Chapter Fifty - Just Like Before Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni Franco. Nakakabingi ito sapagkat wala man lang nagsasalita sa kanila. Palipat-lipat ang mga mata ni Franco kay Margarita at Matthew. Napabuntong nalang siya ng hininga sapagkat para itong mga bata. "Nag-enjoy ka ba pare?" Bukas niya ng topic para hindi boring habang nagmamaneho siya. "Enjoy na sana," ani nito na pinaparingan si Margarita. "Bakit may sana? Hindi mo ba nagustuhan ang party kanina kaya hindi ka nag-enjoy?" Hindi ito umimik. Nakatingin lamang ito sa labas ng bintana habang nakaikis ang mga kilay. Napadako naman ang paningin ni Franco kay Margarita. "Ikaw Margarita? You really enjoyed it since nagkita kayo noong kakilala mo?" Masaya nitong sabi. "Nawala ng parang bula ang enjoyment ko kanina

