"Buti may play kayo?" We are currently on our way papunta sa Jollibee near Chelsea's house. Ang aga nga rin dumating ni Edward at nag-aayos pa ako nang pagmumukha ko kaninang dumating! Napapasok ko pa tuloy siya sa bahay dahil sa ayaw ko naman siyang paghintayin sa kotse niya ano. "That will be our final exam kay Ms. Ancheta." Tipid na sambit ko habang nakatingin lang sa mga nadaraanan naming building. Nabawi ko naman kahit papaano ang antok ko sa klase kanina. Pero hanggang ngayon, nakararamdam pa rin ako ng antok at sakit sa ulo. Hindi ko alam kung nang dahil sa kaunti lang ang nakain ko kaninang tanghalian at hindi pa ako kumain kaninang umaga. "Are you okay?" Tanong nito sa akin na siya namang sinagot ko na lang ng tango. Ipinikit ko na lang ang mata ko at baka sakaling mawala yun

