan daw nating mag-mukhang 'global talent' para mapansin.” Natawa ako nang mahina. “Hindi naman po siguro sa pananamit ‘yun, Layra. Sa performance naman titingnan, ‘di ba?” “Sus, sa mundong ito, package deal dapat! Pero seryoso, kung ikaw ang mapili, mamimiss ka namin dito. Pero go for it, girl! Minsan lang ang pagkakataong ganyan.” Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya. Pero sa loob-loob ko, iniisip ko kung paano ko ito sasabihin kina Mama at Papa kung sakaling palarin ako. Papayagan ba nila ako? O baka mas lalo silang mag-alala? Habang tinatapos ko ang huling batch ng emails para sa araw na ito, lumapit ulit si Ethan. May dala siyang dalawang cup ng kape. Inilapag niya ang isa sa desk ko. “Kape muna. Mukhang kailangan mo ‘yan sa dami ng iniisip mo,” sabi niya sabay upo sa bakanteng silya sa gilid ko. “Salamat, Ethan. Sakto ‘to, medyo sumasakit na ang ulo ko sa Excel,” sagot ko habang hinahawakan ang mainit na baso. “Ikaw ba? Kung ikaw ang mapili para sa Russia, handa ka bang iwan lahat dito?” Huminga ito nang malalim bago sumagot. “Handa naman. Pero siyempre, mahirap malayo sa pamilya. Pero isipin mo, international exposure ‘yun. At balita ko, yung sister company natin doon, isa sa mga pinaka-high tech sa Moscow. Sino ba namang hindi magkakagusto doon?” Tumango ako. Nag-usap pa kami nang kaunti tungkol sa mga pangarap namin bago kami bumalik sa pagtatrabaho. Nang sumapit ang alas-singko, agad akong nag-ligpit ng gamit. Gusto kong makauwi nang maaga para makapag-isip at makapag-handa ng isusuot para sa mahalagang araw bukas. Habang naghihintay ng masasakyan sa labas ng gusali, tiningnan ko ang kalangitan. Unti-unti nang nagdidilim, at ang malamig na simoy ng hangin ay nagpapaalala sa akin na papalapit na ang gabi. Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Mama na nagluluto ng hapunan. “Ma, may bisita po bukas sa office. Yung mga may-ari ng kumpanya sa Russia,” panimula ko habang naghuhugas ng kamay. Napatigil si Mama sa paghalo ng niluluto niya. Hindi siya lumingon agad, pero naramdaman ko ang panandaliang katahimikan niya. “Ah, ganun ba? Mabuti naman kung ganun.” “At Ma, may pagkakataon daw na magpadala ng intern doon. International internship.” Dito na lumingon si Mama. May bahid ng takot ang mga mata niya na pilit niyang itinatago sa isang ngiti. “Russia? Malayo ‘yun, anak. Masyadong malayo.” “Alam ko po. Pero magandang opportunity po ‘yun para sa career ko. Sabi ko lang naman po, hindi pa naman ako napipili.” “Sige na, mag-bihis ka na doon at kakain na tayo. Huwag mo muna masyadong isipin ‘yan. Baka mapuyat ka na naman,” iwas ni Mama sa usapan. Alam ko ang ibig sabihin nung tingin niya. Ayaw nilang malayo ako. O baka ayaw nilang pumunta ako sa bansang iyon. Pero bakit? Ano bang meron sa Russia na tila kinatatakutan nila para sa akin? Pagkatapos kumain, pumasok na ako sa kwarto at inihanda ang aking corporate attire. Isang simpleng white blouse at black skirt. Sinigurado kong maayos ang pagkaka-plantsa nito. “Focus, Seren. Bukas na ang simula ng lahat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD