Chapter Fifty-three – Ang Pagbabalik Naghahain ng hapunan si Margarita noong bumaba si Franco galing sa opisina nito. Nauna na itong umupo kaya nilagay na niya ang kinuhang ulam para makakain na ito. Nagkunwari namang abala si Margarita para hindi niya makasabayan ng kain si Franco ngunit, parang ayaw talagang makiayon ng panahon sapagkat ginawa na lahat ng katulong ang mga gawain. “Margarita?” tawag ni nanay Cecil sa kanya. “Opo nay? Bakit?” Ani nito at lumapit kay nanay Cecil. “Hindi ka pa ba kakain?” nagtataka nitong tanong kay Margarita. “Kakain na po tayo,” ani nito para samahan siya. Napatingin siya kay Franco na nakatingin din sa kanya. Plastik siyang napangiti dito dahil sa naiilang siya. “Hali na kayo,” tawag ni manang Cecil sa iba ngunit hindi nalang daw muna kaya silang

