Hinawi ni Gwen ang kurtina sa bintana ng Semi-Private na hospital room ko habang nakahiga naman sa katabing bakanteng kama si Josh. 7am na pero makulimlim pa rin sa labas, hindi pa gumaganda ang panahon simula ng bumagyo. "Good morning, friends," sabi ko sa kanilang dalawa. "Morning Dell," sagot naman ni Gwen bago bumaling kay Josh. "Uy, Bes gising na! Daig mo pa ang pasyente kung matulog." "Ang likot mo matulog, Gwen, inaantok pa ako!" humihikab na wika ni Josh. "Aba sino bang nagsabi sa iyo na sumiksik ka sa kama? Diba sabi ko sa sofa ka na lang?" "Nakatapat iyang aircon sa sofa o! Ang lamig kaya! Buti itong si Dell, may kumot." "Kung makayakap ka, akala mo wala nang bukas! Muntik na kaya akong ma-soffucate sa iyo!" Bumangon na rin si Josh at nilapitan si Gwen. "Ganito ba?" anit

