"Anong nangyari kahapon?" Tipid na tanong sa akin ni Mia while we are walking under the sun. Naisipan naming magpunta sa library since uwian na rin naman ng hapon at nagsisimula na rin ang finals namin sa ibang subject. Ayaw rin naman naming bumagsak lalo na't patapos na ang first sem and I'm running as our batch valedictorian. Hindi pwedeng, magpatumpik-tumpik ako. "Ewan ko rin," I shrugged and pause for a second. "Ang sakit lang ng puson ko kahapon, then suddenly bigla akong nahilo at umikot bigla yung paningin ko." I answered. "Tapos sabi ni Nurse Jane, ang init ko na raw. And when she said it, doon lang nagsink in sa akin na nag-iinit din ako na nilalamig," habol ko pa rito. "That was probably nung nagpaulan kang gaga ka," sambit nito sa akin in a serious tone dahilan para makonsen

