Chapter 10: The Kiss That Wasn't Ours

1544 Words
GUSTONG manatili ni Knife sa ganoon posisyon. Ayaw niyang pakawalan si Arisielle, ang kaso baka makahalata na ang mga kapatid nila, kaya pumasok na sila. Doon ay nakita ni Arisielle ang iba pa niyang mga kaibigan. Sina Rico, Ken and Bella. Mga kasama nila sa Student Bureau Club. "Ano ba 'yan, Rico. Asintahin mo naman duleng ka yata eh. Iyan ba ang lumalaban sa pistol firing club?" Reklamo ni Katana kay Rico habang sinusubukan barilin ng air gun pellete ang pato na laruan para makakuha siya ng stuffed animal panda para sana kay Katana. "Hindi ako duleng! Natamaan ko nga yung tatlo. Dalawa na lang makukuha ko na yung stuffed animal na gusto mo." Medyo may pagsusungit kay Katana dahil nag- ko- concentrate siya. "Kuya Knife... Ikaw na nga lang kumuha ng plushie na gusto ko. Wala kasi tong kwenta si Rico." "Asintahin mo kasi muna Rico bago mo i- release nagsasayang ka ng pellete eh." Payo ni Ken sa kanya. "Edi ikaw na dito." May inis sa tono ng boses ni Rico. "Akin na." "Hey!" Iniwas niya yung air gun na kunin ni Ken. "Ako kukuha ng plushie panda para sa bebe Kat- kat ko." Sabay kindat kay Katana. "Sus kanina ka pa diyan. Hindi mo naman makuha." Pagtataray sa kanya ni Katana. "Kapag nakuha ko i-kiss mo ko?" May panunudyong sabat ni Rico. "Anong kiss? Sira ulo ka! Kapatid ko yan!" Nakatanggap ng kutos si Rico mula kay Knife. "Aray!" Hinaplos niya ang parteng binatukan ni Knife. "Bayaw... este Knife bestie." Nakangising sabi ni Rico. "Akin na nga yan." Inagaw ni Knife ang laruang baril mula kay Rico at walang effort, parang automatic lang. Natural na natural, wala man lang struggle. “Uy! Human rights! Binabawi mo ang sandata ko!” reklamo ni Rico. Hindi siya pinansin ni Knife. Tinutok niya ang air gun, kalmado, isang kamay lang ang gamit pero solid ang porma. Napatingin ang booth operator, pati ibang students. Kasi bihira nila makita ang “campus prodigy” na si Knife na sumasali sa mga ganitong childish booth. Pero ang mas hindi nila napansin? Kung saan napasulyap muna si Knife kay Arisielle bago patumbahin ang pato. Acurate shot. Bilang member ng pistol firing team dapat sisiw lang talaga ito sa kanya. Hindi sa nagmamayabang siya gusto lang niya may mapatunayan kay Arisielle. Para bang kailangan niya ipakita rito na kaya niyang ipagtanggol, ipagmalaki, at ibigay lahat sa kanya. Kahit yung plushie man lang. PUM! Isang putok mula sa air gun ay bumagsak ang unang pato. Pangalawa. Pangatlo. At nag dere-deretso na. Walang sablay. Para siyang sniper sa action movie. Halos lahat tulala. Tumikhim ang booth operator. “Uh, sir… sobra na po. Five hits lang kailangan para ma-claim yung panda.” Bumabalik pa sana si Knife para targetin yung natitirang mga pato pero kinalabit siya ni Arisielle sa braso. “Kuya KB! Tama na… you’re scaring them,” bulong niya. Sabay tingin sa paligid nila. Napatingin siya kay Arisielle at doon na naman lumambot ang expression niya na para bang naglalaho ang lahat ang pagiging cold niya. Madalas nawawalan siya ng control. Pero kapag nariyan si Arisielle ito ang nagpapaalala sa kanya ng control at pagiging mahinahon. “Hm.” Yun lang sinabi niya, at dahan-dahan niyang ibinaba ang air gun. Inabot ng booth operator ang giant panda plushie. “Congratulations po, sir…” halatang kinakabahan. “Ayan Kat-kat, para sa’yo,” sabi ni Knife sabay abot ng plushie. “OH MY GOD KUYA!” tili ni Katana, kinilig, sabay yakap sa panda. “Rico, tanga ka talaga. Tingnan mo si kuya Kinife, five shots lang oh!” “Alam mo Katana,” sagot ni Rico, “kung gusto mo ng killer accuracy, edi jowain mo yung sumunod sa kuya mo.” "Sino ba sumunod kay kuya?" Tanong ni Katana. "Si Adrian Lancaster." Sagot ni Rico. "I hate that guy!" Sabi nito habang pinuno ang bibig ng popcorn at halos mabulunan na. Kinuha ni Ken ang soda at inabot kay Rico. “Here. Nang hindi ka mabilaukan at tumahimik ka na rin.” Inirapan naman ni Katana si Rico at dinilaan ito na nanunudyo. "Wala akong jojowain. Kadiri." Sandali naman natigilan si Knife nang marinig niya ang pangalan na 'yon. That guy is his number one competitor. Maging sa academics pero still nauuwi pa rin itong talunan. First lagi si Knife and second si Arisielle at pang third si Adrian. Knife shrugged it off. Ayaw niyang masira ang araw niya dahil sa isang tao lang na walang kwenta. Naiinis rin siya doon kapag umaaligid ito kay Arisielle. Si Bella, natatawa na lang. “Kaya hindi ka sinagot ni ate Francesca nung grade 8, Rico. Yong bibig mo talaga kasi ang kalaban mo.” Lahat naman nagtawanan ulit. Hindi naman pinahalata na nakatitig nanaman si Knife sa kanya. Nauna nang naglakad ang lahat, saka naiwan muli sina Knife and Arisielle sa likod dahil naging interesado ang dalaga sa booth na pinuntahan niya. Booth 'yon ng mga accessories. Tinuon niya ang tingin sa isang pares ng hikaw. Kulay red iyon. Parang sing kulay ng dugo ngunit kumikinang ito. Nang kukunin na ito ni Arisielle, biglang may mahaba at mapuputing daliri ang pumulot ng natipuhan niyang hikaw. Kinuha iyon at binayaran agad. Pagtingin ni Arisielle sa gilid ay sinusuot na ang isang pares ng kuya KB niya. "No way! Gusto ko pa naman 'yan." Sabi niya rito. Kinuha niya ang kamay ni Arisielle at inilapag ang box na may isang pares ng blood earing sa palad niya. "Tapon mo, isa lang ang kailangan ko." Sabi ni Knife sa kanya. Dinaanan siya. "Kuya..." Tawag ni Arisielle dito, kinahinto naman ito sa paglalakad ni Knife saka pumihit para masdan si Arisielle. "Itatago ko ito. Akin na lang ang isang pares na 'to huh wala nang bawian." Nakangiti sa kanya ang dalaga. Matipid na ngumiti sa kanya si Knife, hindi pinapahalata na kinilig siya sa sinabi ni Arisielle at humanga pa lalo dito. Nagtama naman ang kanilang mga mata nang lumapit siya rito na mas malapit. “Thanks...” Nakanginiti si Arisielle dito at hindi naman niya inaasahan ang sumunod na ginawa ni Knife sa kanya. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya, saka inayos ang buhok ni Arisielle na bahagyang nahulog sa pisngi nito. Mainit ang hawak niya. Mas matagal kaysa normal. Lumingon sa paligid si Arisielle dahil baka may makakita sa kanila. May alinlangan ang kilos niya bigla. Pero parang nadadarang si Arisielle sa eksena at parang napatigil ang mundo sa pagitan nila. “Magulo,” bulong ni Knife habang inaayos ang hairpiece niya. “But beautiful.” Ayaw niyang pagmasdan pero may anong kuryente sa pagitan nila at lalo na kay Arisielle na ayaw niyang lubayan pagmasdan ang mga mata na iyon. His honey brown eyes are so captivating. Parang isang makamandag na love potion na hindi siya makawala. Napalunok si Arisielle. “M-may booth pa tayo na pupuntahan, Kuya…” pagdadahilan niya para basagin ang tension. Hindi kumurap si Knife. “Huwag ka masyado malayo sa’kin.” Mababa ang boses nito, parang isa iyong babala sa kanya. “Crowded. Ayoko mawala ka sa paningin ko.” “Hindi naman ako bata—” “Then stay close,” putol niya, sabay talikod na parang wala lang nangyari. Naglakad na muli sila sa gawi ng mga kaibigan nila. Hindi naman nakatiis si Bella sa napansin sa sa kanila. Kaya binulungan niya si Arisielle. “Girl… Hindi ‘yan tingin ng stepbrother.” Napakagat ng pang-ibabang labi niya si Arisielle. "Don't worry, I won't tell. Mag-ingat na lang kayo." Advice nito. Hindi nila namalayan ay napahinto silang lahat sa kissing booth. Napailing si Bella nang makita ang karatula. At napatingin sa gawi ni Ken na nagpupunas ng salamin niya. "Oh boy, gotta go. Ayaw ko ang first kiss ko ay manggaling sa isang tuod." "Huh? Ako tuod? Gagi ka Bella! Ayaw ko din sa isang amazonang gaya mo." Sigaw ni Ken habang papalayo si Bella sa kanya. Nakapamewang naman si Katana at naka simangot kay Rico. "Nope not in this lifetime o kahit anong lifetime pa, Rico. Asa ka boy!" Si Rico, lalong lumaki ang ngisi. “Ikaw lang ba ang gustong i-kiss sa booth Katana? Feelingera ka!" "Ah feelingera pala!" Binigay niya ang hawak niyang panda plushie kay Arisielle, "hold this sis." Nagpatunog siya ng mga daliri niya. Umeskapo naman agad si Rico at nasa malayo na agad ito. "Bumalik ka rito tukmol na 'to!" Hinabol ito ni Katana. Naiwan muli sila Knife at Arisielle. Lumapit ang binata sa kanya at bumulong... "so... you want a kiss?" At si Arisielle… nagulat, namula at hawak ang pisngi niya. Kung saan dumampi ang kamay ni Knife. Biglang bumilis nag kabog ng dibdib niya. Pero hindi iyon nagtagal dahil may sumingit. Sa sobrang bilis ng pangyayari at parang may kumislot sa puso ni Arisielle. Dahil harap- harapan pa talaga. Ang kuya KB niya ay biglang may kahalikan na lang at magkalapat ang mga labi nila. Hindi niya alam kung magagalit siya o magseselos na wala naman kasi siyang karapatan. They are just brother and sister. Step... brother and sister. Kahit saang tingin na angolo isa lang siyang ampon ng mga Huangcho. Ano ba naman ang laban niya sa pinagkasundo sa kuya KB niya na si... Agatha Coreo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD