Extended for another three days ang one week na sick leave ko. Kamakalawa lamang nang nakabalik ako sa school pero maliban sa ilang make up quizes ay hindi ko naramdaman na may na-miss ako. Halos sa bahay na namin tumira si Gwen noong hindi pa ako magaling at araw araw rin akong updated sa notes dahil sa kanya. Dumadaan din si Josh kapag hindi abala sa school work niya at si Gavin naman ay maya't maya rin sumusulpot kahit alam kong abala siya sa classes, hospital duty at practice. He even brought me food several times para daw hindi na ako magluto at kapag maluwag ang schedule niya ay sinasamahan niya akong kumain. Nang dumating si Papa ng weekend ay mas maayos na ako. I told him the same lie that I told Aling Martha, na nadulas ako noong may bagyo. Hindi naman siya masyadong nag-usisa.

