Days passed by simula noong lumipas ang araw na iyon, the reunion to be exact. Hindi ko pa rin malimutan kung anong nangyari and at the same time, I can still feel the embarrassment! I'm here at Edward's place at kasalukuyang nilalaro ng kanang kamay ko ang golf ball nito while seating in their sofa. Nasa sala kami at naghihintay kay Keila nang dahil sa dadalhin na niya rito yung reviewer and at the same time, ang libre nila. "Ethan, ilang araw ka nga bang tulala?" Natatawang saad ni Edward dahilan para lingunin ko ito. Tumaas na lamang ang kaliwang bahagi ng labi ko na siyang ikinatawa na lamang niya ulit. Hindi ko maiwasang mapahugot ng hininga at mapangiti sa tuwing naaalala ko ang pangyayari. Napasandal na lamang ako sa sofa at tumingin sa pader na nasa aking harapan. "I always rem

