Kabanata 6

2383 Words
SA totoo lang hindi ko gusto ang ideya na naiisip ko. But I don't have any choice, dahil kung itatakas ko si mama paniguradong sa kulungan ang bagsak ko at kung hindi ko rin naman mabayaran ang bill na iyon ay paniguradong sa kulungan pa rin ang bagsak ko. Wala akong makita na ibang choice kundi itong naiisip ko. Kaya wala na talaga akong ibang choice kundi ang pumayag sa offer ni Madam. Iisipin ko na lamang na naglalaro lamang kami ng bahay-bahayan no'ng nag offer ng 500, 000 sa akin. Bahay-bahayan na kung saa'y siya ang papa at ako ang mama.. At kakantotin niya ako para may baby kaming dalawa. Oh god, what I am thinking?! Back to the topic, honestly ayaw ko talaga. But I don't have any choice dahil kung ang savings ko ang pagbabasehan. Taena nasa 50 000 pa lamang ang laman no'n, so kulang pa ng 50, 000. At paniguradong hindi lamang 50, 000 ang magiging kulang ko dahil gaya nga no'ng sinabi ng babae kanina na siyang nakatingga sa billing station ay initial pa raw iyon. Meaning hindi pa ang full. So yeah, kung initial pa lang iyon malaki talaga ang tiyansa na mas lalaki pa ang bayarin namin dito sa hospital. Taena naman kasi itong si mama e, ano ba kasing nakain nito at bakit sa ganito pa talaga kamahal na ospital na ito niya naisipang pumunta, hindi ba pwedeng sa public na lang? Bakit sa private pa?! At saka isa pa, nasaan na ba 'yong sumagasa kay mama dahil siya ang pagbabayarin ko. Taena ng lalaking 'yon ah, ng dahil sa kan'ya na mo-moblema ako ngayon. And any minute from now, mawawala na 'tong virginity ko at ang dangal ko. Ay hindi na pala kasama 'yong dangal dahil matagal na iyong nawala. Matagal na itong nawala dahil sa klase ng trabaho na meron ang mama ko. So yeah, 'yong virginity ko na lang talaga iyong mawawala. Umaasa na lamang talaga ako ngayon, na sana gwapo 'yong nag offer sa akin ng ganon kalaking halaga, 'yong kasing gwapo sana no'ng lalaki kanina sa casino. Nang sa gayon kapag gagawa na kami ng baby ay hindi ko na kailangang pumikit pa dahil pogi siya. At mag eenjoy talaga ako. Sabi kasi sa akin noon ni Monique, kung pangit daw 'yong lalaki hindi ka daw talaga mag eenjoy, bagkos ay pipikit ka pa habang ginagawa ang bagay na iyon dahil baka mandiri ka daw, pero kung gwapo naman daw, ay mas dilat pa raw ang mata mo sa mata ng tarsier at mag eenjoy ka pa talaga. Kaya naman, sana gwapo para hindi naman ako malugi. Wow! Ikaw pa talaga ang malulugi sa kan'ya self, e ang laki nga no'ng offer niya sa'yo? Ang sabihin mo siya ang lugi sa'yo dahil pangit ka na nga, di kapa marunong at wala ka pang offer sa kanya. Muli akong napatampal sa noo ko dahil sa naisip ko. Ghad, those thoughts are making me insane. Nang dahil sa malalim na pag-iisip ko ay hindi ko man lang namalayan na narating ko na pala ang gawi ng opisina ni Madam. Namalayan ko na lamang ito ng muntikan na akong mauntog sa pinto. Mabuti na lamang at hindi, kasi kung oo, I am one hundred percent sure na itong pango kung ilong ay mas pa-pango pa. Huhu jusko! Huwag naman sana, diko pa naman afford ang magpa rhinoplasty dahil wala akong ka pera-pera. Ipinilig ko ang ulo. Pagkatapos ay humugot ako ng lakas na loob sa pamamagigan ng paghinga ng malalim bago kinatok ang pintuan na nasa harapan ko. "Pasok," rinig kong ani no'ng nasa loob at dahil sa sinabi nito'y pumasok rin naman ako. Sinunod ko ang utos nito. Si Madam na busing-busy sa pag mamake-up ang nabungaran ko. Kung sa iba, 'yong mga boss nila ay busing-busy sa mga papeles na dapat ni lang asikasuhin. Itong si madam naman ay busing-busy sa pagpapaganda, akala mo naman may ikakaganda pa. E sa katuwiran nga'y, mas nagmumukha pa siyang hilaw na espasol sa make up niya. "Good morning po Madame," bati ko rito. Oo, morning, dahil alas 3 na ng umaga sa mga oras na ito and honestly kahit alas 3 pa hindi pa ako inaantok. Sanay na kasi ako na gising sa mga oras na ito e, at saka isa pa sino ba ang aantukin kung may malaki kang problema na dapat mo pang sulosyonan? Napa-angat ito ng tingin dahil sa sinabi ko, "Oh ba't naparito ka?" bumakas ang pagtataka sa buong espasol na mukha nito, "Akala ko ba umalis ka na dahil naospital raw ang iyong mama, tama?" dag-dag pa na tanong nito. Dahilan kung bakit ako napakamot sa batok ko. At kahit hindi pa man niya ako sinasabihan na umupo, ay kusa na akong umupo, pagod na kasi akong tumayo dahil sa mahabang lakaran na ginawa ko e. Kaya naman oras na siguro para umupo ako. Bahala na siya kung ano ang sabihin niya basta ako mag fe-feeling at home ano. "'Yon na nga po e.. Kaya nga po ako narito upang sabihin sa inyo na pumapayag na po ako sa alok niyo dahil gipit na gipit na po talaga ako." Ginawa ko ang best ko na huwag maging madrama habang sinasambit ang mga kataga na iyon, but sadly nagmukha talaga siyang drama. Napaayos si Madam sa pagkakaupo niya dahil sa narinig. Lumamlam rin ang expression na makikita sa mukha niya. Pero alam ko na sa likod ng mga labi niyang iyon ay ang isang ngiti, ngiti dahil sa wakas magkakapera na rin siya mula sa commission. Commission na makukuha niya sa offer na matatanggap ko. May pa awa-awa pa to sa Madam, e obvious namang sayang-saya na ang kaloob-looban nito. Drama talaga! Choss! Mukha namang pera! "Medyo malaki po kasi ang bill namin sa ospital kaya need ko po talaga ng pera at iyong offer niyo lamang po ang tanging naiisip ko na magsasalba sa aki—" Hindi ko na natapos ba ang balak ko pa sanang sasabihin ng putulin nito ang balak ko pa sanang sasabihin. "—Shhhh iha, magkano ba ang kailangan?" pagpuputol niya dahilan kung bakit rin ako napaayos ng upo. "As of the moment, I need 200 000 thousand po," sagot ko sa tanong nito. Oo, two hundred thousand ang sinabi ko. Ginawa ko na itong two hundred thousand baka kasi magkulang pa e kung 100 000 lang ang hihilingin ko. Alam niyo na, dollar pa naman ang hospital na iyo. "'Yon lang ba?" tanong nito na siyang tinaguan ko. "Two hundred thousand then," ani nito sabay kuha sa kung anong papel na nasa bag nito. At ng magsimula na itong magsulat ay doon ko lamang napagtanto kung ano ito. At ito ay isang cheque! At hindi ko inaakalang lalaki talaga ng sobra ang mata ko ng magsimula na siyang magsulat roon. Taena, legit ba 'to?! Like agad-agad?! Money release agad?! Akala ko pagkatapos pa ng serbisyo ang pera pero mukhang may pa down payment pala. "Ito ang paunang bayad ng trabaho na gagawin mo," ani nito sa akin matapos pirmahan ang gawi no'ng para sa signature. After that, inilahad niya ito sa akin at kahit nagulat man dahil parang biglaan itong lahat na nangyayari sa akin ay tinanggap ko pa rin ito. "At tungkol sa detalye ng trabaho mo, i te-text ko na lamang ikaw," she said na siyang nagpatango ulit sa akin. "Maraming salamat po Madame," ang wala sa sariling bulas ko dahil sa saya at pagkabigla. "Walang anuman at kung ako sa'yo, manood ka na ng mga porno para may ideya ka dahil mukhang mapapasabak ka talaga," aniya na siyang nagpalunok sa akin. Napalunok ako kasi hindi naman ako gano'n ka inosente para hindi maintindihan ang salitang porno. "O siya't sige na, makakaalis ka na dahil may date pa ako," pagtataboy nito sa akin dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko. Ha? Date? Taena, alas 3 ng madaling araw may date siya? Kaya naman pala nag ma-make up ito. Pero legit? May date talaga siya ng madaling araw? Ano ba 'yong ka date niya? Aswang, pambira or momo? O baka naman si madam ang momo? Pero impossible dahil wala pa namang momo na mukhang espasol e. Bampira siguro dahil sing puti ng mukha niya 'yong mga mukha ng pambira e. Gaya ng sinabi niya'y matapos makapagpaalam sa kanya'y agaran ko ng nilisan ang opisina niya pati na rin ang lugar na iyon. Dala-dala ang cheque ay pumara ako ng taxi at nagpahatid sa hospital na kung saan naka confine ang mama ko. At sa awa ng diyos, narating ko naman ng ligtas ang lugar na iyon. Dali-dali akong pumasok sa ospital at saka tinungo ang kwarto ng mama ko. Nang marating ang tapat ng pintuan nito'y agad-agad kung binuksan ito at doon tumambad sa akin si mama na naghihilik habang natutulog at ang pinsan ko naman ay natutulog na rin habang tumutulo ang laway. Kadiri talaga ang babaeng 'to kahit kailan! 'Tong mga 'to kung makahilik at kung maka tulo ng laway, aakalain mong nasa bahay lamang sila. Feel at home e. Ibinagsak ko ang katawan ko sa pang-isahang sofa na nasa tapat lamang ng kama ni mama. Pinikit ko ang mga mata ko at dahil na rin sa pagod na nararamdaman ay agad akong kinain ng dilim. Kinabukasa'y nagising ako dahil sa isang pagkatok, katok na nanggaling sa pintuan nitong kwarto. Inaantok paman ay bumangon pa rin ako upang pagbuksan iyong kumakatok. Pagbukas ko'y doon ko nakita ang isang babaeng nurse na nakangiti. "Good morning ma'am, I am here to check the patient bago po kayo tuluyang ma discharge," anito na siyang tinaguan ko naman. Binuksan ko ng malaki ang pintuan para makapasok na siya. At tila alam na niya ang drill, kung ano ang ibig kung sabihin sa pagbukas ng malaki sa pintuan, dahil agaran siyang pumasok sa loob. "Good morning ma'am," rinig kong ulit na bati nito. Hindi ko alam kung sino ang binati nito this time, pero mukhang ang pinsan ko ang binati niya . Sinirado ko ang pintuan bago muling bumalik sa aking tinulugan. Hihiga na sana ako roon ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng mahagip ng paningin ko ang nakangiting pagmumukha ni mama. Akala ko no'ng una'y namamalikmata lamang ako kaya napakusot talaga ako sa mga mata ko. Pero no'ng makita kong nakangiti pa rin siya imbes na tulog ng matapos na ako sa pagkusot sa mata koy doon na ako naniwala. Naniwala, na gising na nga talaga ang magaling kung ina at hindi ako namamalikmata. Pero ang nakakatuwa pa'y taena nagkakape pa talaga ito. Noong una'y nagtaka pa ako kung saan ito kumuha ng kape. Pero ng tignan ko ang couch na kung saa'y natulog ang pinsan ko kagabi'y nasagot ko ang sariling tanong ko. Dahil 'yong letse kung pinsan ay nagkakape rin. Tangina ang mga 'to, gising na pala, bakit hindi man lang nila pinagbuksan itong nurse na ito? Taena ako pa tuloy ang nakapagbukas kahit inaantok pa 'ko! Na distrubo pa tuloy 'yong tulog ko! Speaking of the nurse, kasalukuyan ay may kung ano siyang kinakalikot sa mga aparatus na nakakabit kay mama sabay sulat rin sa mga kung anong bagay na hindi ko alam sa papel na dala-dala niya. "So far, ayos nanaman po kayo kaya maari na po kayong ma discharge," kalauna'y sabi pa nito matapos kalikutin 'yong mga aparatus na hindi ko malaman kung ano ang tawag. "Just pay your bills, and pwede na po kayong umalis," dag-dag pang ani nito bago dinampot ang mga gamit na ginamit niya. "Okay, thank you, miss," si mama ang nagsalita niyon. "You're welcome po ma'am," ani nito bago yumuko at saka nagpaalam na aalis na. Nang makaalis na ito'y napaupo na lamang ako sa upuan na hinigaan ko kagabi. Taena talaga tong mga kasama ko, walang mga konsiderasyon, nagkakape na nga lang, di man lang rin ako binilhan. "Kape 'nak?" alok ni mama na siyang inirapan ko lamang. "Huwag na! Nagtatampo na ako!" ani ko rito bago nakangusong tumayo mula sa pagkakaupo ko at saka tinungo ang daan palabas nitong kwarto. Dala-dala ang bag ko kung saan naroroon ang cheque ko'y lumabas na ako. Pero bago tuluyang lumabas ay narinig ko pa kung paano naghalakhakan ang mama at ang pinsan ko. Mga tangina talaga ang mga 'yon! Mga walang awa! Mabulunan sana. Nakanguso kong tinungo ang billing station, nang sa gayon ay ma i-settle ko na ang bill namin nang sa gayon na rin ay makauwi na ko dahil sa totoo lang uwing-uwi na ako. Inaantok pa ako habang tinatahak ang daan papunta do'n sa billing ngunit ang antok ko na iyon ay nawala rin agad ng makita ko ang total bill namin. Taenaaa? 150 thousand? Legit? Ilang oras lang kami rito pero naka 150 thousand na kami? Jusko ano batong impyerno na pinasok namin. Daig pa nito ang isang 5 star na hotel. Sa isang 5 star na hotel kasi, one night nila, nasa 5 to 10k lang pero ang hospital na ito, isang gabi lang o sa makatuwid ilang oras lang tapos 150k agad? Juskooo! Anong klaseng hospital ba ito? Gustuhin ko mang magreklamo at mag dabog dahil sa laki ng babayaran ko'y wala akong ibang nagawa kundi ang bayaran na lamang ito. Dahil alam ko na kahit anong gawin ko pa man ay hindi na nito mababago pa na ganon kalaking halaga ang babayaran ko. Ang sabi do'n sa billing ay sa cashier raw ako magbabayad. At dahil mabait ako ay sinunod ko siya. Mabuti na lamang at katabi lamang no'ng billing ang cashier kaya hindi na ako nahirapan pa sa paghahanap. "Do you accept cheque miss?" tanong ko rito ng marating ko na ng tuluyan ang gawi nong cashier, tinanong ko aiya baka kasi hindi sila tumanggap e, kapagod pa namang magpapalit ng pera. "Yes miss," ani nito na siyang nagpasalamat sa akin. May kung anong form lang akong finill-upan. And after that nakapagbayad na ako. Medyo napapapikit pa ako habang hinahalad ko 'yong cheque ko sakanya. Napapipikit ako dahil sa kaisipang parang hindi ko kayang ibigay ang cheque na iyon. Pero dahil nga no choice, ibinigay ko pa rin iyon sa kan'ya. At ng mapasakamay na ito no'ng babaeng cashier ay napasabi na lamang ako ng, "Tangina, sa panahon ngayon ang mahal magkasakit!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD