"Congrats ulit, nak!" Bumaba na ako sa kotse ni Ma'am Valdemor. I gave her a smile at bahagya pang nag-bow dito. "Thank you rin po, ma'am." I answered at itinaas nang kaunti ang trophy ko. Nakangiti pa rin ito, at maya-maya lang ay sinimulan na rin niya ang engine ng kotse at umalis na. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko hanggang sa hindi ko na makita ang kotse nito. After that, kusang nawala ang ngiti sa labi ko at bumagsak na ang balikat ko. Supposedly, dapat may after party pa, pero hindi na ako nag-abala pang sumama at sinabing masama ang pakiramdam ko kahit na hindi naman talaga. Nawala lang talaga ako sa mood simula kanina. Flashback... Gusto ko nang tumakbo pababa sa stage at umuwi ngayon na dahil sa ayaw tumigil ng luha ko. Hindi ko alam, kung tears of joy ba 'to dahil sa

