Chapter 5

1418 Words
BILLIE "Hoy, Friendship! Kanina ka pa natutulala riyan. Ano bang nangyayari sa 'yo?" usisa ni Agnes matapos niya akong marahang batukan. "Ah- Eh- Wala! M-May iinisip lang ako," tugon ko. Ngunit ang totoo niyan ay hindi mawala sa aking isip ang halik na pinagsaluhan namin ni Damian kaninang umaga. It was a quick and brief kiss but it feels like the softness and the warmth of his lips still lingers on mine. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit niya iyon ginawa. Hindi rin ito nagbigay nang kahit anong paliwanag matapos niyang nakawin ang aking unang halik. "Hmmm... Ano 'yang iniisip mo? Lalaki ba 'yan, ha?" tila kinikilig nitong tanong. Kasalukuyan kaming nasa restroom ng isang bar na nasa pinakatuktok na palapag nang isa sa pinakamamahaling hotel dito sa bansa. Ang agency na pinapasukan ni Agnes ang nag-ayos ng lahat ng mga kakailangan upang magkaroon kami ng permit para magbenta sa ekslusibong bar na ito. "Anong lalaki? Alam mo namang wala akong panahon sa mga ganyan," saad ko saka ipinagpatuloy ang paglalagay ng make up saking mukha. Matalik na kaibigan ko si Agnes pero hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanyan ang tungkol sa halik na namagitan sa amin ng aking boss. Makapal ang make up na nilagay ko sa aking mukha. Madilim sa loob ng bar kaya siguradong magmumukha akong maputla kapag manipis na kulorete sa mukha ang aking iniligay. Kahit papaano ay nasanay na rin akong mag-ayos ng aking sarili dahil na rin sa kabi-kabilang raket na aking pinapasukan para lamang magkapera.  Hindi kami isang kahig-isang tuka pero hindi rin naman kami gaanong nakakaluwag. Kumbaga, sapat lang ang kinikita ko upang makakain kami ng tatlong beses sa isang araw at may maayos na matutulugan. Bahagya kong iniangat ang aking suot na damit upang kahit paano ay matakpan ang nakahantad kong dibdib. Iginiit kasi ni Agnes na kailangan kaakit-akit ang aming suot ngayong gabi upang mas marami kaming maibenta. "Bakit mo ba tinataas? Dapat nga mas lalo mong ipinababa. Sayang naman ang laki ng boobs mo kung hindi nating papakinabangan," turan ni Agnes habang muling hinila ang manipis na tank top na aking suot. Kulat itim na mini dress na hanggang kalahati ng binti ang haba at mahabang manggas ang aking suot para ngayong gabi. May kababaan ang neckline noon kaya naman hantad na hantad ang aking cleavage. Mayroon din iyong logo ng sigarilyo na aming binibenta ang nakakatak sa dibdib na bahagi ng aking suot. "Alam mo namang hindi ako komportable sa ganito ka-revealing na damit," turan ko saka pasimple pang hinila pababa ang aking mini dress upang kahit papaano ay matakpan ang aking hita. "Ano ka ba? Sayang naman 'yang mala-porselana mong balat kung hindi natin irarampa," saad ni Agnes saka muling hinila pataas ang laylayan ng aking suot na damit. Nairap na lamang ako sa hangin dahil alam kong hindi ako mananalo sa kanya. Kung sabagay, dapat lang naman akong makinig sa mga sinasabi niya dahil mas kabisado niya ang trabahong ito. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib saka pilit na pinalakas ang aking loob bago tuluyang lumabas ng restroom. Pahabol ko pang sinulyapan nang tingin ang aking itsura. Kunwa'y sinuklay ko ang aking mahabang buhok na sadyang kinulot gamit ang aking kamay. Mariin kong pinagdikit ang aking mga labi saka marahan iyong pinagkiskis bago tuluyang pinakawalan. Nang makuntento na ako sa aking itsura ay saka ako tuluyang lumabas kasama si Agnes. "Oh, alam mo na gagawin mo, ha? Dito ako sa kaliwa, doon ka sa may kanan magbenta," bilin ni Agnes bago tuluyang naglakad papalayo sa akin. Muli akong humugot ng malalim na hininga habang mariing kagat-kagat ang aking pang-ibabang labi. "Woah!" Napapitlag ako nang bigla na lamang akong makarinig nang sigaw mula sa aking likuran. Mabilis akong napalingon. Noon ko lamang napansin na nasa harap na pala ako ng liquor bar at ang lalaking sumigaw ay ang bartender na nasa kabilang bahagi ng bar counter. "Ang lalim ng buntong-hininga mo, Miss. Akala ko mahuhulog na ko," nakangising asar nito. Tinaasan ko lamang ito ng kilay at saka matalim na tinitigan. Hindi nakakatulong ang pang-aasar niya sa kabang nararamdaman ko ngayon. "First time?" malawak ang ngiti na tanong ng lalaki.  Hindi ko mapigilang humanga sa kulay asul nitong mata at kulay abong buhok na may kahabaan ng konti.  Tumango ako sa kanya bilang tugon sa kanyang tanong. "Here," saad ng lalaki saka nag-abot ng isang shot glass na may lamang alak. "It's on the house. Pampalakas ng loob," dagdag pa niya nang hindi ko agad kunin ang kanyang inaalok na alak. Bahagya pa siyang natawa bago muling nagsalita, "Don't worry. It's not spiked," turan nito. Mukha namang matino ito at dito nagtatrabaho kaya naman ipinagkibit-balikat ko na lamang ang aking pagdududa saka tinanggap ang alak na kanyang alok. Inabot ko iyon mula sa ibabaw ng bar counter saka mabilis na nilagok. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pait at init na humahagod sa aking lalamunan dulot ng alak. "Feeling better?" nakangiting tanong niya. "O-Oo. Salamat," turan ko saka muling ibinalik sa kanya ang shot glass. "By the way, I'm Alekhine," pakilala nito sabay abot ng kanyang kamay. Marahan ko iyong inabot. "Billie," pakilala ko. "Dahil bago ka lang dito, I'll give you some tip," may pilyong ngiti naglalaro sa kanyang mga labi. "Dulo, bandang kaliwa, may malaking pabilog na sofa na naroon. Start there, siguradong marami kang mabebenta," turan nito. Bagama't may agam-agam ako sa kanyang sinabi, wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin kung sakalin subukan ko. Saka mukha nang safe ang lugar na ito dahil halos lahat ng naroon ay tila may mga kaya sa buhay. "S-Salamat," tugon ko sa kanya saka umalis. Bahagya ko pang nilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng bar na iyon. Madilim at maingay ang buong lugar. Tanging ilaw mula sa mga strobe lights ang nagbibigay liwanag sa paligid. Nahigit ko ang aking hininga nang mapansin ako ang isang pares na nasa mainit na tagpo. Ang babae ay nakatapong sa ibabaw ng lalaki habang mabilis itong nagtataas-baba sa kandungan ng lalaki. "Oh my—" Napaatras ako dahil sa pagkagulat ngunit ang mas labis kong ikinagitla ay nang tumama ang aking likod sa isang malaki at matigas na bulto. "I'm sorry." "What are you doing here?" halos sabay naming turan. Halos manlaki ang aking mga mata nang mapagsino ko ang estrangherong lalaki. Madilim ang kanyang mukha habang matalim na nakatitig sa akin. Humagod ang kanyang mga mata mula sa aking ulo pababa sa aking paa na tila ba sinusukat nito ang aking pagkatao. Bigla akong nilukob ng pagkaasiwa dahil sa paraan ng kanyang pagkakatitig. Mas lalong nakapagpainit ng aking mukha ay nang muling sumagi sa aking isip ang halik na aming pinasaluhan kanina. "E-Excuse me, Sir," nauutal kong turan saka akmang tatalikod sa kanya nang marahas niyang hilahin ang aking braso. Napatukod ako sa malapad at matigas nitong dibdib dahil sa lakas ng kanyang pagkakahila. Halos iilang dangkal na lamang ang pagitan ng aming mga mukha. Damang-dama ko ang init ng kanyang hininga na tumatama sa aking mukha. Tila gusto kong mapapikit nang masamyo ko ang mabango nitong hininga. "Sinong nagsabing p'wede ka ng umalis?" mariin niyang bulong sa pagitan ng aming mga mukha. Bagama't nakakabingi ang musika sa loob ng bar ay hindi iyon naging dahilan upang maintindihan ko ang kanyang sinabi. "A-Ano po bang kailangan n'yo?" kinakabahan kong tanong habang pilit na kumakawala sa kanyang pagkakahawak. "I'm asking you, what the f*ck are you doing in this kind of place?" he said while gritting his teeth. "Nagtatrabaho po," sarkastikong tugon ko. Hindi ko kasi maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya. "Where that?" kunot-noong tanong nito. "Ahmm.. Yes?" tila hindi pa ako sigurado sa aking tanong. Pagkatapos noon ay malakas kong hinila ang aking braso mula sa kanya. Buti na lang at pinakawalan niya rin ako. "Kung okay lang po sa inyo, maari na po ba akong umalis para makapagtrabaho?" Hindi ko na inantay ang kanyang magiging sagot. Mabilis akong tumalikod at dali-daling lumayo mula sa kanyang kinaroroonan. Para akong hinabol ng sampung kabayo dahil sa lakas ng t***k ng aking puso. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib dahil sa labis na kaba. He never fails to make my heart skip a bit. Kahit ang simpleng pagtitig niya sa akin ang naghahatid ng libo-libong boltahe ng kuryente sa aking katawan. Pilit kong ipinilig ang aking ulo upang tanggalin ang kanyang imahe sa aking isip. Pinilit ko na lamang ituon ang aking buong atensyon sa akin trabaho.  *******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD