JANNA LIM
Hayst! Saan-saan na ko nag apply pero malas..
Lahat walang bakante. Bwesit.
Kasalukuyang para akong tanga na kinakausap ang sarili sa salamin. Wala kasing tumatanggap sakin dahil hindi ako tapos ng pag-aaral.
Nakakainis talaga.
Hindi naman sa walang tinapos. Nakapag High School naman ako at grumaduate. Nakapag college din ako pero hanggang 2nd year lang pero yun nga hindi qualified.
Hayst! Pang-sampung company na ang in-applayan ko pero bagsak padin sa interview.
Isa nalang ang natitirang chance ko. Sana naman ito na yun.
Oh lord! Bigay muna sakin to. Please.
Nakatingala pa ako sa ere na animo'y kinakausap ko ang Maykapal para sa biyaya. Baliw na talaga ako.
"Jannaaaaaaaaa.. Jannaaaaaaaaa Anak!" Sigaw na narinig ko mula sa labas ng kwarto ko. Agad akong napabalikwas ng labas.
"Ma! Bakit.." Tanong ko ng makita ko siya. Hawak niya ang kanyang telepono at nakangiti doon.
"Anak.. dali! Bilis bilis may magandang balita ako sayo." Tawag niya sakin ng puno ng excitement ang kanyang etsura.
"Hayst! Mama naman. Nakakagulat po kayo eh." Angal ko sabay kamot sa ulo habang papalapit sakanya.
"Ano po ba kasi yan?" Tanong ko na tumingin sa telepono niya.
"Basahin mo anak." Nakangiting inabot niya sakin ang telepono niya agad ko naman kinuha at binasa ang text message.
"Mari, nabalitaan kong naghahanap si Janna ng trabaho.. tamang-tama kailangan ko ng secretary, papuntahin mo na siya dito para makausap ko."
Muling bumaling ang tingin ko kay mama na ngayon ay nakangiti sakin.
"Oh! Ano? May trabaho kana anak." Masayang sabi niya at niyakap pa ako. Yumakap din ako at bahagyang ngumiti after namin mag yakapan, napansin niya ang malalim kong paghinga na labas sa ilong.
"Oh. Hindi kaba masaya ?" Tanong niya.
Hindi talaga ako masaya dahil malayo iyon dito sami'n.
"Paano naman ako matutuwa mama, malayo po ang kompanyang yan dito satin.
"Naku naman anak. Sayang naman yung offer ng Tita Laura mo.
"Pero ma.. malayo po dito satin yun.
"Ayos lang kasi, ano ba kasing inaalala mo ? Ako ? Hmm.
Hayst! Ayaw ko talagang malayo kay mama. Kaya kung pwede dito lang ako mag-apply malapit samin. Pero saksakan talata ng malas at hindi ako matanggap tanggap dito sa probinsya.
"Eh kasi po. Paano kayo dito mama, wala po kayong kasama sino mag aalaga sayo? Sino mag luluto, maglalaba, magdidilig ng tanim mo, ma-
"Janna.." Paghawak niya sa pisngi ko.
"Malakas pa si mama, kaya kong gawin yan kahit na ako lang dito. Ang importante ikaw.."
Tila namuo naman sa mata ko ang luha at gusto ng pumatak nito.
"Pero ayaw po kitang iwan dito. Isasama nalang po kita." Sabi ko.
"Luko-luko kang bata ka, ano sasama ako sa opisina ng tita Laura mo?" Biro niya sabay tawa.
"Mama naman eh." Angal ko.
"Ah basta. Pupunta ka ngayon sa manila para ma interview ka ng Tita Laura mo.
"Pero ma..
"Wala ng pero pero.. nakakahiya sa Tita Laura mo, nag offer na siya at hindi pwedeng tanggihan ang grasya.
Napabuntong-hininga nalang ako at walang nagawa. Hindi naman sa ayaw ko. Pero kasi si mama maiiwan siyang mag isa dito sa bahay.
"Maliwanag ba yun Janna?"
"Opo mama." Kahit ayaw ko.
"Sige na mag-ayos kana, mag suot ng formal para pogi tignan okay." Sabay kurot niya sa pisngi ko.
"Si mama talaga.. Sige na nga maliligo na ako." Sabi ko sabay ngiti na kumamot sa ulo at nagtungo narin sa banyo.
Ako nga pala si Janna. 27 years old. Musician ako marunong din kumanta pero, Walang trabahong regular paraket raket lang kahit saan. Kasal, birthday, binyag, awarding, contests etc.
Di ko na mabilang ang raket na meron ako basta kumita lang ng pera panggastos namin ni Mama sa bahay.
Gaya nga ng sinabi ko hirap akong makahanap ng trabaho dito sa probinsya dahil ang taas ng standard nila. Akala mo naman ang laki ng pasahod.
Si mama naman, 51 years na. Actually may ipon naman siya sa previous work niya noong nasa canada pa siya nakapag business siya non, sa kasamaang palad itinakbo ng tatay kong demonyo ang perang pinaghirapan ng nanay ko. Kaya ayon back to zero.
Ang trabaho nga pala ng mama ko sa Canada ay isang caregiver. Putok sa swerte dahil ang naging amo niya doon ay isang mayaman na pamilya at yun nga ang pamilyang itinuturing ko na ngayong TITA.
Bakit ko siya naging Tita ? Hindi ko rin alam eh.
Actually hindi ko pa nakikita si Tita Laura pero kilala ko ang boses niya dahil madalas niyang kausap si mama. Oo nakikichissmis ako sa usapan nila pero kailanman ay hindi ko pa siya nakikita.
Sabi ni mama, 41 years na daw si Tita Laura may anak at asawa pero hiwalay. Isa sa mayamang tao dito sa Pilipinas. Marami itong pagmamay-aring naglalakihang gusali sa syudad. Classy daw at parang putok din sa swerte sa subrang ganda at sexy. Well.. sabi lang naman ni mama yun.
Naniniwala naman ako, pero suntok nalang siguro sa buwan kong may mag exist pang taong ganon.
Sa isip isip ko baka ganon lang si mama mag appreciate ng kaibigan. Hihi.
Close na close sila ng mama ko noong panahon nasa canada pa siya at sa sobrang close nila hindi parin siya kinalimutan non, bagkus tinutulungan pa kami hanggang ngayon. At ito nga siya na sana ang hulog ng langit na tanggapin ako sa trabaho.
Hayst! Sana lang talaga matanggap ako sa kompanya ni Tita Laura nang sa ganon makapag-ipon ako para kunin si mama dito.
"Janna! Bilisan mo na dyan tanghali na anak." Sigaw ni mama.
"Opo mama. Maliligo lang ako saglit." Sigaw ko.
Ito ang kauna-unahang makikita ko si Tita Laura.
E grab muna to Janna. Kailangan mo to. Para sa kinabukasan. Amen.
______
LAURACIA ARCETA
"Ms. Laura okay na po yung office para kay Ms. Janna Lim. Naayos ko na din po lahat ng kailangan niya.
"How about ang condo niya ?
"Okay na din po Ms. Laura. May mga gamit nadin po siya na pwedeng gamitin doon.
"Very good. You may leave now."
I'll make sure na nakaalis na ang PA at na-isara ang pinto ng maayos bago napangiti sa excitement na nararamdaman ko.
Muli kong kinuha ang telepono ko at in-open ang screen.
Para akong baliw sa bawat ngiti habang pinagmamasdan ko ang litrato ni Janna.
She's so hot.
Walang mintis ang gandang babae niya.
Bahagya akong napakagat sa ibabang labi ko ng dumako ang tingin ko sa ibaba ng katawan niya.
Hindi lang siya magandang babae, kundi may masarap din siyang hotdog na dapat i-alay sakin.
Buti nalang nakinig sakin si Ofelia.
__
FLASHBACK | 2004
"Lumalaki na si Janna. Paano ko ipapaliwanag ang bagay na meron siya na dapat ay wala.
"Tsk. Ofelia, kumalma ka. Wag mo kasi isipin na mali sa paningin ng iba ang meron siya. Yan ang binigay ng diyos sakanya kaya dapat tanggapin niya lalo kana na.
"Ikaw dapat ang mas nakakaunawa sa kalagayan ni Janna. Look at her.." Sabi ko at pinagmasdan namin si Janna na naglalaro sa Playground.
"Mama.. Yahoo." Masayang sigaw ni Janna at paulit-ulit na nag pa slide. Nakangiti naman kami pareho ni Ofelia.
"See. Masaya ang anak mo at masigla. It doesn't matter kung meron siyang gaya ng sa lalaki. Lucky charm niya na yun Ofelia yan nalang isipin mo." Malumanay na paliwanag ko.
Pilit ko siyang pinaunawaan at pigilan sa binabalak niya na ipa-opera si Janna. Balak niya kasing ipatanggal ang lawit nito na hindi naman niya lubos akalain na ganito niya isisilang si Janna.
Kahit ako nagulat ng manganak siya. I mean, i know may Intersex, but ang alam ko.. ito ay isang proseso o experiment. Pero si Janna iba.. dahil Inborn ito.
"Natatakot ako Laura. Paano kong magalit siya? Na hindi ko siya inagapan habang maliit pa siya." Nangingilid ang luha sa kanyang mata.
"Sssh.. hindi magiging ganon Ofelia. Mag tiwala ka. Basta palakihin mo siyang normal. Malay mo naman magustuhan niya diba?" May halong biro kong sabi sabay tawa.
Natawa naman din siya sa sinabi ko.
"Ikaw talaga! Kahit kailan luka-luka ka parin.
"Haha, nahawa lang ako sayo no?" Natatawa kami pareho na tumingin muli kay Janna habang nag lalaro.
"Mama..
"Tita..
Masayang sigaw ni Janna. Ngumiti lang ako at ikinaway ang kanang kamay ko sakanya.
"Thankyou Ms. Laura. Kung wala ka paano nalang kami ng anak ko.
"Ofelia.. magkaibigan tayo. Tutulungan ko kayo hanggat makakaya ko. Hmm.
Pagtapos ng muli namin pagkikita ni Ofelia. Hindi na yun naulit. May commutation pero thru calls lang. Until years past again and again. Pero tumutulong parin ako sa pamamagitan ng pagbigay ng pera sakanila, yun lang dahil sa busy din ako at maraming ginagawa.
Until nag message siya sakin at nag padala ng pictures. Grumaduate si Janna ng High School. Agad akong nakaramdam ng init sa katawan sa di maipaliwanag na dahilan ng makita ko ang pictures niya. Simula non, halos hindi ako mapakali na itanong kay Ofelia kung kamusta si Janna, pero hindi ko ipinahalata kay Ofelia na sa anak niya lang ako may pakialam o may pakay. Kaya napapakwento nalang din ako kahit hindi naman ako interesado.
Masama na kung masama. Pero yun ang totoo.
End of Flashback.
_____
JANNA LIM
"Manong, sigurado po ba kayo na dito yung daan ?
"Oo Hija. Wait kalang malapit na tayo." Driver.
Inip na inip na akong makarating sa kompanya ni Tita Laura. 7pm na ng gabi at talagang ginabi ako dahil sa sobrang traffic at hindi ko din alam itong lugar. Parang gusto ko nalang bumalik ulit ng probinsya dahil sa palagay ko ligwak na naman ako sa kompanyang to.
Shit Janna! Interview palang to pero palpak agad.
Sobrang late na.
Sino pang mag I-Interview sakin ng ganitong oras?
Alangan naman si Tita Laura.. huhu
"Nandito na tayo Hija."
"Ay salamat naman Manong. " sabi ko at mabilis na bumaba. Tatakbo na sana ako ng sumigaw ang driver.
"Hoy! Bayad mo!"
Oww! s**t!
"Sorry po. Ito po Manong. Pasensya na."
"Hoy! Bakit 300 lang to?! 500 ang bayad dito.
"Hu?? 500 ?" Gulat akong napatingin muli sa driver.
"Oo 500! Kulang to." Galit na sabi niya.
"Pero sabi niyo po kanina 300 lan-"
"Ano magbabayad kaba O tatawag ako ng pulis." Pananakot niya dahilan na mapabalikwas ako ng kuha sa pitaka ko ng 1k.
Taranta akong binigay yun sakanya. Ibinalik niya ang 300 ko pagkatapos kumaripas ito ng takbo dala ang 1k kong pera.
"PUTANG---"
"HOY! SUKLI KO!" sigaw ko pero wala na akong nagawa dahil malayo na ito kahit habulin ko. Napasapo nalang ako sa mukha ko.
"Arghhh! Bwesit!"
Ilang minuto din akong napatulala sa sama ng loob. Malas talaga. Malas.
Napabuntong-hininga nalang ako at napatingin sa naglalakihang gusali na nasa paligid ko. Naglakad lang ako ng kaunti at nakita ko na ang kompanya na hinahanap ko.
Hindi ako pumasok. Nakatingala at Palinga-linga ang tingin ko sa ganda. Maya-maya pa tumunog ang telepono ko at agad ko yung kinuha.
*Calling*
Number lang.
Agad na sinagot ko yun pero hindi muna ako nag salita.
"Hello.. Janna.." Otp.
"Hello..
_____________
EEEEEYYYY!