Chapter 7: The Carrot Cake Thief (Part 2: Finale)

1584 Words
PAGDATING nila sa cafeteria, si Ken agad ang kumilos. Inilabas ang tablet niya, kinonek sa school security system, at binuksan ang CCTV feed. “Okay, eto yung dessert bay cam,” sabi ni Ken habang pinapaikot ang footage. Lumapit si Knife sa likod niya, nakatayo, braso naka-fold, at nagmamasid. Sa gilid naman, tahimik si Arisielle pero nakatingin din. Pinili ni Ken ang timestamp ng latest report — yung five minutes lang ang nakalipas. Sa video, makikita ang tray ng carrot cake na kakalagay lang… pero ilang segundo lang, may lilim na sumulpot mula sa kanang kuha ng camera. Isang lalaking naka-uniform ng maintenance staff. Mabagal ang kilos. Pero sigurado. Dahan-dahan niyang kinukuha ang carrot cake isa-isa, nilalagay sa isang faded eco bag… at umalis na parang walang nangyari. Napatakip ng bibig si Katana. “Si… Mang Pedring?” “Hindi siya mukhang masamang tao,” bulong ni Bella habang nakakunot ang noo. “Hindi rin niya nilingon ang paligid. Parang… sanay na siya.” “Sabagay,” sabi ni Rico, “hindi rin siya nagtatago. Parang normal routine.” Naglakad si Knife papalayo, diretso sa exit. “Let’s go. Alam ko kung saan siya pupunta.” Sumunod silang lahat—si Katana, si Arisielle, Rico, Ken, Bella. Tahimik. Wala nang ingay na pambubully or biro kanina lahat ay seryoso na malutas ang kaso ng pagnanakaw ng carrot cake. Dinala sila ni Knife sa west wing, ang lumang bahagi ng RHIS na hindi na ginagamit. Basa ang sahig, luma ang mga ilaw, at may amoy ng alikabok. Pero may maririnig silang mga boses. Mahihinang tawa ng mga bata. Nang sumilip sila sa nakaawang na pinto, nakita nila: Si Mang Pedring, nakaluhod, pinapaghati-hati ang carrot cake sa paper plates. Nasa harap niya ang mga mahigit sa sampu na street children — payat, puno alikabok at putik ang mga paa, marurungis, pero mga nakangiti sa mga labi nila dahil sa dala sa kanilang pagkain ng mahabaging matandang janitor. “Dahan-dahan lang ha,” sabi ni Mang Pedring, hinahaplos ang buhok ng isa. “May dadalhin pa akong tinapay mamaya pag break time. Kapag nagutom pa kayo, sabihin n’yo lang sa akin.” Napakapit sa dibdib si Katana. “Oh my God…” Si Arisielle, napalunok, ramdam ang init sa mata niya.Parang may kumurot sa dibdib ni Arisielle. Ilang beses na rin siyang naki-share ng isang pirasong tinapay noon sa orphanage. Alam niya ang itsura ng batang gutom… alam niya ang pakiramdam. Si Knife… nakatingin lang. Tahimik. Pero may nabasag na lamig sa mga mata niya. Lumabas si Mang Pedring para itapon ang basyo ng juice box sa tabi—at doon niya napansin sila. Nanlaki ang mata niya. “Ah— mga… mga sir, mga ma’am… patawad po… pasensya na po… hindi ko naman ginagawang masama—” Hindi nakapagsalita si Mang Pedring. Nakatayo siya, nanginginig ang kamay. Lumapit si Knife, mabagal, walang galit sa boses. “Since kailan, Mang Pedring?” Napayuko ang matanda. “Simula po no'ng nakaraang buwan. May mga batang tumatakas sa shelter dahil gutom. Eh ako lang po… ako lang po ang may access sa kitchen kapag umaga…” Tumingin ang matanda, namumula ang mata. “Pasensya na po, Dapat pinaalam ko na lang. Pero… kung ipagpaalam ko po, baka ‘di sila pumayag. E… hindi po ako makatanggi kapag bata ang usapan at nagugutom.” Paliwanag nito na puno ng pagsusumamo. Tahimik ang buong grupo. At doon, iniyuko ni Katana ang ulo niya, sabay bulong kay Arisielle, “He reminds me of… Daddy. He helps kids quietly.” Tumikhim si Knife, kinuha niya ang malaking eco bag ni Mang Pedring. Naglakad siya sa hindi kalayuan na building. Bukod sa pagiging club leader ng TSB, miyembro rin si Knife ng chess club, orchestra club at pistol shooting club. Malapit lang ang gym ng pistol shooting club nila rito at may susi siya dito. Nang bumalik siya… inilapag iyon sa mesa. Puno ito ng mga tinapay, sports drinks, granola bar at mga oatmeals. Nagtaka ang lahat. Sabay nagsalita si Rico. "Hala baka magalit si coach, sa mga players yan." Turo niya sa eco bag na maraming laman na pagkain. Hindi niya pinansin si Rico. At marahan na nagsalita si Knife. “Mang Pedring… from now on, everyday, kami na magdadala ng pagkain para sa kanila.” Diretsahan niyang sabi. “Hindi mo na kailangang magtago.” Lumapit si Knife at napansin ni Arisielle na mas mahigpit ang hawak ni Knife sa eco bag bago niya iyon ibigay kay Mang Pedring — halos parang ayaw niyang ipakita na natatamaan din siya. Saka nagpatuloy na magsalita. "Our club will raise funds para sa mga bata na 'to. Para sa kanilang food and clothing. And as for the shelter, I will tell my mom and dad about this. Para mabigyan sila ng tahanan." Napatulala ang matanda. “Sir… hindi ko po alam anong sasabihin…” “Huwag na kayo mag-sorry,” sagot ni Knife. “Kailangan lang natin ng discretion. At bawal ang food theft sa records. So… keep it between us.” Sumunod si Katana, sabay abot ng sariling sandwich sa bata. “Eat more. Para tumaba kayo naman kayo kahit konti.” Si Rico nagtago pa kunware ng luha. “Guys… bakit ganito? Wednesday pa lang, pero season finale vibes na.” Binigwasan naman si Katana si Rico. Pasimple at mahina lang yun pero hindi inaasahan ni Rico yun na lumanding sa sikmura niya kaya ininda niya ang sakit. Si Ken umiling pero tumango rin. “Fine. I’ll arrange a donation drop. Anonymous.” Si Bella, naglista agad. “Tawagin natin itong Project Carrot.” At sa gilid… Nagkatinginan naman sina Arisielle at Knife. Hindi nag-usap — pero nagkaintindihan. Minsan, ang coldest people… sila rin yung may pinakamalambot na puso. +++ Bumalik na silang lahat ng klase. Nakasuot sila ng pang P.E. uniform nila. Magkakahalo na ang grade 7 at grade 8 na star section. Ang section nila Arisielle at Knife. Pati si Katana na grade 7. Naghahanda sila sa kanilang palaro na 'dodge ball.' Alphabetical arrange kasi ang mga hanay nila dahil parehas na ng apelido sina Arisielle at Knife ay sila ang magkatabi sa hanay. Pero hindi nagtagal iyon nang may sumingit sa gitna nila. Si Agatha Coreo. ​“Knife darling, you didn’t tell that she's your stepsister, balita ko pa she's also a member of TSB?” sabi ni Agatha. Habang nakapalupot na ang braso nito sa braso ni Knife. Ngunit hindi pinansin ni Knife si Agatha.​Tumingin si Agatha kay Arisielle. “Cute. Pero sana lang, hindi mo rin i-drag pababa ang reputation ng RHIS. Dito, kailangan brilliant ka. Hindi lang pretty face na kinuha ni tita Catherina para lang may playmate si Katana.” ​Bago pa man makasagot si Arisielle, gumalaw si Knife. Ang kanyang sing tamis ng pulot na kulay ng mga mata ay tumama kay Arisielle, ngunit ang bibig niya ay walang preno. ​“Agatha,” malamig niyang tawag. “Ibinigay ko ang recommendation kay Arisielle dahil nakakuha siya ng 98 sa Logic Analysis. Mas mataas sa’yo noong placement exam mo.” ​Ngunit hindi siya tumigil doon. ​“At huwag kang mag-alala, Agatha,” sabi ni Knife, "sa huli naman tayo pa rin. Because of that stupid family business." Wala pa rin itong reaksyon at malamig pa rin ang mga galaw, parang tanggap na ni Knife ang magiging future niya. Tumawa si Agatha ng mahinhin pero para kay Knife ito ang pinakanakakainis na tawa sa lahat. "At the end, my Knife is still mine." Sinamaan ng tingin ni Agatha si Arisielle. Ang tingin niya rito walang awa. Nagsalita naman si Knife. Isang pananalita na mag papamulat kay Arisielle sa realisasyon na kahit kailan hindi siya magiging ganap na Huangcho. Isang katotohan na kathang- isip pa rin sa mata ng iba. At isang pananalita na pabor na marinig ni Agatha. "Ang totoo, she's my substitute sister, a replacement for my sister Kalis. Kaya kailangan mo mag ayos ng performance mo dito sa RHIS, dahil ayaw kong makita ni Mommy na may defect ang pinili niya. Huwag mong sirain ang reputasyon ng pamilya namin.” Parang may malamig na humaplos sa batok ni Arisielle. Alam naman niyang totoo iyon… pero iba palang marinig nang diretso, sa harap ng mismong kapatid niya, ang stepbrother niya na si Kuya Knife niya. "Yeah... Alis ka na dito girl. Doon ka sa kabilang grade level kay, Katana. Doon ka sa mga mahihina ang utak." Pagtataboy sa kanya ni Agatha at sumisenyas pa ito sa kamay niya na pinapaalis siya. Pero bago pa man makapagsalita sana si Arisielle. Si Knife na ang nagsalita muli. Matalim at sing talim ng pangalan niya. "Agatha... Kung magsasabi ka ng walang utak sa ibang tao. Ano ang tingin sa'yo ngayon? Hindi mo nga alam ang kapasidad ng isang tao na sinasabihan mong walang utak." Ipiniksi ni Knife ang pagkakapalupot sa kanya ni Agatha at naglakad palayo saka sumama sa hanay nila Rico at Ken. Ngumiti lang ng tipid si Arisielle kay Agatha para asarin dahil kanina pa siya nagtitimpi, gusto niyang sumagot pero hindi siya makasingit. Gusto niyang makita ang reaksyon ni Agatha na nanaiinis at tagumpay siya. Minsan kasi ang pagiging tahimik lang at kalmado ang magpapatalo sa kalaban mo. Umalis na rin siya at humalo sa iba pang babae na kaklase niya. Ngumiti naman siya kay Bella at inakbayan siya nito. Pumito na ang coach at nagsimula na ang mga estudyante na mag handa para sa palaro na dodge ball.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD