"Oh ano kaya pa?" ang tumatawang ani ko ng makita ko kung paano kumaripas ng takbo ang lalaking kasama ko papunta sa isang tabi pagkababa na pagkababa pa lang namin mula sa unang ride na sinakyan namin. Kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano ito sumuka ng sumuka. Dahilan, kung bakit mas napatawa ako. 'Yan kasi, ang gara-gara 'yon naman pala susuka. May nalalaman pa siya na sa una raw kami umupo para raw mas feel namin ang thrill at moment. E 'yon naman pala magsusuka. Wala sa sariling napatawa ako dahil sa naisip ko. Alam niyo kasi, 'pag sa una kayo umupo ay mas doble pa 'yong kaba na mararamdaman niyo lalo na pag pababa na 'yong sinasakyan niya. Doble, sapagkat ma lolola talaga kayo. At kung tatanongin niyo ako kung paano ko nalaman ang mga iyon? Simple lang, na observe k

