Sorry for what I have done. I'll take responsibility for my action. Tamad kong iminulagat ang mata ko nang dahil sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako kanina. Kahit labag sa loob ko, kailangan kong bumangon kung gusto kong masimulan ang mga backlogs ko. Kinapa-kapa ko na lang ang phone ko sa kung saan man dito sa kama ko. Mapauluhan ko at magkabilang gilid. Pero nang dahil sa wala akong makapa, tamad akong gumulong papunta sa aking kaliwa dahil for sure, nasa ilaliman ko na ang phone ko sa sobrang gulo ko ba naman matulog. Medyo kumikirot ang ulo ko nang dahil na rin siguro sa bitin ang tulog at magdidilim na rin kahit papaano. Isa pa, hindi pa rin maalis sa isip ko yung text message ni Ethan kanina. Parang gusto kong lumubog sa lupa ngayon din nang dahil sa kahihiyan! Nang m

